Overpass

6 0 0
                                    

OVERPASS


Sa dami ng mga taong naglalaboy, naga-akyat baba at nagkakasalubong dyan isa lang ang nasa aking isipan. Kapag nakikita ko yan iniisip ko na sana makasalubong kita. Iniisip ko na sana nandun ka sa kabilang dulo. 


Iniisip ko na sana ikaw ang makikita ko sa dami ng mga taong dumadaan dito. Pero higit sa lahat iniisip ko na dapat hinihiling ko ang mga bagay na iyon.

 Na dapat imbes na isipin kong sana makita kita at makasama ang gawin ko ay hilingin ko na sana magkatotoo ang mga nasa isip ko.

 Dahil ang bagay na nasa isip ay hindi pwedeng sa isip lamang at alam kong mayroong mga hiling na hindi nararapat pero heto ako iniisip na sana sa muling pagdaan ko sa lugar kung saan tayo unang nagkatagpo ay makikita kita.

 Makakasalubong gaya nung una nating pagkikita, magkakabanggaan at magapapasensyahan pero mahirap isipin ang sana at mahirap hilingin ang baka sakali dahil walang kasiguraduhan ang mga pangyayari.

Dahil madalas ang mga bagay na minsan nang nangyari ay walang kasiguraduhan na mauulit pang muli.



*this is incomplete*


~Andrea M.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon