My Prom Date Invitation (One Shot)

433 19 27
                                    

Sa dinami-dami ng tao sa mundo, isa lang dyan ang para sa atin.

Saan ba tayo magsisimula sa paghahanap?

Sa kanan ba o sa kaliwa?

Wala. Hindi natin yun dapat hanapin.

Hinihintay dapat.

Wag natin pangunahan ang ating kapalaran.

Love can wait, ika nga nila.

Sa tamang panahon, sa tamang oras at sa perpektong sitwasyon, doon natin makikita, malalaman at mararamdaman ang pagdating ng taong magpapatibok ng ating mga puso.

Hindi tayo dapat magmadali kasi ano man ang mangyare ...

"Ang para sayo, ay para sayo."

***

Ako nga pala si Tracy Mendez. A 4th year student who accidentally fell in love for the very first time.

And this, is how my story goes ...

"Trace! Halika na! Malelate tayo eh!"

"Oo na Juls! Heto na!"

Nagmamadali nga kaming umakyat ng room. First day of school ngayon at dahil late kami, hindi namin naabutan ng pinsan ko ang morning assembly.

"Sorry I'm late." Sabay naming sabi at umupo sa vacant seats.

Isa-isa kaming nagpakilala sa unahan until a guy suddenly caught my eye.

Siya si Gino Angeles. Isang napakayaman at napakagwapong lalake. He's also very athletic and take note, he has the highest grades in class. Dinaig pa nga niya ako eh.

Ano pang hahanapin ng mga babae sa kanya?

Wala na yata.

I don't know why pero ngayon ko lang siya na-notice. I usually hate girls na patay na patay sa kanya. Imagine, halos sila na ung manligaw kay Gino noon but now, I think naiintindihan ko na sila.

"Miss, it's your turn." "Hoy Miss!" I suddenly felt someone na parang yinuyugyug ung katawan ko.

Tumingin ako at nagulat.

OMG! This handsome guy is currently holding my shoulders.

Waaaaaa! Did he just touch me?

Hay. Ano ba to? Parang sasabog na ko sa sobrang kilig.

Bat niya kasi ako hinawakan? Pwede namang wag na lang niya ko pansinin at hayaang pagalitan na lang ni Ma'am for not listening pero hindi eh. Ginawa niya un.

Gusto rin niya kaya ako?

Hihi. Ano ba, masyado na kong assuming. :">

"Miss!" Nag snap siya sa harapan ko."

"Ah, ye-yes." Tumayo na ko at nagpakilala.

Days passed by at lagi ko siyang tinitignan. Kuntento na ko dun. Ayoko naman maging desperate at unang lumapit sa kanya eh.

I admit, I'm becoming one of the girls who has a huge crush on him.

"Tulala ka na naman Couz?"

"Hindi naman. May iniisip lang ako Juls."

"Sino naman?

"Sino pa ba?"

"Tss. Lakas talaga ng tama mo dun Trace. Wag ka na ngang umasa. Ni hindi nga tayo pinapansin nun tsaka ayaw nun sa mga babae. Allergic yata."

My Prom Date Invitation (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon