Kaibigan

117 8 5
                                    

...

Makita lang kita masaya na ako,

Kasama mo man ang iba na dapat sana ako,

Aasa pa ba ako sa pangako mo,

Na tila bang unti-unti ng napako?

...

Ako ang lagi mong kasama,

Sa mga panahon na tila walang tama,

Ako ang siyang nagsisilbi mong sandalan,

Pero nasan ka ngayon nang ako naman ang nangangailangan?

...

Masakit isipin,

Mahirap tanggapin,

Para lang bang nagdaang hangin,

Ang pagkakaibigan natin?

...

Mga alaala nalang ang naiwan,

Na palagi kong binabalik-balikan,

Para bang panaginip lang ang lahat ng nangyari,

At ang ating pinagsamahan ay isang pagkukunwari.

...

Hinding-hindi kita makakalimutan,

Ika'y mananatili pa rin sa puso't isipan,

Kahit ako'y iyong sinaktan,

Para sa akin ikaw pa rin ang aking kaibigan.

...

tulkoprsyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon