nawawala si renji.
si pamela naman may sinalihan na pa lang club, dance club.
ok dancer sya, may mga pinakita syang video sa phone nya na nagpeperform sya (on class yun dre ! boooorrriiiinnngggg na kasi yung subject nayun, buti at hindi nakialam si renji.pikon :P)
so just like the old days, mag isa akong uuwi.
narealize ko na dati hindi ganun, or ganito lang ngayon kasi wala pa kong kaclose talaga (so anong tawag kila pammy at renji ? DISPLAY?)
inaayos ko na yung gamit ko, nagtataka din ako bakit hinahanap ko si renji.
"uuwi ka na ba ? sabay na tayo ? san ba sakay mo ? pa dasma o pa imus ?"
wow ha, andaming tanong, walang time para magtanong ? GRABE TALAGA ! pero iba na yung aura nya, parang biglang naging masungit, na mayabang. ewan ba.
" ha ?! oo, uuwi na ko, sabay tayo ? hindi na ok lang, si pammy na lang sabayan mo :)"
"7:00pm pa ang uwi nun."
"ah, ganun ba .. si--"
"tara na:)"
nagulat ako kasi kinuha nya na agad yung gamit ko, well pwede sya maging isnatcher sa bilis ng kamay nya at sobrang nakakatanga yung ginawa nyang pag smile, nung tanungin nya ako kung uuwi na ba ako parang ang taray nya tapos mag smile ng ganun ! DUH !!!
"hoy ! teka ako na magdadala ng gamit ko"
"ako na, isipin mo na lang na ito yung bayad ko dahil sa pagsabi mo kanina kung nasaan ako at hindi ako naabsenan :)"
ah ok, yun pala yun, hmmm ... pwede na din, napahiya pa nga ako dun, parang feeling ko tuloy iniisip ng buong klase na stalker ako ni renji kasi alam ko kung nasan sya.
"wala kang payong?"
"nalimutan ko eh"
"o teka tara dun muna tayo sa may tindahan, ang init kasi eh"
"ha. ok"
para akong tanga nuh ! oo at kung anu lang masabi, nawala ata pagka taklesa ko dahil sa kumag na to eh !
"renji !!!!!"
kaharap lang pala nung tindahan na tinambayan namin yung computer shop kung nasaan yung mga tropa nya.
"oi pare, grabe kayo di talaga kayo pumasok ah!"
"sus pare kayamot naman eh, o sino yang kasama mong chicks ?"
"pare wag chicks bastusin eh"
wow ha, biglang naging genltman. pero tama say parang ang bastos eh.
"ay pare sorry, miss sorry ha:)"
amfufu naman ! bakit ba pareparehas sila ng ngiti ? napaka convincing. kasura ha !
"ok lang kuya"
"ah, guys ! si anne nga pala, Anne De La Rea, anne si james, chris at rain"
so james pala pangalan netong "chicks" na'to, ang weirdo nung rain ha, weird na nga yung name weird pa sya, cute naman silang lahat, except for renji ... HE'S NOT CUTE OKAY !!!!! i'll tell you later :)
"pare una na kami sa inyo ha, may lalabanan pa kami dun sa marycris homes eh"
"sige mga pare"
salamat naman at hindi sasabay, hindi sa gusto ko masolo so renji, DUH !!! WALANG GANUNG IDEYA NOH ! ayoko kasi .... naiilang na nga ako sa kanya, sa tropa nya pa, o di ba.
"ano nga pala sasakyan mo?"
aba mister castillo eh di jeep ! buang neh ! yun sana gusto sabihin kaso wag na, kung anu pa isipin at mapikon pa.
"ha byaheng dasma"
"yun! dyan lang ako sa 1st eh, sabay na talaga tayo"
ok fine natuwa sya ? bakit? adik lang.
at sa wakas may dumating ng jeep, walang tao sa harap (liban sa driver malamang) kaya dun na nya pinili umupo, gentleman naman dahil pinauna nya ako sumakay with matching pag alalay.
"bayad po, isang 1st tpos isang sabang"
"renji ito na lang oh, nakakahiya naman,"
"ok lang yan, di ba nga ito yung bayad mo dahil sa--"
"oo alam ko na salamat pa din ha"
BINABASA MO ANG
I'll Be Waiting
Romancethis is just another story of romance,love,hurt and despair. oops... no this is not just another story ... BECAUSE I'TS MY STORY OF ROMANCE,LOVE, HURT AND DESPAIR... 'til now I'M STILL WAITING. * i revised some names .... for their own privacy ... t...