Pero in fairness kahit gangster sya ang gwapo nya parin tignan. ang tangos ng ilong nya, kissable lips at ang aliwalas ng mukha nya.
Matagal din kami sa ganung posisyon nang may iba pang dumating na siguro kasamahan nya. Aba! may back up agad? Napaka BTS ng dating! OMG! Pero hindi pwede! Kailangan kong makuha si Luffy!
"Sige, sayo na lang."What? Ba't ako bumitaw? Sorry Luffy I'm so ashamed of myself.
"Pre! matagal pa ba yan?"Natigil ang pagtitigan namin nang biglang may nagsalita sa mga kasama niya sa likod sabay akbay sa kanya.
"di pre, okay na. Salamat miss ganda." Sabay marahas na hablot sa action figure.
Naglalakad na sya palayo nang ako naman ay nagpapaalam kay Luffy sa aking isipan. Huhuhu, Bakit ko nagawa sayo un Luffy?! I'm so sorry! T_T Nag wawalling na ako sa isipan ko nang bigla na lang may kumalabit sa akin sa likod.
"Hoy bruha! bakit ang tagal mo ha? kanina pa kaya kita hinahanap? Tara na! nagugutom na ako kakahanap sayo. Nasa restaurant na sila lahat binayaran na din ni Mama tin yung mga binili mo girl!" Mataas nya litanya.
Nakatitig lang ako sa mukha nya na para akong namatayan ng aso. "Tara na bes" Sabi ko na lang at naglakad na palayo sa lugar kung saan nangyari ang pangyayari na napakasakit na pangyayari na nangyari sa buhay ko. T_T Sayang, nahawakan ko na eh! ako pinakaunang nakahawak eh! Huhuhu.Pero ang lambot ng kamay nya, sarap siguro sa pakiramdam kapag kaholding sya. Oh M! Sarap nya siguro humalik? Kaso amoy sigarilyo.. Hay!
"Hoy! Besh! Anyari? Ba't para kang namatayan ha?" Cielo na naguguluhan.
"Besh..." sabay hawak sa dalawang kamay."Waaah...!" Naiyak na talaga ako.
"Hoy! ano ba! Umayos ka nga jan! nakakahiya ka! Ewan ko sayo!" sabay lakad palayo sakin. Marami na palang nakatingin sa amin. Nakakahiya pero ang sakit kasi talaga. Pero inayos ko na sarili ko baka pagkamalan pa akong baliw.
"Besh! hintay naman! Di ka na naawa sa akin, bestfriend ba talaga kita?" nagtatampo kong sabi sa kanya.
"Bruha ka! Nakakahiya kaya? Ano ba kasing nangyari sayo ha?" Naiiritang sabi nya sakin
"Bes si Luffy kasi-"pinutol nya na ang sasabihin ko
"Ay Ewan ko sayo! tara na nga!" kinaladkad nya na ako papasok sa isang restaurant.
Nung nakapasok na kami ay gusto ko na sanang umiyak ulit nang makita ko si Luffy na nakatayo sa gitna ng table. Sa dinami dami ba naman ng restaurant bakit dito pa sila kumain? Ba't ganun Luffy?
Nang mapansin ni Cielo na napatunganga na naman ako ay kinaladkad nya ako ulit hanggang sa umabot kami sa table namin.
"Oh bakit ang tagal nyo?"Bungad sa amin ni Tita Lucy
"Sorry po Tita." Sabi ko na lang sabay upo sa tabi ni Karla.
"Ate, kain na po tayo, inorder ko na po yung favorite natin. Eto po oh!" Masiglang sabi ni Karla.
"Alam mo yan din yung favorite ni Mommy. Naku kung hindi ka lang talaga naging anak ng iba iisipin ko talaga magkapatid tayo." Malambing kong sabi kay Karla sabay kiss sa forehead nya.
Bigla namang nasamid si Mama Tina at agad itong binigyan ng tubig ni Mang Ben."Naku mahal, ingat naman sa pagkain mo." Sabi ni Mang Ben sabay tingin sa amin ni Karla.
"'Nay okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong naman ni Karla.
"Okay lang ako anak. Kain na kayo ni ate mo." nakangiting tugon ni Mama Tina.
