HINDI NA MAPAKALI SI TARA. Ilang beses na siyang nagpapabalik-balik sa paglalakad sa loob ng detention cell ng barangay police habang nag-iisip ng solusyon sa kinasusuungang problema. Walanghiyang abogado iyon. Tinotoo nga ang pagpapakulong sa kanila ni Avex! Mabuti na lang at wala silang kasamang ibang bilanggo roon.
Binalingan niya ang lalaki na tila ba nagsa-sunbathing pa sa gitna ng naturang kulungan. "Hindi ka man lang ba gagawa ng paraan para makalabas tayo rito? Hindi ako puwedeng mag-stay dito magdamag! Mag-aalala ang pamilya ko!"
"Just call them then and tell them not to worry coz you're in a safe place."
Hindi lang pala ang fashion sense nito ang magulo. "Baka puwede mong tawagan ang mga kakilala mo at pakiusapan na ilabas tayo rito?"
"Hindi puwede. Kapag nalaman nila ang nangyari sa akin, sasabihin nila iyon kay Trax. And I don't want to disturb him while he's busy preparing for his wedding."
Wala na talaga siyang aasahan sa lalaking ito kaya mabilis siyang nag-isip ng paraan. "Sige, 'yung pera ko muna ang gagamitin natin para makalabas na tayo rito. Pero bayaran mo ako, ha? Pang-Australia ko iyon."
Sa wakas ay nakuha na rin niya ang atensyon nito dahil tumayo na ito at naupo paharap sa kanya. "Anong gagawin mo sa Australia?"
"Magtatrabaho."
"May trabaho ka na rito."
"Hindi sapat ang kinikita ko para sa pamilya ko."
"Bakit, ilan na ba ang anak mo?"
"Anak?! Mukha na ba akong may anak na? Pamilya ko ang tinutukoy ko, at ang tuition fee ng kapatid ko sa college."
"Ah." Tumango-tango pa ito na tila may importante itong bagay na natuklasan. "Bakit hindi mo hayaang maging working student ang kapatid mo para hindi ka na kailangang mag-Australia?"
"Ayokong ma-distract sa pag-aaral ang kapatid ko. Sayang ang talino niya kung hindi ko siya susuportahan. Who knows, baka siya na ang nakatakdang presidente ng Pilipinas balang araw."
"My friend Jamic won't give your brother a chance on the presidential seat."
"Ano?"
"Nothing." Tumayo na ito at kinausap ang isa mga pulis na naka-duty doon. "Can I use your phone?"
Pinagbigyan naman ito ng pulis at saglit itong inilabas ng selda upang tawagan ang kaibigan daw nito. Ilang sandali pa ay ibinalik na uli ito sa selda nila.
"Makakalabas na ba tayo rito?" salubong niyang tanong.
"Depende sa mood ng tinawagan ko."
"Depende?"
Muli itong humilata sa malamig na sahig. "Maghintay na lang tayo. Kapag dumating siya, suwerte natin. Kapag hindi, lagot na."
Si Tara naman ang nakiusap sa pulis. "Boss, puwede rin ba akong makigamit ng telepono ninyo? May tatawagan lang din ako."
Pinayagan naman siya, awa ng Diyos. Ngunit nakakailang dial pa lang siya sa numero ng kanyang kaibigan na hihingan sana niya ng tulong nang may convoy ng mga sasakyan ang nakita niyang pumarada sa labas ng presintong iyon. Ilang sandali pa ay napuno na ng mga naka-barong na tila mga bodyguards ang loob ng presinto. Huling pumasok ang pinaka-amo ng mga ito.
At kilala niya ang lalaking iyon. He was the youngest senator ever elected in the country, and the biggest name in the coming presidential election. Senator Jamic Realista.
Agad itong inasikaso ng mga naka-duty na pulis doon.
"Nasaan na ang ate ng nangangarap na maki-agaw sa presidential seat ko?"
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (COMPLETE)
RomanceIsang eccentric music genius ang biglang nawalan ng gana magpaka-music genius dahil nawalan ng inspirasyon sa buhay. He met an ordinary girl one day, and fell for her. Unfortunately, the girl had other dreams, like going abroad to work for her famil...