Oo, lalaki kami. Mas malakas kumpara sa mga babae. Sa tingin ng iba, pare-pareho lang kami, mga manloloko, mga gago, mga sira ulo, mga pasikat, puro porma, mahangin, playboy o chickboy. Oo, nature naming mga lalaki ang tumingin o sumilay sa mga magagandang babaeng nakikita namin sa daan o kahit saan. Di maiiwasan samin na sundan ng tingin yung mga ganung tipo. Minsan napapapito pa kami. Hindi kami madaldal, pero di rin kami nauubusan ng kwento pag kasama na yung tropa. Madalas, tamad kaming kumilos, nasa katauhan na namin yon. Pero madami pa kayong di alam tungkol saming mga lalaki. Oo, mas mataas PRIDE namin kumpara sa mga babae. Pero sa taas na yon, kayang kaya naming lunukin yon para lang sainyo. Mas nagtatampo kami, di lang namin pinapakita. Doble kami kung kiligin, pero dinadaan lang namin sa ngiti. MAS nasasaktan kami pag nag-aaway o nagkakatampuhan tayo. Pag may nagawa kaming kasalanan, yung SORRY, we mean it, pero di maiiwasang magawa ulit namin yung pagkakamali na nagawa namin, it simply because mahirap iwasan, pero sinusubukan naming iwasan. Pag tahimik kami, may problema, kung ayaw mo ng away o tampuhan, tumahimik ka na lang, dahil ayaw namin kayong madamay sa problema namin. Pag mainit ulo namin, titigan nyo lang kami sa mata, kumbaga, sinasabi nyon, makuha kami sa tingin, promise, lalamig ulo namin don. Pag busy kami, kahit ano ginagawa namin, basta tumawag ka o nagtext, asahan mong rereplyan ka namin, pero sa ibang lalaki, mas matagal ang reply. Lagi namin kayong namimiss, yung tipong di lang magparamdam, mangungulit na kami sa text. Lahat kinakaya namin, pero TAKE NOTE, NAPAPAGOD DIN KAMI AT NAGSASAWA. Kasi kami laging nageeffort di ba? Sa panliligaw pa lang hanggang sa maging kayo. Di nawawala effort namin. Ang hinihingi lang naming sukli ay yung tiwala at pagmamahal nyo. Yung pagaalaga, pagprotekta, yung pagiingat, yung mga text tuwing umaga at gabi, kusa naming ginagawa yon. And, masaya na kami sa konting I Love You Too, a simple hug and kiss. Atleast alam naming mahal nyo din kami. Kaya sana, wag nyo kaming lahatin. Di naman kasi lahat ng lalaki sa mundo, sinaktan ka. Iba-iba kami

BINABASA MO ANG
HUGOT 101.2
RandomLinya ng mga taong BITTER. "WALANG FOREVER" Highest Rank in Kabitteran - Rank 0.00000000000001 Rank in "hugot": Rank 203 "Poems" - 397