Third Person's POV
Hindi makapaniwala si Celena sa kanyang nakita, asawa ng mama niya ang pasyente niya. Tinitigan niya lamang ito at nalukot niya ng bahagya ang papel, kaya nagtaka si Dylan sa inasta ni Celene kaya kinalabit niya ito "Celene, may problema ba?" May halong pag aalala ang tanong niya na makikita sa mga mata ni Dylan ngunit ngumiti lamang ng tipid si Celena at tumango "Ah, Good Morning po, asan ang bantay ni Ferdinand Alonzo?" sigaw niya agad namang lumingon ang ginang na medyo singkit at medyo maputi, medyo payat at may maikling buhok. Natigilan ang ginang nang makita niya si Celena, halos di niya makilala ang dalaga dahil sa laki ng ipinagbago nito pero natauhan siya ng biglang sumigaw ulit si Celena "Asan po ang bantay ni Ferdinand Alonzo? walang bakas na emosyon sa mukha ni Celena, habang ang ginang naman ay dahang-dahang tumayo "C-C-Celena? Ikaw ba yan?" Dahan-dahan siyang lumakad papunta kay Celena, nagtaka naman ang mga taong nasa loob ng ward. At nakuha pa nito ang atensyon ni Dylan na abala sa pagturok ng gamot sa swero sa isang pasyente. "Kayo po ba ang bantay ng pasyenteng si Mr. Ferdinand Alonzo Mrs?" tanong ni Celena habang tinitignan ang tulog na asawa ng ginang "Ah, oo" agad na sagot ng ginang, binasa ulit ni Celena ang records ng asawa ng ginang at bumuntong hinga "Tara po sa opisina ko Mrs. Follow me, Ah Doc Dylan paki check muna ang pasyente ko, mag-uusap lang kami ng bantay ng asawa niya" tumango naman si Dylan at agad na chineck ang pasyenteng asawa ng ginang. Lumabas na ng ward si Celene sumunod naman ang ginang. Nang naglalakad sila hindi maiwasan ng ginang na tumitig sa dalagang naglalakad sa harapan niya gusto niyang umiyak ngunit ayaw niyang makita ito ng dalaga, Hindi niya maiwasang humanga sakanya malayong-malayo sa Celenang kinagisnan at nakasama niya. Si Celena, ang anak niya. Sa loob ng labing tatlong taon hindi sila nagkita o nag usap ni Celena dahil sa kanilang pagtatalo, ang pagtatalong nagpalayo ng loob ni Celena. Nang nakarating na sila ng opisina ni Celena, namangha siya sa ganda at ayos ng opisina nito, malayo sa dating Celenang makalat at burara. Umupo si Celena sa swivel chair niya at binuksan at laptop "Have a seat po" ani ni Celena agad namang umupo ang ginang at nakangiting humarap kay Celena "K-kamusta ka na a-anak?" Hindi inaasahan ni Celena ang tanong ng ginang kaya napatigil siya sa kanyang pagkakalikot sa laptop niya.
Celena's POV
Napatigil ako sa tanong ng mama ko, oo mama ko siya matapos ng labing tatlong taon ngayon ko lang siya nakita, mas lumalim ang kanyang mga mata, medyo pumuti na rin ang buhok niya, hindi pa rin nagbago ang katawan niya, ganun pa rin amg itsura niya, ngumiti ako ng mapait "Ok lang, kayo?" tanong ko habang binabasa ko ang record ng asawa niya "Ok lang din sa awa ng Diyos, naabot mo pala ang pangarap mong maging doktor anak. Proud ako sayo" nakangiting tungon niya saken bumuntong hinga ako at sumandal sa swivel chair ko, iniba ko ang aming usapan at binaling ko ito sa sakit na mayroon ang ASAWA niya "May Ependymoma ho ang asawa niyo, hangga't hindi pa ho malala o lumalaki ang tumor na ito kailangan na po natin itong maagapan sa lalong madaling panahon" yumuko saglit si mama, agad din siyang umangat ng ulo
"Ok. Sige, pero ikaw ba mag-oopera s-sa as-a-s---"
"Asawa mo po?" Pag tutuloy ko sakanya hindi siya sumagot "Wala namang problema kung ako ang mag oopera sakanya, tutal ako naman ang doktor niya, pero after ng operation may chance na may side effects ito maaring hindi siya makapagsalita, o kaya'y pwede siyang maparalisa, pero atleast matatanggal ang tumor kesa sa lumala pa ito."
Bumuntong hinga siya at tumingin sa akin at ngumiti may tumulong luha sa pingi niya "Salamat anak ko. Salamat kasi kahit papano kahit hindi tayo ayos, ikaw ang mag oopera kay Ferdinand. Salam--"
Tumayo ako at pumunta sa pintuan binuksan ko ito hudyat na tapos na ang usapan namin "Ginagawa ko lamang ang trabaho ko bilang doktor. Tapos na po ang usapan natin, sasabihin ko nalang sa inyo ng maaga kung kelan ko siya ooperahan para makapaghanda kayo. Dont worry araw-araw ko siyang bibisitahin para icheck ang kalagayan niya" ngiting tipid at tango lang ang isinagot niya sa akin at tuluyan na siyang lumabas ng pintuan. Nang isinara ko na ang pinto doon ko lang napansing bumuhos ng tuluyan ang luha ko. Bakit? Bat ako umiiyak? Dahil ba sa nakita ko ulit ang nanay ko? O dahil naalala ko na naman ang pagtatalo namin noon? Ewan ko. Umupo ako sa swivel chair ko at agad na pinunasan ang luha ko. Kinuha ko ang maliit na salamin ko sa tukador ko at naglagay ng kaonting makeup. Naglalagay ako ng lipstick ng biglang nagvibrate ang cellphone ko nagtext si Dylan
1 message recieve
Alien 👽
Hi! Nagbreakfast kana? Tara sa kain tayo. Alam kong hindi ka pa kumakain kaya inaya kita. Hehehe.
Nagtipa agad ako ng sagot ko
To: Alien 👽
Ok. Hintayin mo 'ko sa recieving area.
Message Sent!
----------
Hi po! Pasensya na. Beginner palang po ako e😂 sana po magustuhan nyo. Mwaaaa
~xexeni

BINABASA MO ANG
It's Definitely You
General FictionIsang kilala at magaling doctor si Celena Maddie Gomez. Maganda pa ito at matalino kaya hindi nakapagtatakang madaming nagkakagusto sakanya madaming nagtangkang manligaw sakanya isa na rito si Dylan Christian Rodriguez, may kaunting pagtingin si Cel...