CHAPTER 5:

14 0 0
                                    

Keijah's POV

"Oh nasaan yung maingay?"bungad sa akin ni Akki na may hawak pa na libro,napasibangot nalang ako.

"Emergency daw"

Umirap lang ito at pumunta sa counter oorder na daw siya ng pagkain namin,nakita ko naman ang papalapit na si Aqui.As usual nakasibangot ang pretty face.Ayaw gumaya sakin Hahaha...

"Yung dalawa nasaan?"

"Si Bess may emergency daw,si Akki umorder na ng pagkain"

Matamlay kong sabi dito,tumango tango naman ito.May iba pa siyang sinasabi pero parang walang pumapasok sa isip ko.

"Here guys"

Napangiti ako ng kusa ng makita ang nasa lamesa.Fries,burger,rice and chicken,ice cream.Hindi na ako kumibo at kumain na.

"Akki ano nga pala plano mo sa birthday mo?"

Napalaki ang mata ko,shiz!wala pa nga pala akong regalo,huhu.De bale makahanap na mamaya.Mag gogrocery na tuloy ako Haha.Wala na akong stocks eh.

"Ay oo nga pala,Diba Linggo ang birthday ko.May bago kaming bukas na resort sa Pagudpod.Duon nalang gaganapin.Tayo tayo lang naman"

Napatingin ako dito at napairap.

"Apat lang tayo?boring naman nun"

"Baliw!18th birthday ko yun syempre invited mga magulang.Sa kaibigan naman syempre kayo na yun.Tapos yung buong sec---"

"HUWAT?!ibig sabihin kasama si"

napatakip ako sa bibig ko at nagpipigil ng kilig,omageesh!Buong section daw nila eh.Haha.Sosolohin ko siya,mag aarkila ko ng yatch tapos mangingisda kami.Tapos malalaglag ako sa malalim na part pero dahil kasama ko siya sasagipin niya ako at imomo--

"Hoy babae!ano nanaman yang iniisip mo?tigilan mo yan"

Dinilaan ko lang si Aqui,panira talaga to.

"Ang alis natin ay Friday ng hapon para mas makapag enjoy tayo.Diba nice?!"

Pumalakpak pa si Akki na akala mo ay kung sinong magaling haha peace!

Nag-isip isip na rin kami ng mga pwedeng gawin kapag nandoon na kami,syempre
sinasuggest ko yung plano ko,kaya lang binatukan lang ako,Kyeme !

REIGN'S POV

"Dude!bakit mo naman ginanun si Keijah?"

Asar kong sabi kay Wilter,pero tiningnan lang ako nito ng masama.

"Kaya hindi ka na binibigyan ng cookies eh!"

"I don't care with her cookies,ikaw lang ang kumakain.Manghingi ka"

"Whoah!Hindi mo gusto kaya pala iniuwi mo yung huli niyang bigay sayo,galawan mo dude.Napagdaanan ko na"

Iiling iling kong sabi,sinaman lang ako nito ng tingin.Who cares,sa prof. nga namin hindi ako takot sa kanya pa kaya?Lols!HAHA

"Hindi ko yun kinain,itinapon ko lang baka may gayuma"

"Lokohin mo lelong mo huwag ang cute na ako at g--ouch!lintek!"

Napakamot ako sa ulo ko ng may bumatok sakin,sa ulo tapos batok?Pwede na magkalapit lang yun.

"Ikaw cute?Iyan eh naimbento lang nung ipinanganak ako,lolo mo pagong!"

Sinamaan ko lang ng tingin ang kadadating palang na si Geo,kapal ng apog ng isang to.

"Pero dinga,inuwi ni master yung cookies?"

Their beat of heartsWhere stories live. Discover now