CHRISTIAN's POV
After that interview, hindi na mawala sa isipan ko si Maureen. Alam kong sinusubukan ko ng pigilan ang klase ng relasyon na inooffer ko nun sa mga babae pero binubuhay nanaman niya ang nananahimik kong pagkatao.
Fvck. The way her cheeks blush every time I talk to her, her innocence, yung pagiging mahiyain niya, parang gusto ko siyang hilahin at... Ay nako!
Pero may iba. Alam kong may iba. Bukod sa libido ng katawan, may iba akong nararamdaman sa kaniya.
Para akong nakadrugs na tapos ng i-rehab, at gustong maadik ulit, basta sa kaniya. At sa kaniya lang.
"Hoy Ian, hindi ka pa ba uuwi?" Tanung sakin ni Peter ng bigla bigla siyang pumasok sa opisina ko. Nagulat pa ko ng bahagya kaya napatingin ako sa kaniya.
Andito ko sa sariling opisina ko ngayon at sinusubukan kong pag-aralan 'tong houseplan na ibinigay ng arkitekto namin para sa isang project na ako ang may hawak. Isang oras ko na atang tinitignan 'to pero ni hindi ko pa nasisimulan gawan ng plano kung pa'no 'to itatayo.
"Mamaya na, Peter. Tatapusin ko muna 'to." Sagot ko sa kaniya na hindi alam kung paano ko sisimulan ayusin tong plano na 'to dahil walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi si Maureen lang.
Imbis naman umalis, lumapit sa'kin tong kaibigan ko at sinilip 'tong project na pinag-aaralan ko.
"Hindi ka pa tapos diyan?? Kanina mo pa 'yan tinitignan ah? Isang oras ka na dyan." Takang sita ni Peter sakin.
"Hindi ko alam kung pa'no sisimulan yung plano, tol, okay?" Medyo irita kong sagot sa kaniya.
"Hah? That's new. Ian, kilala kita. Isang tingin mo lang sa house o building plan, alam mo na kung ilang araw, buwan o aabutin man ng taon ang paggawa diyan. Pati materyales, nakalista na, wala pang dalawang oras. Are you stressed, man?" Mahabang litanya nitong kaibigan ko.
Hindi ko na pinag-aksayahang tignan si James at napailing na lang ako. Nakakunot ang noo kong nakatitig sa houseplan na nasa harapan ko.
Ng hindi natitinag tong si James at nakatayo pa din sa tabi ko, napatingin ako bigla sa kaniya. At ang herodes, ngumingiti ngiti at umiiling iling.
"What?" Ungos ko sa kaniya. Mukha kasing may halong pang-aasar pa yung sasabihin nanaman niya eh.
"I already told you, Ian. Not her." Simpleng salita ni James.
Tsk. Napailing na lang ako.
"Why not? She's kind, beautiful, innocent ----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang sumabat si James.
"Exactly, brad. Inosente siya. I don't think she can afford what kind of relationship you can offer to her." Sagot naman ni James sakin.
"How sure are you?? I haven't tried yet." Pagdedepensa ko pa.
Napailing na lang si James sa sinabi ko.
"Are you serious about this, Ian?? She's not your type, man. Akala ko nagbibiro ka lang kanina." Hindi makapaniwalang tanung ni James sakin.
Kahit ako ay hindi sigurado. Tama si James. She is the exact opposite of what I want in a woman. She's not skinny, but she has curves at the exact places of her body that is why kanina ko pa inaasses ang sarili ko.
"Ewan ko, pre. Hindi ko alam. But one thing's for sure. I can't get her out of my mind." Sagot ko kay James na ikinatawa naman ng isa.
"By the way, alam na ba ni Aldrin na andito na si Carissa?" Pang-iiba ng direksyon ni James sa pinag-uusapan namin.
BINABASA MO ANG
Not Just A Girl
RomanceMaureen Elizya Gomez is not just a simple girl. Puro kayod ang alam sa buhay. But one night of having fun as a celebration nang matanggap siya sa trabaho, he met this guy. Na nagligtas sa kaniya sa isang kapahamakan na muntik na niyang ikamatay. A...