TMB #6

79.2K 1.2K 106
                                    

Chapter 6

Nalaman namin na healthy naman ang baby at 3 and a half weeks old na ito. Binigyan nya kami ng picture nang ultrasound at binigyan ng prescription para sa vitamins para sa baby.

Habang pauwi kami ulit ng bahay at titig lang ako sa baby sa picture. Parang napakahirap parin paniwalaan na may nabubuhay sa loob ng katawan ko. Hindi parin ako makapaniwala.

Nandoon parin ang kotse ng parents ni Gio kaya dumiretso kami sa patio at inabutan silang nagtatawanan. Ipinakita ko ang ultrasound photo at sinabing healthy naman ang magiging apo nila.

“Uhm.. Akyat lang po ako sa kwarto.” Walang lingon akong umakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto. Pero ng isasara ko na ang pinto ay may tumutulak. Para makitang kasunot ko pala si Gio.

“What are you doing here?”

“I’m being civil.” Aniya at dumiretso sa kama ko at padapa na humiga sa kama. Seriously? “Lika dito.” Aniya na mas ikinagulat ko. What?

“May sakit ka ba, Giovanni?”

“I’m not sick. You told me to be civil with you. This is me being civil.” Napapailing na lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa kama at sumadal sa headboard.

Binuksan ko ung TV at inilagay sa USB ung mode. “Anong gusto mo panuorin?”

“Ah, Walking Dead nalang.” Aniya kaya naman pinlay ko ung walking dead.

“Anong episode mo na?” Tanong ko

“Season 1 episode 1.” Hindi ko mapigilang matawa. Seriously?!

“Ngayon mo lang ito papanuorin? Are you serious?”

Sinamaan lang nya ako ng tingin na ikinatawa ko. Tahimik lang kaming dalawa na nanunuod. Sinisilip silip ko lang si Gio kasi ang likot nya. “Ano ba, Gio! Pumirmi ka nga ng higa!”

Nagulat ako ng maglagay sya ng unan sa lap ko at dun sya humiga. “Ah, this is comfy. Para kang unan.”

“What????” Kunot noo kong sabi. “Are you saying na mataba ako?”

Tumawa siya ng mahina. “Ikaw ang may sabi ny—ouch!” Sinabunutan ko nga. Ang kapal talaga ng mukha neto!

“Ouch! You’re hurting me!” Bumangon sya at umiwas sa kamay ko.

“Nakakainis ka!” Naluluha ko sabing. God! Kahit simpleng ganun lang naiiyak ako!

“I was just kidding!” Umupo siya sa parang bata sa harap ko at tiningnan ako. Nang pumikit ako ay tumulo ang luha ko.

“Shit. I was just kidding.” Aniya pero pinunasan nya ang luha ko.

The Miserable BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon