"Wow, Karl! Ang ganda nito!" Papuri ko sa cellphone binigay niya sakin. Smart phone 'yon. Hindi ganun ka-latest yung model pero maganda pa din at hindi naman mabagal. Ang importante lang naman sakin ay yung pangtext ko.
"Oh eto yung charger." At inabot niya sakin yung charger nang phone.
Oo, abot tenga ang ngiti ko. Dahil sa wakas, may magagamit na kong phone. Pangtext sa kaniya at may maibibigay na din akong sarili kong number sa pagaapplyan ko nang trabaho bukas.
"Tara? Bili na din tayo nang sim card mo." Yaya sakin ni Karl sabay offer nang kamay niya sakin.
Nakangiti ko siyang tinignan at tinanggap ang kamay niya. Pagtingin ko kay Michael, nakatingin to nang nakakaloko saming dalawa. Tumataas taas pa ang dalawang kilay nang sabay.
"Oy kuya Karl. Para-paraan ka ha?" Pang-aalaska ni Michael kay Karl.
Nakangiti ko namang tinignan si Karl na napapakamot sa batok niya at parang nahihiya. Aalisin niya na sana ang kamay niya sakin pero pinigilan ko.
"Ay nako. Hayaan mo na yang si Michael. Palagi naman tayo niyan inaasar." Pagpapakalma ko kay Karl.
Napailing na lang ako at niyaya sila pareho.
"Halika na nga. Bumili na tayo nang simcard, tapos, samahan niyo ko bumili nang ilang damit sa may tabi nang food court. Mura mga damit dun eh!" Yaya ko sa kanilang dalawa.
Napakunot naman ang noo nila pareho at napatingin sakin.
"Oh? Bakit?? Diba sabi niyo sasamhan niyo ko ngayon para magprepare sa pag-aapply ko nang work sa Lunes??" Pagtatanung ko sa kanila.
"Ay oo nga pala. Sa Lunes ka na nga pala pupunta dun sa pag-aapplyan mo nang trabaho ate! San nga yun?" Tanung sakin ni Michael.
"Along Makati City yun, Mike. Pero, isa yun sa pinakamalaking firm sa Pilipinas. O pati sa buong mundo ata. Kaya nagbabakasakali akong matanggap." Sagot ko nang may buong excitement sa kapatid ko.
"Makakapasok ka dun ate, panigurado!" Pagpapalakas-loob sakin ni Michael.
Natuwa naman ako sa kapatid kong to. Todo suporta sakin. Lumalakas tuloy lalo ang loob ko dahil sa mga sinasabi niya. At least, kahit wala na si Mama, may isang taong nagpapalakas nang loob ko. Tinignan ko naman si Karl na nakatitig lang sakin.
"Uy. May problema?" Tanung ko sa kaniya.
"Wala. Sana matanggap ka sa trabahong aapplyan mo." Sabi niya sakin. Pero bakit parang malungkot ang mga mata niya?
"Oh eh bakit parang hindi ka naman masaya?" Tanung ko sa kaniya at lumapit nang bahagya.
"Masaya ako para sayo. Nalulungkot lang ako na hindi na tayo palaging magkakasama." Sabay nguso niyang sabi sakin.
Natawa naman ako.
"Ano ka ba. As if naman nagkakasama tayo palagi. Eh busy ka din naman dun sa trabaho mo diba? Nagfile ka nga lang nang sick leave ngayon para masamahan mo ko eh. Pero kahit Sabado eh may work ka." Pang-aalaska ko sa kaniya.
Nagpapasalamat talaga ako sa bestfriend kong to. Hindi niya talaga ako iniiwan sa ere kahit anong mangyari. Palagi niya din akong tinutulungan. Katulad ngayon.
"Baka naman may maging boyfriend ka dun ah!" Sabay sabi niya sakin. Natawa tuloy ako, sabay palo sa kaniya.
"Boyfriend?? Sira ka. Trabaho pinunta ko dun oy!" Sagot ko sa kaniya. At niyaya ko na silang umalis at pumunta dun sa may ukay ukay. Kailangan ko nang mga damit pang opisina. Kahit 3 hanggang 4 na blouse lang at 2 mini skirt at isang slacks.
Nang matapos kami bumili, pumunta na kami sa may food court para bumili nang pagkain. Gutom na ko at gutom na din si Michael. Pero bago ang lahat, tinext ko na muna ang sekretary nang kompanya na pinag-apply-an ko nang trabaho. Ibinigay ko ang number ko kay Miss Vivian at sinabing yun na ang gagamitin kong number.
Nang nasa may lamesa na kami at kumakain, hindi ko talaga mapigilan ang gutom ko. Dadating na din kasi ang dalaw ko.
"Hindi ka gutom, Mau?" Pang-aalaska sakin ni Karl.
Tinalasan ko lang to nang mata. Ang inorder ko kasi ay chicken spaghetti sa jollibee, medium fries, choco float tsaka apple pie.
"Wala kang pakielam. Minsan lang 'to mangyari. Kaya pagbigyan mo na ko." Saway ko kay Karlo. Naiinis na ko dito. Pansin nang pansin sakin.
"Baka hindi na magkasya sayo yung damit na binili mo, sige ka." Pagbabanta sakin ni Karl. Napatigil naman ako sa pagsubo at napakunot ang noo na humarap sa kaniya.
Dahan-dahan kong nginuya yung pagkain na nasa bibig ko at tsaka nilunok. Inayos ko yung kutsara't tinidor ko at tsaka ngumuso.
Tumawa naman tong si Karl at kinurot ako sa pisngi. Nakatitig lang naman samin si Michael at nakangiti.
"Ano ka ba. Jinojoke lang kita! Ikaw naman." Pang-aalo sakin ni Karl habang tawa nang tawa.
Napasimangot tuloy ako. Oo nga. Baka di magkasya sakin yung mga skirt. Haaays. Onti onti kong inilayo sakin yung pagkain ko at uminom na lang nang tubig.
"Huy ano ka ba. Binibiro lang kita." Medyo may pag-aalala na sa mukha niya si Karl.
Pinipilit ko namang matawa, kaso naiiyak kasi talaga ako. Sayang yung pagkain ko. :(
"De, okay lang. Tama ka naman eh. Baka hindi na kumasya sakin yung mga binili ko. Kahit ukay-ukay lang yun, sayang yun ha." Paninigurado ko sa kaniya na okay lang ako. Sinamahan ko pa nang pagtawa nang pagak yung pagsabi ko.
Pero siguro, totoong kilala lang ako ni Karl kaya hindi siya naniniwalang okay lang ako.
"Ay nako hindi, Maureen. Kainin mo yan. Kilala kita. Alam ko kung gano mo kamahal ang pagkain. Binibiro lang kita ano ka ba." Seryoso na niyang salita sakin. Nilapitan pa niya ko para lang aluhin. Hinaplos niya yung braso ko, sanhi upang maiyak na ko.
Nanlaki yung mata ni Karl at bigla niya kong niyakap.
"Uy ano ka ba. Binibiro lang kasi kita! Wag knang umiyak." Pang-aalo sakin ni Karl habang inuugoy ako.
"Ikaw kasi! Tinakot mo ko! Alam mo naman kung gaano ko gusto makuha yung trabaho na yun eh!" Sabay palo kong sabi sa kaniya. Natawa naman siya imbis na masaktan sa palo ko.
"I was just joking, okay? Kumain kna. Sayang ang pera diba? Palagi mo yan sinasabi samin ni Michael. Diba Michael?" Pagtatanung niya pa sa kapatid ko.
Nakangiti namang tatango tango si Michael at tinititigan lang kaming dalawa. Nang medyo makuha ko na ang mga ibig sabihin nang tingin ni Michael ay bigla akong napaayos nang upo at umalis sa pagkakayakap ni Karl.
Pareho kaming hindi alam ang gagawin at biglang bumalik sa pwesto niya si Karl at sinimulan ulit na kumain. Ganun din ang ginawa ko. Akala ko okay na yun. Pero mukhang hindi ako makakaligtas sa kapatid ko.
"Yung totoo? Anong meron sa inyong dalawa?" Pagtatanung ni Michael.
Napaangat tuloy ako nang ulo at pinanlakihan nang mata si Michael. Pagtingin ko kay Karl, medyo namumula siya at kumakamot-kamot sa batok niya.
"Aha! May gusto ka sa ate ko noh?" Pang-aalaska ni Michael kay Karl.
"Michael!" Saway ko kay Michael.
"Bakit? Ate naman eh. Tinatanung ko lang si Kuya Karl." Depensa ni Michael.
"Magbestfriend lang kami ni Karl okay??" Paglilinaw ko kay Michael at tinignan si Karl. Nakatitig lang siya sakin. Pero iba ang laman nang mga titig niya kaya napaalis din ang tingin ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Not Just A Girl
RomanceMaureen Elizya Gomez is not just a simple girl. Puro kayod ang alam sa buhay. But one night of having fun as a celebration nang matanggap siya sa trabaho, he met this guy. Na nagligtas sa kaniya sa isang kapahamakan na muntik na niyang ikamatay. A...