One month rin tayong hindi nagkita pagkatapos nong isayaw mo ko.
Pagka bukas rin kasi non, nag-audition ka, hindi ko alam kung nakapasa ka ba. Wala naman kasi tayong contact, pero isang araw nang papunta na ko sa school ay may isang taong naka-hodi na nag aabang sa labas nang bahay.Lalampasan ko na sana yong naka hodi nang hawakan nya ang kamay ko.
Hindi ako maka galaw, natatakot rin akong sumigaw. Hindi pa nga nag-g'gabi may mga holdaper na sa paligid. Mas natakot pa ko nang may malamig na bagay sa bandang tagiliran ko, naiiyak na ko."Please, maawa ka. Bata pa po ako. May mga pangarap pa po ako sa buhay."
Pinagsalikop ko pa dalawang kamay ko at nananalangin sa taas na sana may magliligtas sakin.
"What are you doing?"
Agad akong napalingon sa taong naka hodi matapos nitong mag salita.
"I was just going to surprise you. Si Hoseok to"
Itinaas mo ang hodi na suot at nakita ko na naman yang ngiti mong nakakasilaw."Tinatakot mo ko, ano ka ba"
"Sorry. Hahahaha. Nakakatawa kasi ang hitsura mo"
Nakahawak ka pa sa tiyan mo habang tumatawa.
"Ah ganun? Mabilaukan ka sana sa sarili mong laway."
"Hahahaha. *cough cough*"
"Buti nga. Bleeh!"
"*cough* Mangkukulam ka ata *cough*"
"Hindi eh. Ang bilis lang talaga nang karma. Hahahaha."
Naglalakad na ako palayo nang sabihin mo to.
"Thea!"
"Ano?"
Ang laki nang ngiti ko pag harap ko sayo. Naiimagine ko pa kasi yung karma mo.
"Let's date!"
Biglang nawala yung ngiti ko, ayan ka na naman, wag ka ngang mag biro. Ngunit dahan dahan kang lumakad papunta sa harapan ko. Hinawakan mo mukha ko, nag smile ka pa sakin at inulit ang sinabi mo.
"Let's date Thea. I like you, ah no, I love you."
I love you too. Gusto ko yang sabihin sayo pero napipi ata ako. Tanging tango lang ang naibigay ko sayo.
Ang saya nong time na yon. Gusto kung isigaw sa mundo na mahal din ako nang taong mahal ko.
**********
Hindi na ko tumuloy sa school, sabi mo kasi na miss mo ko, na miss rin naman kita.
Andito tayo sa bagong tambayan natin. Ang ganda dito, sabi mo pa dito ka tumatambay kapag nalulungkot ka at ayaw mo pumasok.
"Wow, ang ganda."
"Ang ganda nga."
"Salamat at dinala mo ko dito. Salamat at pinakita mo to sakin"
Pagkatapos kung sabihin yon ay tumingin ako sayo para makita ang reaksyon mo. Pero parang nagsisi ako bigla kasi nakatingin ka rin pala sakin.
"Ang ganda. Alam mo bang noon pa lang ay gusto na kita?"
"Ang creepy mo."
Bigla kang ngumiti, at yung ngiti mong yon ay nauwi sa tawa.
"Sorry, creepy pala? Hahaha."
"Ikaw ha? May gusto ka na pala sakin. Haha."
"May gusto ka rin naman sakin ah."
"Hoy! Sinong nag sabi nyan?!"
"Secret."
"Langya! Lagot talaga sakin kung sino nagsabi nyan sayo."
"So? May gusto ka nga sakin? Hahaha."
Shit! Nahuli mo ko don ah.
-May **,2010
*Present
"Kinikilig ka yata?"
"Anong kilig? Pinagsasabi mo?"
"Ewan ko sayo. Ang laki kaya nang ngiti mo. Tsaka, parati mo yatang dala yang Notebook?"
"Wala to. Maka alis na nga, estorbo ka talaga."
YOU ARE READING
Our Untold Lovestory
Fiksi PenggemarThis Story is all about BTS Jung Hoseok. *Disclaimer This book is purely fiction. All events are not real or coincides in real life. The contents and ideas of this book belongs to the author inspired by a Korean Boyband called BTS(Bangtan Sonyeonda...