Chapter 2

7 1 3
                                    

Di na ako mag isa. May kasama na akong patay gutom. Buti nalang may sarili syang baon, ako lang ang nagluluto.

Nandito kami ngayon sa tindahan at nanunuod ng movie. Nagjack em poy kami kung Kdrama o foreign movie ang papanuorin namin pero natalo ako kaya kami nanunuod ng hunger games catching fire, buti nalang at paborito ko tong movie.

Nang matapos ang movie naubos na rin ang pagkain namin. Uminom ako ng tubig at nakiinom rin sya. Oo, iisang baso lang gamit namin, kawawa naman daw kasi ako kasi dadami ang huhugasan ko.

Pagkatapos naming manuod nakaramdam kami ng antok kaya sinara na muna namin ang tindahan. Naglatag na kami ng kutchon sa sahig at nahiga. Isang unan lang ang gamit namin kaya magkalapit kami ng konti. Wala naman kaming ilangan kasi kaibigan lang ang tingin namin sa isa't isa.

Hindi ko alam kung ilang oras din kaming nakatulog basta ako ang unang nagising. Nakayakap sya saakin at nakadantay ang hita ko sakanya.

Siguro naawa na saakin si Lord kasi palagi akong mag isa every summer kaya binigay nya saakin si Julius. Thank you Lord ha.

Kinapa ko yung cellphone nya at binuksan ang camera saka sya pinicturan. Tulo laway hahaha.

***

Ilang buwan na rin kaming magkasama ni Julius. Ang dami na naming nalaman tungkol sa isa't isa, isa na dun na parehas pala kaming birthday, February 29. Oo, Feb 29 kaya every 5 years lang kami nagcecelebrate. Buti ngayon may kadamay na ako.

Sabay kaming nag enroll at pareho din kaming section. First time ko syang maging kaklase kaya excited ako. Pati rin sya excited na din.

Parang hindi na buo ang araw ko kapag hindi ko sya nakita kaya palagi ko syang pinapapunta sa bahay. Ayos lang kila papa pero wag na muna daw kaming maging magsyota. Alam nyo ang reaksyon namin?

"Ma bakla po yan/tita no offense pero babae ho pala tong si Jillian" yan ang sabi namin at napa iling lang ang parents ko

Nakilala na rin sya ng mga kapatid ko, pati narin ako sa mga kapatid nya. Ang saya ko nga kasi mahilig din pala sa kdrama ang ate nya kaya nagkasundo ang kapatid namin syempre kasali ako.

Wala naman akong ibang nararamdaman para kay Julius. Gusto ko lang na palagi syang nakikita. Gusto ko palagi kaming magkausap tapos magpipicture pa. Ayaw ko nang mawala sya sakin kasi mahal ko sya. Oo mahal ko sya pero, ayokong aminin sa sarili ko kung gaano ko sya kamahal.

Syempre hindi maiiwasan na matukso kami sa isa't isa pero gaya ng reaksyon namin noon pa man. Dinedeny namin pareho. Natatakot ako na pumasok kami sa isang relasyon at mauwi ang lahat sa wala. Gaya nga ng sabi ko, ayoko syang mawala saakin.

Masaya akong magkasama kami tulad ngayon. First day of school at syempre sabay kaming pumasok. Halata nga na excited kami kasi pagdating namin sarado pa ang room. Wala kaming nagawa kundi magselfie.

"Julius picturan mo ko, don ako sa pinto ng room" sabi ko at pumwesto sa pinto at naposing

"Oh isa pa, ang pangit mo talaga Jil" kahit nakakainis ang sinabi nya ngumiti ako ng pagkalawak lawak

Halos five seconds na pero hindi pa rin sya nagsasalita kaya nangalay na ako.

"Oy Julius, ano na?"

"A-ahh oo na, heto na oh, ampangit mo" sabi nya sabay abot sakin ng phone ko

Umupo ako sa tabi nya at tiningnan yung folder ng pictures namin.

"Julius oh, parang kailan lang" sabi ko at pinakita sakanya yung una naming picture

Once Upon A Summer TimeWhere stories live. Discover now