Dangal at Gabay ng Batangueño

128 4 2
                                    

May bago bang masasaba,Kung sablay Ang gantimpala
By milenyang mapagimbot,intensyon niya'y di bihasa
Kalikasangkabuktan,palalo at upasala
Sinta't irog nating wika,Ang sipat ay hampaslupa

Siglo nitong dalawampu at Isa na lumalatay
Munting sisiw sumisiyap,pagkat tukdo ay kinatay
Dalisdis nga itong ilog,di madinig pagkat Patay
Unawaang binusabos,popular na saguiguilid

Bakit hilaw Ang paghiyaw,tinig nitong saguiguilid
Di madinig pagkat pahaw,awit ibong binilibid
Buang-buang Ang pagkampi,sa wikang di maigilid
Kaya't ahas pagaanyo,pagkalayang tumagilid

Tinig Rebolusyon

Isaisip nitong bungo Kung nais ay pagbabago
Magumpisa sa pag gamit,nitong wikang makakabago
Filipinong gamitin sa saliksik na siyag sentro
Pagsasaling kasanayan mabubuhay itong Mundo

Bumubuka Ang liwayaway sa disenyong makatao
Paghahasik kaalaman karunungang may diskurso
Pinapanday nitong wika itong ating pagkatao
Pagkat hatid unawaan sa batis Ng kagkatuto

Kita nganing mga henyo bango't timig magmapuri!
Transpormasyong kapatiran humiyik, dumadampi
Wikang ina nating sakdal,pagbabago Ang kandili
Agham  bilang masamedia,uusbong na luwalhati

Kitlin itong palamarang sa wika niya'y lapastangan
Pagbabago ginigibo Hindi Siya kasngkapan
Rebolusyon Ang kaputol magpagpanggap ay undayan
Upang Hindi lumaganap kamandagang kamangmangan

Magmalik't mag tampisaw,Filipino'y disiplina
Haring Araw nakatunghay,sa pagasang dala Niya
Lumang gawi,gawa't tigsik ilibing na't upasala
Tanikalang kamangmangan oagsibol ay napatid na!

THE END!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dangal At Gabay Ng Batangueño(Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon