Chapter Seven

87 2 1
                                    

3rd Person's P. O. V

Natapos na ang mga araw ng paghahanda para sa gaganaping grand ball sa ferrel university.
At sa huling gabi ay tinupad nga ni Corine ang pangakong isasama nya ang mga tumulong sa paghahanda sa kanilang tahanan para sa isang salo-salo.

Matapos nilang tingnan ang pagdadausan ng ball ay dumiretso na sila sa Mansyon ng mga ferrel nakasakay sa iisang sasakyan ang lahat ng council habang ang Aces naman ay may dalang sariling sasakyan, syempre dala dala ang kanilang mga kagamitan para sa plano.

Pumasok sila sa marangyang gate at kahit sa malayuan ay natatanaw na nila ang napakalaking bahay ng mga ferrel.
Ang mga studyante sa kabilang sasakyan ay manghang mangha sa nakikita pero hindi ang aces, Sa itsura nilay akala mo sasabak na sa labanan dahil lahat nagpupuyos ang damdamin ngunit kailangan muna nilang magpanggap.

Maraming ibat-ibang marangyang sasakyan ang nakaparada sa labas ng mansyon, makikita rin ang mga unipormadong tauhan pero alam nilang hindi lang ito basta basta mga gwardya lang.
Huminto ang Van na sinakyan nila Corine at huminto na din sila Chase.

Nagsilabasan ang mga SC students pero nanatili ang Aces sa loob ng sasakyan nila.
Sa pamamagitan ng tinginan ay alam na nila anga iniisip ng isat-isa.

"Lets Rock n' Roll" ang bibong si Russel ang bumasag sa katahimikan sa loob ng sasakyan.

Nauna na din itong bumaba kasunod si Ryder at Knox. Si Chase naman ay pinatay ang engine ng sasakyan at sinulyapan si Hunter na nasa tabi nya, nag aapoy ang mga mata nito habang nakatitig sa mansyon.

"Keep it cool man, hindi pa oras ng gyera" ika ni Chase pero wala syang natanggap na sagot dito at nauna na itong bumaba.
"Tss" kahit nanggagalaiti ay naiintindihan naman kahit papano ni Chase ang pinagmumulan ni Hunter.

Pagkalabas sa kotse ay nagtinginan silang apat na Aces at nagkangisihan maliban kay Knox.
Si Hunter naman ay napakalikot ng mata, akala mo kinakabisado ang buong detalye ng bahay.

"Acess~" Patakbong lumapit si Corine sa kanila. Pero lumihis ito ng direksyon ng makita si Hunter at napapunta ito sa kabilang dako sa pwesto ni Chase.

"T-tara na sa loob hehe" halatang tensyonado ito at pasulyap sulyap kay Hunter pero si Hunter tila walang pakialam.

"Okay" Sagot ni Chase kay Corine at sumunod nga sila dito, nagpahuli naman si Hunter.

Nakapasok sila sa napakarangyang pinto nila Corine, puro kamanghaan naman ang namumutawi sa mga Council at malikot naman ang mga mata ng Aces.

"Good Afternoon, Ms. Corine" sabay sabay na bati ng mga nakalinyang katulong na unipormado rin.

"Wow Coco, para ka namang prinsesa" ika ng isang Studyante.

"Prinsesa naman talaga sya no, nag iisang anak lang sya e" Ika ng isa pa.

"Hindi no, may kuya ako"  Sagot ni Corine.

"Huh?" sabay sabay na sagot ng ilang studyante.

"H-hindi ko alam na may kapatid kapa pala Coco?" nagtatakang sagot ng isa.

"Ah kasi napaka pribado ng buhay ni Kuya, nasa America sya simula nung bata pa sya, At ayaw nya dito sa Pilipinas dahil naaalala lang daw nya ang pagkamatay ni Mommy" Ika ni Corine.

Si Hunter naman ay nagtiim bagang at napakuyom at napansin iyon ni Chase. At rumehistro sa mukha nito ang poot habang nakatitig kay Corine, kung isang ordinaryong tao ang makakapansin kay Hunter ay siguradong matatakot dahil sa sobrang galit na rumehistro sa mukha nito. Akala mo Leon na nakahanda ng manglapa.
Tinapik ni Knox ang balikat ni Hunter at tila pinapakalma si Hunter, Huminga ng malalim si Hunter at pilit na tinatago ang poot pero nanatiling nakakuyom ang mga kamao.

Mafia HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon