"KAKAILANGANIN MO NG MGA vitamins pampalakas ng resistensiya ng katawan mo. Since first time mong makakatuntong sa Australia, siguradong maninibago ang katawan mo sa extreme weathers doon. At kakailangan mo rin ng iba't ibang damit para sa iba't ibang season ng Australia. Hindi uubra ang mga damit na nakasanayan mo rito sa Pilipinas. Kailangan mo rin ng mga bagong sapatos na ka-partner ng mga bagong damit."
Parang masisiraan na ng bait si Tara sa dami ng kailangan niyang bilhin. At bakit ang mamahal ng mga presyo ng pinagkukuha ng lalaking ito? Lihim niyang sinenyasan ang saleslady na more than willing mag-assist kay Avex saka ito pilit na hinila palayo roon.
"Sa Divisoria na lang ako mamimili ng mga kailangan kong damit. Ang mamahal dito. Wala akong pambili," mahina niyang bulong kay Avex.
"Ako ang magbabayad."
"Ikaw? Bakit?"
Avex took each piece of clothings he put his eyes on and tossed it to the saleslady. "Isipin mo na lang na kabayaran ito sa papel mo sa buhay ko sa kasalukuyan. Afterall, hindi naman ako magkakapera kung hindi ako inspired magtrabaho. Ano nga pala ang magiging trabaho mo sa Australia?" patuloy nito habang patuloy din sa pagkuha ng mga damit. "Magkano ang magiging suweldo mo roon? Anong klase ng bahay ang titirhan mo? Alam mo bang mataas ang libido ng mga Austalians doon?"
"Kailangan talagang sabihin mo pa sa akin iyan?"
"You need to be properly informed."
Hindi na siya nakasagot nang lumipat ito sa ibang hilera ng mga damit at doon naman ito naghanap ng isasama sa 'koleksyon' nito para sa kanya. Pinagmasdan lang niya si Avex. Mukhang kahit anong gawin o sabihin niya ay nakapagdesisyon na ito.
'Isipin mo na lang na kabayaran ito sa papel mo sa buhay ko sa kasalukuyan. Afterall, hindi naman ako magkakapera kung hindi ako inspired magtrabaho.'
She gave out a short sigh. Hindi siya maaaring sisihin ng sinoman kung sakaling mag-ilusyon man siyang totoo ang ginagawa nitong panliligaw. Naman, sinong matinong babae ang hindi mahuhumaling sa isang tulad ni Avex? Mukhang busabos na napakalakas ng dating, guwapo kahit balbasarado, galanteng weird, at ang lakas makabanat ng mga salitang nakakapagpasirko sa puso ng isang babaeng nagsusumikap na tanggihan ang karisma nito.
Por ehemplo, 'yung tatlong saleslady na kasalukuyang nag-aasikaso rito. Naaawa lang siya sa mga ito dahil tila wala namang nakikitang ibang tao si Trax na panay lang ang tingin sa mga bagay na nasa harapan nito. Mayamaya ay nilingon siya nito at sinenyasan na lumapit dito.
"Bakit?"
Imbes na sumagot ay inilapat lang nito sa kanya ang hawak nitong blouse. Hindi niya trip ang kulay, lalo na ang design dahil parang para sa isang may edad na ang naturang damit.
"Bagay sa iyo ito," wika nito mayamaya. "Maitatago ang lahat ng dapat na itago sa mga Australiano."
"Ang sama mo. At ayoko niyan." Inilayo niya ang damit. Sinulyapan niya ang mga napili nitong damit na bitbit ng mga saleslady. "Tama na ito. Nakakahiya na sa iyo."
"Kulang pa 'yan."
"Avex. Tama na."
Halata sa mukha ng binata na hindi nito gusto ng pinipigilan sa mga ginagawa nito. Gayunman, hinayaan na lang din nito na manalo siya at hinarap ang mga saleslady.
"Tama na daw iyan."
"Okay, Sir. Dito po ang cashier."
"Sir, ang suwerte ho ng girlfriend nyo sa inyo."
"Oo nga, Sir. Guwapo na kayo, galante pa. Sana lahat ng lalaki tulad nyo."
"Salamat. Pero hindi ko girlfriend si Tara."
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (COMPLETE)
RomanceIsang eccentric music genius ang biglang nawalan ng gana magpaka-music genius dahil nawalan ng inspirasyon sa buhay. He met an ordinary girl one day, and fell for her. Unfortunately, the girl had other dreams, like going abroad to work for her famil...