Prologue

118 19 0
                                    

Mga bata pa lang kami noong una kaming magkakila. Galing sila ng Canada at dito na sa pilipinas naisipang manirahan.

Naalala ko pa , english speaking sya kaya't hindi ko sya maintindihan. Mga walong gulang palang kami nun kaya hindi pa ako marunong mag english.

Pero hindi 'yon naging hadlang sa pagiging magkaibigan namin. Nagpa-tutor sya at unti unti na nga syang natuto magtagalog kaya nagkaintindihan na kami.

Naging magkalaro kami, hindi na nga kami mapaghiwalay ng aming mga magulang.

Noong high school iisang school lang din ang aming pinapasukan. Sabay pumasok, sabay umuwe , napalapit kami ng sobra kaya hindi namin naiwasang mahulog sa isa't isa.

Hindi namin minadali ang lahat, basta ang alam namin masaya kami , at may nararamdaman sa isa't isa.

Pero one day, nagulat na lamang ako na wala nang nakatira sa bahay nila, mga naninilbihan nalamang ang natira.

Ang sabi bumalik na raw ang buong pamilya sa Canada.

Tinext, tinawagan , chinat lahat ng maaari kong macontact ay ginawa ko. Ngunit ako'y bigo, dahil lahat ng social media nya ay binlocked nya ako.

Ngunit kahit ilang taon narin ang lumipas, umaasa parin ako sa pagbabalik nya.

Pinanghahawakan ko pa rin ang mga ala-ala at mga salitang aming binitawan. He promised , yan ang paulit ulit kong pinapaalala sa aking sarili.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako aasa, pero sana bumalik na sya bago ako mahulog muli sa taong hindi na sya.

You PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon