Chapter I- Tawag ng Musika

32 0 0
                                    


Lunes

Laurence "Law" Madrigal

Mataas ang sikat ng araw, habang papalapit ang oras ng tanghalian, lahat ng tao sa paligid ay nagmamadali na tapusin ang kanilang mga gawain para sa oras na iyon.

"Oy, Law! Ikaw na bahala sa order na yan ah!" Pa sigaw na pahabol na paalala ng may-ari ng Music shop sa kanto ng Gil. Puyat.

Tinaas ng lalakeng naka pony-tail ang kanan niyang kamay habang naglalakad papalayo.

"pambihrang taong yun." Buntong hininga na sambit ng matanda.

"Sir, I.D po ninyo?" Tanong ng guard sa entrada ng koleheyo.

"Ah, saglit. Saan ko ho pwede ipatong ito?"

"Kahit dito nalang ho sa lamesa." Sagot ng guard na tila naiirita.

Wiw, mukhang gutom na din si manong. Sambint ni Law sa isip niya.

Binunot ni Law ang kaniyang wallet at saka siya sinenyasan ng guard na pwede na.

"Manong wag kayo mag-alala, delivery guy lang po ako." Sagot ni Law ng pabiro bago umalis sa entrance ng kolehiyo.

Tumngin siya sa paligid at kinapa ang bulsa niya.

Pucha, nakalimutan ko yung instructions kung saan.

Sambit ni Law sa isipan niya.

Napilitan siyang lumingon ulit sa guard at nag tanong.

"Ah, Manong saan nga pala dito ang Fine Arts department?"

"Kumaliwa ka jan sa unang hagdan na makikita mo pagka lagpas ng chapel. Tapos akyatin mo hanggang third floor, direcho ka lang, tapos yung pinaka huling pintuan bago mag fire exit, andun yung faculty." Sagot ng guard sakaniya na mukha parin naiinis.

Napangiti nalang si Law, tumango at nagpasalamat bago umalis para sundin ang instructions ng guard.

Habang naglalakad naisipan ni Law na basahin kung para kanino ang order na ihahatid niya.

"Fenix Lucero?"

Napa-iling ng ulo niya si Law.

Parang pangalan ng artista.

Hindi niya namalayan na nasabi niya pala ito ng malakas, kaya magkahalong inis yung naramdaman niya ng maramdaman niya ang mga mapang husgang tingin ng mga college students na nadaanan niya.

Shit. Kaya ayoko nag papasok sa mga lugar na to eh—may mga taong kulang pa alam sa mundo pero kala mo alam na nila nanyayari.

Sa isip ni Law, ayon sa prinsipyo at paniniwala niya. Hindi lahat natutunan sa loob ng eskwelahan. Hindi naman siya galit sa systema ng edukasyon, subalit hindi rin niya maitatangi sa sarili niya na my mga taong mapalad ngunit kulang sa pang-unawa.

Nang makarating si Law sa mismong Faculty room, hindi na ito nag aksaya ng panahon at kumatok.

"Pasok!" Sagot ng isa sa mga tao sa loob ng Faculty.

"Ah, Hello po! Delivery po para kay Mr. Fenix Lucero?" kaagad na bungad ni Law sa mga tao sa loob.

"Ah, nasa table niya si Mr. Lucero." Sagot ng isa mga teacher na nakatayo at my inaabot na libro sa book shelves.

Tumango si Law at saka naglakad papunta sa professor na tila busy mag check ng papers.

"Ano ba tong mga studyante ko. Spelling nalang!" Sambit ng lalakeng kulot ang buhok at nakasalamin.

Professor o Teacher ba talaga siya? Mukhang magka age lang kami ah!

Gulat na sambit ni Law sa isipan niya.

"Yes?" Tawag ng kulot na binata na inikot na ang kaniyang upuan para humarap sakaniya.

"Ay! Kayo po ba si Sir Fenix Lucero?"

Tumingin ang lalake sakaniya saka sumagot.

"Ako nga, yan ba yung order ko na materials sa craft shop jan sa Gil Puyat?"

"Opo ito nga po, pa receive nalang po at pa pirma." Sagot agad ni Law habang naghahanap ng papatungan ng kahon.

Napansin ng professor na naghahanap ng lalapagan si Law, kaya sumenyas ito sa bakante na lamesa katabi ng table niya.

"Patong mo nalang jan." Sagot nito sabay abot ng pinirmahan na papel.

Matapos ni Law ipatong ang order ay tinanggap nito ang inabot na papel.

Habang sinisigurado ni Law na kumpleto ang resibo at pirma, ay boses ng babae na nagsalita sa likuran niya.

"Fenix, para sa class mo bukas?" tanong ng isang teacher sa likod niya.

"Ah Oo, Ms.Luna para nga ito sa class ko bukas." Sagot nito na nakangiti.

Nang matapos si Law, napansin niya sa relo niya na malapit na mag lunch time, kung kaya naman ay agad na itong nagpaalam.

"Alis na po ako sir, salamat po sa order ninyo." Sagot ni Law ng nakangiti.

"Ah sige, salamat! Paki sabi nalang thank you sa boss mo."

Pag lingon ni Law ay saglit siyang nabighani sa ganda ng dalagang nakatayo sa harapan niya. Mahaba ang pilik mata nito, makinis at tamang make-up lang ang nakalagay sa mukha.

"Ah, mukhang prepared ka na naman!" Sagot ng babae sa teacher na si Fenix.

Nakaramdam ng sandaling paghanga si Law, ngunit hindi na niya ito pinahalata at mabilis na itong umalis ng faculty room.

Pambihira, kung ganun ka babata at kaganda mga teacher ko dati. Baka ginanahan pa ako mag aral!

Napangiti si Law sa sumagi sa isip niya ng biglang kumalam ang sikmura niya ng mas malakas.

"Demn it! Buti nalang hindi doon sa loob kumalam sikmura ko!"


Pabulong nitong sambit sa sarili.



Saglit na nagmuni-muni si Law sa labas ng faculty room at napaisip.

Luto na kaya yung special order ko ng Goto at Tapsi sa tapat?

Malalim itong nag buntong hininga saka akmang kinapa ang bulsa.

Makapag yosi nanga lang muna. Saan kaya pwede?

Sambit nito sa sarili habang tumitingin tingin sa paligid hanggang sa napansin niya ang bukas na pintuan ng fire escape.

"Ayos! Pwede siguro dun." Sabi nito sa sarili ng malakas.

Naglakad si Law papuntang fire escape, at nang makarating sa dulo, huminga ito ng malalim at nilasap ang tanawin ng buong Metro. Sinindihan niya ang yosi at tinukod ang sarili sa railing.

Tahimik na pinagmasdan ni Law ang Metro ng biglang may narinig siyang kumakanta at nag gigitara.

BRIDGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon