Chapter One: Accident

51 4 0
                                    

"Akala ko ba walang iwanan? bakit sumuko agad kayo. pano na ko? Nay naman paano na yung mga pangarap natin para sa isa't-isa? Tay, di ko kaya 'toh ng mag-isa.." umiiyak na kinausap ng dalaga ang labi ng kanyang mga magulang

Namatay ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente, nabangga umano ang mga ito ng isang truck. Dead on the spot ang mga ito, at hindi niya na naabutan pang buhay.

"Shaira iha, tahan na. sige ka baka bumangon yan." Pag-papatahan sakanya ng matalik na kaibigan ng kanyang ina na si Aling lourdes

"Aling lourdes naman eh.." Natatawang saway ng dalaga sa ginang

"Biro lang ito naman. Haha! Pero sa totoo lang siguradong ayaw ng nanay at tatay mo na umiiyak ka. Kaya dapat lagi kang naka-ngiti para alam nilang Okay ka lang. Saka tignan mo mas maganda ka kapag naka-ngiti oh!" Pagchi-cheer up sakanya ng Ginang

*BEEP*BEEP*

Agad na nakuha ang pansin ng lahat dahil sa isang kotse na nag-park sa harap ng bahay nila, naka-bukas kasi ang gate sa garahe kaya malaya nilang napag-mamasdan ang dumating na kotse. Namangha ang mga bisita sa kotse na dumating dahilan para mapa-nganga ang mga ito, bihira lang kasi sila makakita ng ganon sa kanilang lugar lalo na't squatters area sila.

"Teka, kanino kaya yan?" Manghang tanong ni Shaira

Maya-maya bumaba sa kotse ang isang magandang babae na mukhang mayaman kasunod ang isang dalaga na mukhang anghel.

"Wow. Shaira bisita niyo ba yan? ang ganda niya, Anong pangalan niya?" Nakamasid sa dalaga na tanong ng isang binata

"Ewan ko, hindi ko sila kilala.." sagot naman ni shaira

"What the hell! Anong amoy yon? eww" maarteng sambit ng dalaga

"Turn off pala, wag nalang." Napa-ayos ng upo ang binata

Sunod na bumaba naman ang isang gwapong lalake, na hindi maikakaila ni Shaira na kamukhang-kamukha ng tatay niya. Agad na pumasok ito sa bahay nila, kasunod ang magandang babae except sa dalaga na naiwan don at nakasimangot na nagta-type sa cellphone nito. Sumilip ang gwapong lalake sa kabaong kasunod ang babae.

"Sino sila?"  Tanong ng dalaga sa kanyang sarili

"Shaira?"

Napatingin si Shaira sa lalake na kamukhang-kamukha ng kanyang tatay.

"S-sino po sila?" Tanong niya sa lalake

"Ako ang kapatid ng tatay mo at kukunin kana namin." Nakangiting sagot ng lalake na ikinagulat ni Shaira

Kukunin na daw siya ng mga ito.. Papayag ba siya at iiwan ang kanyang kinagisnan? O papayag para sakanyang kinabukasan?

Little Things♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon