fourteen.

15 1 0
                                    


friday; june 29; 10:29 AM

- x -

[ *~_- Mincheol -_~* ]

sarap mag cutting mga bes

kasama ko si minseok ngayon, akalain mo, pinakatahimik slash matalino sa senior high department nag cucutting

syempre pinilit ko eh

napaka bait ko talaga

bahala nalang kung pinagalitan ako ni kuya

"Cheol! Punta kaya tayo amusement park? tutal mamaya pa magbubukas ung mga mall"

"Sige ba! Kung sino hindi sumigaw may prize ah!"

"DEAL!"

11:07 AM

masaquette na po paa ko

nAGLAKAD LANG KAMI PAPUNTANG PARK PUTA

SABI KASI NIYA PARA RIDE ALL YOU CAN YUNG MAKUHA NAMIN MAMAYA

eh di naman kami mayaman eh, ipagsasama lang naman namin pera namin

"seokkie! 2 tickets ba at ride all you can?"

"oo un ulit"

"kilala ka na pala dito?"

"dati kasi araw araw kami pumupunta ng mga kaibigan ko, pero wala na sila ngayon kasi halos lahat sila lumipat sa ibang bansa"

"so ako ung una mong kaibigan dito?"

"oo, buti na nga lang nakilala kita" kilig naman pwet ko hihi

nung nakakita na kami ng magandang ride, sumakay na agad kami dun, pero may nakita kaming pamilyar na mukha

"Sir Kwon?"

"Mincheol? Minseok? may klase kayo ngayon ah?"

"may trabaho din po kayo ngayon ah?"

"trip ko lang mag absent, pero kayo? nag cutting kayo no?"

"ay hehe alam niyo na sir, ung substitute niyo kasi ang hard samin eh"

"bakit? ano ba pinapagawa sainyo?"

"10 paragraphs kung bakit gustong gusto namin ikaw"

"hmm gusto ko na agad yang sub ko ah"

"Sir naman eh!"

"de joke lang, sasabihin ko nalang sa principal para kapag nagabsent ulit ako, iba na ang sub niyo"

"Thank po Sir Jiyong!"

"Sige ah, una na ko, hinihintay na ko ng misis ko"

"Sige, bye sir!"

7:56 PM

"seok, uwi na kaya tayo? baka pagalitan na ko ng kuya ko"

"sige, baka pagalitan na din ako eh, samahan na kita"

tumango nalang ako, syempre natatakot ako kasi gabi na rin eh

"Salamat seokkie ah, baka pagalitan ka pa ng magulang mo kasi pinilit kitang mag cutting"

"ay hindi yan, lagi kaya ko nag cucutting dati"

"aNO?!"

"oo nga, pasok ka na baka sermonan ka na ni seungcheol"

"geh bABAY SEOKIE!"

8:10 PM

pagkapasok ko wala pang ilaw, puta ang aga naman ata neto matulog. hIMALA

bes natatakot ako

parang may tao na nakaupo dun sa couch

impossible naman na si kuya un, takot un sa dilim eh

naiihi ako puta

pagkabukas ko ng ilaw, may isang jeon wonwoo na nag babasa ng libro

oo, nagbabasa ng libro sa dilim

abnormal tangina

"San ka nanggaling?"

"Sa park"

"Sino si Seokkie?"

"Kaibigan ko"

"Kelan mo siya nakilala?"

"nung mond— tEKA BAKIT BA ANG DAMI MONG TANONG?!"

"na curious lang ako hehe. . . patingin ka pala ng cellphone mo"

"at bakit naman kita papayagan?"

"kasi kapag hindi mo ko pinahiram, hindi kita lilibre ng fries bukas" binato ko agad ang cellphone ko sakanya, syempre bakit ko naman tatangihan ang pAGKAIN?


nung binalik na niya ang phone ko, nakita kong nakabukas ang messenger ko

'ano nanaman ginawa ng epal'
mamaya ko nalang ichecheck kasi tinatamad na talaga ako

saturday; june 30; 8:40 AM

babatiin ko sana si minseok ng good morning, pero naka block siya

'tangina netong ugok na to'

inaantok pa ko, mamaya ko nalang siya babatiin

mine. | jeon wonwooWhere stories live. Discover now