Chapter 1

116 20 1
                                    

Sandra

"Cashmere , sorry na please ! Eto na yung Iphone mo , uuwe na ako . Galit ka naman kasi " paghihingi ko ng tawad sa kaibigan hilaw ko na 'to . Parang iniistalk ko lang sa Instagram yung BTS.

Pagkababa ko ng Iphone nya sa tabi nya ay tatalikod na sana ako nang bigla nyang hawakan ang aking kanang kamay .

"Huwag ka muna umuwe , sige pinapatawad na kita." Dami talagang alam nitong hilaw na to , aawayin ako tas ayaw naman akong pauwiin. Well , hindi naman kasi nya ako matiis.

"Sure?" Paninigurado ko .

"Ayaw mo pa?" Ngiseng tanong naman nya saakin.

"Syempre hinde." Mabilis kong sabi at niyakap sya . Wala namang problema kung magyakapan kami ng hilaw na to sa loob ng pamamahay nila dahil kilala naman ako ng pamilya nya , bilang matalik na kaibigan nya.

"Huwag ka ng magtatampo saakin ah ! They are just my crushes . Okay?" Pagpapaliwanag ko habang nakayakap padin sa kanya.

"What ever. " walang kwentang sagot nya saakin.

Kring ... Kring ... Kring ...

Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko .

Hay naku ! may pasok nanaman .

Bumangon ako sa pagkakahiga , at unang nakita ko sa aking study table ang picture frame na kung asaan nakayakap sya saakin at parehas kaming naka wacky pose .

Nalungkot bigla ako dahil sa napanaginipan ko nanaman ulit sya at ang katotohanang hanggang ngayon wala parin syang paramdam.

Miss na miss ko na yung hilaw na yun .

Tumayo na ako at sinimulan ang pagkilos , baka ma-late pa ako at hindi papasukin ni manong guard.

Ako nga pala si Sandra Umali . 18 years old , first year college sa PUP .

At yung nag iisang lalaking kanina ko pang iniisip ay si Cashmere Conde. Kababata ko na may lahi . Half half sya kaya madalas kong tawagin na "hilaw" . 19 years old na 'yon ngayon .

Naligo na agad ako at nagbihis. Naabutan ko sa baba si Mama na naghahain.

"Goodmorning Ma." Bati ko sabay humalik sa kanyang pisnge.

"Bilisan mo na ang kilos Sandra, malalate ka nanaman nyan eh. Wala pa naman ang papa mo para maihatid ka."

"Hay naku ma, ako batas don tiwala lang." Pangbibiro ko sa aking Ina.

"Ikaw talagang bata ka, o sya kumain kana.

"Yes mother!" Tugon ko at sinimulan ng kumain ng mabilis.





A/N: So ayun po, inirevised ko po itong story ko na dating "Umaasa" ang title. I hope you like it.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon