Chapter 1

22 1 0
                                    

Celena's POV

2 am
*//brzzt// //brzzt//*

Nagising ako dahil sa pagvibrate ng cellphone ko kaya bumangon ako at kinuha ko ito 9 missed calls and 5 messages galing lahat kay nurse Chacha

1:25 am

Doc, kelangan niyo daw pong pumunta po dito sa hospital sabi ni Doc Sanya emergency daw po.

1:30 am
Doc, kelangan niyo daw pong pumunta dito.

1:45 am
Doc.

1:58 am
Hoy! Gomez! Pumarito ka na! May pasyente ka! Kelangan mo 'tong makita! -Doc Sanya

Magtitipa na sana ako ng irereply ko ng tumawag si Sanya sinagot ko ang tawag niya humikab muna ako bago magsalita

"Oh?"

"Anong oh oh? Pumarito ka na, may pasyente ka. Kelangan mo itong makita."

"Ok. Maliligo lang ako. Bye"

Pinatay ko na yung tawag niya, dumiretcho agad ako ng banyo at naligo. Nagbihis na ako at naglagay ng kaunting make up. Nilagay ko sa bag ko ang mahahalagang bagay, lumabas na ako ng kwarto. Nilock ko muna ang pinto ng condo ko saka lumabas papuntang parking lot, habang naglalakad ako iniisip ko si Mama, matagal na kaming hindi nag uusap, matagal na kaming walang communication, dahil nga sa nagtalo kami sa isang bagay. Isang bagay na nagpalayo ng loob ko sa kanya, pero kahit ganon ang nangyari saming dalawa hindi ko parin maiwasang mag-alala sakanya kahit papano magulang ko pa rin siya kahit man pagbalik pabaliktarin ko ang mundo. Sumakay na ako ng kotse ko at pinaharurot ko itong papunta ng hospital na pinagtratrabahuan ko.

*Hospital*

Pinark ko ang kotse ko sa parking lot ng hospital pinatunog ko muna ito at lumuwas na papasok ng hospital "Good Morning Doctora" bati saken ni Manong Rene isa sa mga guwardiya ngiti at tango lamang ang isinukli ko sakanya, pumasok na ako ng office ko at dun 'ko naabutan si Sanya na nakaupo at nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay "Ang tagal mo!" reklamo niya umupo ako sa swivel chair ko at umirap sa kawalan

"Atleast dumating ako, asan ang pasyente ko?"

"Nasa ward 13 pa, icheck mo na siya" ani Doc Sanya

"Ok. Paki sabi kay nurse chacha sumunod siya saken sa ward 13 kelangan ko siya paki sabi na rin na dalhin niya yung records ng pasyente".

Lumabas na ako ng office ko at pumunta ng elevator nasa 3rd floor kasi ang ward 13, pasara na ang elevator nang biglang pumasok si Dylan isa din siyang doctor neurologist din kagaya ko "Hi" bati niya sabay ngiti ng napakalapad kulang nalang mapunit ang bibig nito sa sobrang lapad ng ngiti "Hmmm. Hello" sagot ko ng hindi ko siya tinitignan bigla niyang iniharap yung mukha niya sa mukha kulang nalang mahalikan niya ako sa sobrang lapit nito agad kong inilayo ang mukha ko baka masapak ko pa to! "Ano ba!" Pagalit kong sabi sakanya, humalakhal siya "Hahaha. Ang ganda mo kasi mas lalo sa malapitan Celene" ngumiti na naman siya ng sobrang lapad tss mukhang alien abnormal "Tigil tigilan mo 'ko Rodrigez baka masapak kita" tumunog na ang elevator hudyat na nakarating na kami ng third floor pagkabukas ng pintuan agad akong lumabas at lumakad palayo sa kanya, nakakainis kasi at panira ng araw nakakabad vibes tapos aba't sumunod pa siya saken walang planong lubayan ako. Bwiset. "San punta mo?" Tanong niya habang nilalagay niya yung I.D. niya "Sa ward 13" tipid kong sagot sakanya. Kainis! "Ah, dun din ako e" sagot niya. Nang makita ko ang ward 13 pumasok na agad ako, sumunod namang pumasok si Alien este Dylan pala "Hi po, nandito po kami para icheck kayo" ani Dylan habang binabasa niya ang mga records ng pasyente niya, tatawagan ko sana si Sanya dahil baka nakalimutan niyang tawagin si nurse chacha pero biglang nagsalita si Dylan "Ah, kung hinahanap mo si Chacha, wala siya may inaasikaso siya kanina kaya saken niya binigay yung record ng pasyente mo" inabot niya saken yung record ng pasyente nagulat ako ng makita ko kung sino yung pasyente ko..

Asawa ng mama ko ang pasyente ko..

~~~
Annyeongggggggggg! Hehe. Bago po palang ako kaya pagpasensyahan niyo na. Hehe. Enjoy reading 😘

~xexeni

It's Definitely YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon