Pagkagising na pagkagising palang ni Summer ay nasusuka na sya kaya naman tumatakbo syang pumasok sa CR nya..
" My God.. Ganito ba ko araw-araw?" Sabi nya sa sarili at naramdaman naman nyang susuka na naman sya.. Naupo sya sa sahig ng CR nya ng mahimasmasan sya.. " Grabe.. ang hirap."
Nagulat sya ng may kumatok sa pinto nya.. " Anak, mommy mo to.. Aalis na kayo ni Sky.. Dali. Para makahabol kayo sa klase nyo mamaya.. Lumabas ka na dyan."
" Hay.. Right away mom!" Saka sya tumayo at naligo.. Habang naliligo sya ay hindi nya maiwasang isipin kung totoo ba ang nangyayari ngayon sa kanya.. " Buntis na ba talaga ko? Magkakababy na ba talaga ako? Si Sky, I dont even know him, Pero bakit parang pakiramdam ko, matagal na kaming magkakilala.. Bakit parang gustong-gusto kong kasama sya, bakit natuwa ako nung sinabi ni mommy na dito na tsya titira? Arrgh!! nababaliw na ko! Mahal ko na ba sya? Agad?? Dahil ba sya ang daddy ng baby ko kailangang maramdaman kong mahal ko na sya? Hayy.. Nandito na to.. Lubus-lubusin ko na ang nararamdaman ko.."
*
Bago bumaba si Summer ay tinignan nya ang kwarto na tinilugan ni Sky.. Nakabukas ito ng konti.. Parang may humihila sa kanya na pumunta doon at silipin si Sky kung ano mang ginagawa nya.. Kaya naman nasa tapat na sya ng pinto nito, lumunok muna sya bago sumilip sa may siwang..
" Huy. Ano ginagawa mo dyan?" Halos mapatalon sya ng marinig nito ang boses sa likod nya.. Nanigas sya at parang robot na humarap kay Sky..
" Sky! A..anong ginagawa mo dito? B..bakit wala ka sa loob?" Natatarantang sagot ni Summer.
" Ha?" Natatawa namang tanong-sagot nya kay Summer.
" I..I mean.. Kanina ka pa gising?"
" Oo. Kanina pa.. 10oclock na nga e.. Grabe pala mga buntis. Anong oras na nagigising.. Pero ok lang yan, para sa makapagpahinga baby natin."
Halos nag-init naman ang mukha nya sa sinabi ni Sky.. Parang ang sarap pakinggan nun, "Baby namin" Parang nakakagaan ng loob..
" Huy. Ok ka lang? Lika na.. Baba na tayo."
" ahh. Sige."
Sabay na silang bumaba ni Sky. Naabutan naman nila ang mommy nya na inaayusan ng necktie ang daddy nya.. Hindi naman sya makatingin ng maayos dito ng nakita sya..
" Good morning sir." Sabi ni Sky sa daddy nito.
" Daddy, aalis ka na?" Para namang hindi sya narinig ng ama nito na tuloy-tuloy na lumabas ng pino at sumakay na sa kotse. Napansin naman ng mommy nya ang biglang paglungkot ng mukha nya kaya dinaluhan sya nito.
" Anak.. Give your dad a time. Ok? Matatanggap din nya ang nangyayari."
" Hanggang kelan mommy? Ang hirap. Hindi nya ko pinapansin, hindi ako sanay. Dati kinikiss nya ko sa noo ko bago sya umalis, ngayon? Parang invinsible ako sa kanya.." Hindi na nya nakayanang hindi umiyak kaya bumagsak na din ang mga luha nya na pinunasan naman ng mommy nya.
BINABASA MO ANG
Seventeen and Pregnant..
Teen FictionAt first, she was disbelieving.. Umupo sya sa toilet seat while staring at the white stick with a big pink "X" in the left with two lines in bottom.. Her heart is in her throat, her pulse was racing, her stomach doing flip-flops. Nakita na lamang ny...