Tumatakbo ako non kasi ayokong mabasa sa ulan, baka lagnatin pako, e hindi pa nga ako naliligo.
Bahala na kung mangamoy, e ayoko lang naman na mabasa yong kamay ko na hinawakan mo.Ngunit dahil sa katangahan ko, ayon splak sa tubig kanal. Hindi ko alam kung iiyak ba ko o ililigtas ko yong kamay ka na hinawakan mo. Pero wala na kung magagawa, ang kamay ko talaga yung unang nabasa nang tubig.
Ready na sana akong pagalitan yung taong bumangga sakin, ngunit pag tingala ko ay bigla akong nanlambot. Ang taong gustong gusto kung makita.
"Ah, Hi? Halika swimming tayo?"
Mahihiya na sana ako dahil sa sinabi ko, pero pinagtawanan mo lang ako. Nawala bigla yung hiya ko.
"Hahaha, tumayo ka na dyan at baka magkasakit ka pa."
Sabi mo sabay lahad nang kamay mo. Nag smile ka pa non, don ko napansin na ang cute pala nang dimples mo."Sorry pala dahil nabangga kita. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko."
Sabi mo pa non habang kinukuha ang panyo mo sa bulsa."Naku! okay lang, wag na.Okay na ko, maliligo nalang ako mamaya pag dating ko sa bahay."
Hindi ko tinanggap yung panyo mo na inaalok sa akin. Mag sisisi na sana ako dahil hindi ko kinuha yung panyo mo, ngunit inalok mo naman ako sa ibang paraan.
"Ihatid na kita."
"Ha? Nako wag na. Nakakahiya naman, Ang baho ko kasi—"
"Wag ka nga! Halika na"
Bigla akong napatingin sa kamay mo, ikaw ha. Pansin ko lang, ang hilig mong humawak nang kamay. Hehehe
******
Naiimagine ko non, na nags'slow mo tayo habang hawak mo kamay ko na tinatakbo ang ulan.
Nasira pa tuloy yong payong na dala mo, kaya nabasa ka narin.Tumatawa ka pa non kasi pareho tayong nababasa nang ulan.
*******
"Okay na ko dito. Ayon na yung bahay namin."
Turo ko sa bahay namin na hindi naman kalayuan sa pwesto natin."Sure ka ba na dito ka lang?"
Tanong mo na may malungkot na mga mata.
Tatanungin sana kita kung bakit ka malungkot nung time na yun, pero ayoko naman na panghimasukan yong buhay mo."Sige una nako—"
Pero ayoko pa talaga, gusto ko pa na makasama ka. Kahit isang oras lang."Sige, ingat ka."
Ang laki nang ngiti mo non habang kumukaway sakin. Hindi ka pa umaalis sa pwesto mo nang tinawag mo pangalan ko."Thea!"
"Yes?!"
Ang bilis ko pang nakalingon non sayo."Pwede ka ba bukas? Ipapakita ko lang bagong steps nang sayaw na ginawa ko."
"Sure, wala naman akong gagawin bukas."
Pero sa totoo lang, may exam kami bukas."Sige,susunduin ba kita sa classroom nyo bukas?"
"Wag na. Ako nalang pupunta sayo. San ba tayo magkikita bukas?"
"Sa garden nang school. 10am, hihintayin kita."
"Sige"
Ang saya ko non. Feeling ko kahit a-absent ako bukas e worth it naman. Idadahilan ko nalang na nilalagnat ako kaya hindi ako makapasok.
"Woohooh! Excited nako!"
Napasuntok pa ko sa hangin non, dahil sa saya.
-March **,2010
*Present
"Ang kwela mo. Ang daya mo rin."
"Hoy!lika na, mag prepare na tayo."
"Andyan na."
YOU ARE READING
Our Untold Lovestory
FanfictionThis Story is all about BTS Jung Hoseok. *Disclaimer This book is purely fiction. All events are not real or coincides in real life. The contents and ideas of this book belongs to the author inspired by a Korean Boyband called BTS(Bangtan Sonyeonda...