Mabilis kong pinatakbo ang kotse sa kahabaan ng kalsadang tinatahak ko ilang minuto pa lang ang nakakalipas. 

Sunod-sunod na putok ng baril ang naririnig ko kasabay ng pagkabog ng puso ko, hindi pa rin sila tumitigil sa pagsunod. 

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang hawak ko ang isang kamay niya, napatingin ako sa mukha niyang may bahid na ng dugo, hindi ko alam kung bakit, anong dahilan ko para iligtas ang babaeng ito sa kanila at ngayon, heto ako, hinahabol ng mga armadong taong ni hindi ko kilala kung sino. 

"U-uh.." 

Napalingon ako dahil sa mahinang pag-ungol niya. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. Mas pinabilis ko pa ang pagtakbo ng kotse.

"A-anong nangyari..Nasan ako? Sht."

"Kumapit ka lang. Sandali na lang." tanging sagot ko sa kanya.

Naramdaman kong mas humigpit ng pagkapit niya sa kamay ko, habang nananatili siyang nakatitig sa akin. 

"Bakit mo ako tinutulungan?" Mahinang sabi niya, ngunit sapat pa rin para marinig ko sa kabila ng mga sunod-sunod na pagputok ng baril na nagmumula sa mg armadong taong sumusunod sa amin. 

Tiningnan ko siya ng biglang tumunog ang cellphone ko.

[Bunso, onting bilis, andito na kami sa intersection. Nakalayo ka na ba?]

"Malapit na kami. Nakalayo na ako ng kaunti." Maikling sagot ko. 

Nakakatawa, hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ang lahat ng 'to.

Ilang sandali pa ay nakita ko na ang sasakyan ng kaibigan ko, mabilis kong iginilid ang kotse at hinawakan ang baril ko. Limang bala. Pucha, limang bala para sa 5 sasakyan na humahabol sa amin? Galing.

"Kapag sinabi kong baba, bumaba ka, tumakbo ka papunta sa sasakyan na yon naiintindihan mo?" 

Tinitigan niya kong muli, may pagtataka sa mga mata niya ngunit di ko na ito ininda, kailangan ko lang maitakas ang sarili ko at siya dito.

Binuksan ko ang pinto ng kotse sa tabi ko, sumilip ako, pucha, malapit na sila.

"BABA." Malakas na sabi ko sa kanya, iika-ika man, pinilit niyang tumakbo.

Isinara ko ang pinto ng kotse at muli ko itong ipinaharurot. Makakalabas ako dito, ako pa ba?

Binagtas ko muli ang daan na kabisadong-kabisado ko na dahil sa gabi-gabi kong pakikipagkarera dati, para lang kumita ng pera. Ilang ikot na lang, onting bilis pa, maililigaw ko din sila.

BANG BANG BANG!

Mabilis kong inikot ang kotse at pumasok sa pinakapaborito kong eskinita, nagmadali akong bumaba at sumakay sa isang motor na nakaparada di kalayuan sa kosteng minaneho ko. 

"Bumalik ka na pala!" Sigaw ng isang matandang lalaking kilalang-kilala ko.

"Pasok na tanda, may naghahabol sakin!" Ganting sigaw ko bago ko tuluyang pinaharurot ang motor na sinasakyan ko.

--

Binuksan ko ang pinto ng apartment na tinutuluyan ko at ibinagsak ito. Hayp. Nakakapagod ang araw na 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Queen's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon