...
Hindi ko inakalang ako'y mananalo,
Sa isang posisyong akala ko'y ako'y talo,
Kaya naririto ako ngayon,
Presidente ng buong klase.
...
Salamat sa bise-presidente ko na palagi akong tinutulungan,
Salamat rin sa aking mga kaibigan,
Natutuwa ako't kayo'y palaging nandiyan,
Upang suportahan at ako'y damayan.
...
Hindi ko alam kung bakit ko tinanggap,
Ang isang posisyong alam kong napakahirap,
Napakahirap gampanan,
Napakahirap panindigan.
...
Minsan maiiyak ka nalang,
Dahil hindi mo malaman kung ano ang dapat na gawing hakbang,
Upang bumalik ang lahat sa dati,
Kung saan ang lahat ay bati-bati.
...
Sa bawat posisyong iyong makukuha,
Siguraduhing ika'y handa na,
Sapagkat kahandaan ang siyang susi,
Upang sa huli'y di magsisi.
...

BINABASA MO ANG
tulkoprsyo
Poesíaminsan may mga bagay tayong di masabi, kaya dinadaan nalang natin ito sa pamamagitan ng pagsulat. ...pagsulat ng tula... 2017 picklesmrs