HARD TO BELIEVE

11 1 0
                                    

THIRD PERSON's POV

"F*ck!" Napasapo si Gio sa kanyang ulo sa sobrang sakit nito mula sa biglaan niyang pagbangon. Pero mas ikinagulat niya nang makita ang makinis na likod ng babae sa tabi niya. He felt a sudden volt of electricity running through his body. His member is hard as f*ck!

"Hmmmmnn.." ungol ng babae sa tabi niya na lalo nagpainit sa nararamdaman niya

"Sh*t!"

Nagmamadali siyang pumasok sa cr at itinapat ang sarili sa dutsa. His asking himself kung kailan pa siya naging pervert? Kahit kailan ay hindi naging ganoon kabilis ang reaction ng katawan niya sa isang babae. Kahit sa first gf niya ay hindi niya naramdaman ang ganoon. Sino ba kasi ang babaeng iyon? Bakit ganoon na lang ang epekto nito sa kanya? Sobrang sakit na ulo niya sa pagiisip na hindi pa nga niya natatapos ang problema kay Bella, eto may bago na nman. Paano kung biglang dumating si Carrie ? Paano kung mahuli siya nito. It is their anniversary today and he dont want her to feel bad! Bakit nga ba si Carrie ang pinoproblema nya. He's giving her up for Bella. Pero bakit may part ng isip niya na nakukunsensya para kay Carrie. He cheated on her. Basically he cheated on her again.

" Sh*t! Sh*t! Sh*t!"

Patuloy niyang minumura ang sarili hanggang sa makarinig ng paulit ulit na doorbell! Naramdaman niya ang takot na baka si Carrie ang dumating. Sumilip siya sa pintuan ng CR at nagulantang sa babaeng kausap ng babaeng katabi niya sa kama nakatalikod ito at napansing niyang suot nito ang tshirt niya.

Oh Shit! Si Bella ang nasa pinto.

***

GIO's POV

Nagmamadali akong lumabas ng cr. Sa sobrang pagmamadali ay nalaglag ang mga damit ko kaya wala akong choice kundi itapi ang twalya sa baywang ko. Natulos ako sa kinatatayuan ko ng humarap ang babaeng may suot ng white tshirt ko. Mula sa magulo niyang buhok hanggang sa hubog ng katawan niya ay nagmamalaki ang sobrang kagandahang taglay niya. Napalunok ako ng paulit ulit. Mataman lamang siyang nakatingin sa akin at nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.

"Carrie..mahal?"

Akma ko siyang yayakapin ng bigla siyang nagsalita.

"Ano si Bella sa buhay mo Gio? Sa buhay nating dalawa? Wala kang ibang bukangbibig kagabi kundi pangalan niya kahit sa....kahit duon sa...." Tuluyan na siyang humagulgol.

Si Bella! Sh*t si Bella. Kailangan naming magusap. Nagmamadali akong lumabas ng pad ko pero huli na ako. Nasa loob na siya ng papasarang elevator. Napasabunot ako ng mariin at paulit ulit sa buhok ko.

"Gio ang gago mo! Ang gago gago mo!"

Hindi pa ako nakakahuma sa mga pangyayari ay nakita kong papalabas na ng pad si Carrie. Nakagayak na siya pero tigmak ng luha ang mga mata.

"Mahal?" Akma akong lalapit sa kanya.

"Mahal? Wag mo kong mamahal mahal! Ang kapal ng mukha mo! Hanggang diyan ka na lang! Wag kang lalapit sa akin! Wag mong tatangkain na hawakan ni dulo ng daliri ko. Pinagkatiwalaan kita Gio! Buong buo! Buong pagkatao ko. Pati pagkababae ko na iningatan ko sa mahabang panahon pinagkatiwala ko sayo. Kasi ang alam ko mahal mo ako! Pero anong ginawa mo. Niloko mo ako. Niloloko mo ako. Si Bella pala ang mahal mo pero bakit kailangan mo pa akong gaguhin?Bakit kailangan mo akong gamitin? Anong klaseng lalaki ka! Wala akong kasalanan sayo! Wala akong ginawa kundi mahalin ka. Kahit paulit ulit ko ng napapansin na may ginagawa ka behind my back I still chose to trust you pero anung ginawa mo?"

Galit na galit na lumapit si Carrie sa akin at sinampal ako ng napakalakas. Hindi ako makahuma. Wala akong masabi. Ano bang ginawa ko kagabi? Marami ba akong sinabi? Sh*t! Kaya ayokong maglalasing eh! Kung ano ano ang ginagawa at nasasabi ko ng hindi ko alam. Mahal niya ko alam ko iyon. Mapapatawad niya ako. Isang yakap lang ang katapat niyan. Ganun naman lagi eh kapag nagtatampo siya sa akin. Isang yakap lang okey na. Dahan dahan kong iniaangat ang tingin ko kay Carrie. Pero nanlumo ako sa mga emosyong nakita ko sa mga mata niya. Halo halo ang sama ng loob, pagkamuhi at paghihiganti ang nakikita ko sa mga mata niya. Mukhang hindi sapat ang isang yakap lang.

"You know what hurts the most Gio? The moment you reach your peak and you shouted her name! "

Nakita ko kung paanong dumagsa ang luha sa mga mata niya pababa sa kanyang pisngi. Marahas niyang pinahid iyon at hindi na muling lumingon sa akin.

"Tapos na tayo!"

Tinalikuran ako ni Carrie! Sh*t! Tinalikuran niya ako. Bakit ganun? Parang hinihiwa sa gitna ang puso ko. Bakit ganito kasakit? Makikipagbreak na ko sa kanya di ba? Si Bella ang mahal ko.. Si Bella.

Nagmamadali akong lumakad papasok ng pad ko. Hahabulin ko si Carrie. Kasalukuyan akong nagbibihis ng parang nagecho sa isip ko ang huling sinabi ni Carrie.

" You know what hurts the most Gio? The moment you reached your peak and you shouted her name!"

Marahas na hinila ko ang kumot na nakatakip sa beddings at parang akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.

Blood stain

"Sh*t! May nangyari sa amin ni Carrie! Ang bobo mo Gio! Ang gago mo!"

I really can't explain how I feel pero bakit may saya akong nararamdaman sa puso ko.

ISTORYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon