Chapter 1

4 1 0
                                    

WARNING: This is a cliché story.

1
Mag isa nanaman ako. Mas mabuti nang ganito kesa nandito sina mama at papa. Ewan ko ba kung bakit ako ganito sa pamilya ko. Mahal ko sila pero hindi ko kayang ipadama kasi wala na akong makuhang pagmamahal galing sakanila.

Mas mabuting mag isa lang ako ngayong bakasyon. Nakikinig ng music, manunuod ng gusto kong panuorin tulad ng kdrama at mga music videos ng idol ko. Parang kaya ko na rin kahit ako lang mag isa. Magluluto ako ng para lang saakin tapos pinagkainan ko lang rin ang huhugasan ko.

Minsan may bisita na dumadating. Sinasamahan ako ng pinsan ko pero uuwi din paglipas ng ilang mga araw kasi kailangan, pero madalas mag isa ako.

Tulad ngayon, aalis na yung pinsan ko kasi three days na syang nandito. Ayos lang kahit ako lang mag-isa hanggang bukas. Mas gusto kong hindi umuwi si papa pero heto ako ngayon, nagmamano sakanya. Pinauwi pala sya ni ate kasi wala daw akong kasama mamayang gabi.

Ayos lang sana kahit mag isa ako. Pero ako lang rin naman ang iniisip nila.

"Jil, ako na muna magbabantay ng tindahan kahapon hindi ka na naligo baka pati ngayon" napatawa ako sa sinabi ni papa, dumiretso na ako sa CR at maya maya ay narinig ko na may bisita si papa

Sanay na ako na may kainuman si papa. Kaya nga minsan yan pa ang pinag aawayan nila ni mama. Nakakailang bote na sila ng alak pero naliligo pa rin ako. Ang sarap kayang maligo lalo na't summer.

Pagkabihis ko sa taas, bumaba na ako at dumiretso sa kusina para magsaing para saamin ni papa, tapos pumunta na akong sala. Nagmano ako doon sa kainuman ni papa.

Dati pala silang tumira dito ng pamilya nya sa bahay namin noong panahon na sa Baguio pa kami nakatira. Grabe ang utang na loob nya kay papa kasi mura lang ang pagpapatuloy namin sakanila at nakahanap pa silang trabaho dito.

Pumunta na ako sa tindahan at narinig ko ang usapan nila papa at ni Tito Pat (yung nangupahan saamin)

"Buti sana sinama ko yung anak ko dito, gwapo yun, nagmomodel" napatigil ako kasi parang nagets ko yung gustong iparating ni Tito Pat

"Ilang taon na ba?" Tanong ni papa at saka tumagay

"16" napalunok ako sa di ko malamang dahilan

"16 na din si Jillian" sabi ni papa at tinawag ako, kinabahan ako bigla

"Jil, bili ka pa ngang isang red horse" hoo, akala ko kung ano na aalis na sana ako ng bigla akong pigilan ni Tito Pat

"Mamaya kana bumili pagdating ng anak ko, gabi na at umuulan pa papasamahan kita" ngumiti lang ako ng pilit at tumango, pumunta ako sa taas at nagsuot ng pajama at nagpabango

Bakit ba ako kinakabahan? Eh sasamahan lang naman akong bumili. Waaaaa gwapo daw kasi ang anak nya at nagmomodel pa. Kasing gwapo nya kaya si Jimin? Goooosh anong gagawin ko????

Sige, kunyari hindi ako apektado sakanya. Mag aala Kim Book Joo nalang ako para kung maging kami, Swaeg lang! Hala! Bakit iniisip ko na agad na magiging kami? Eh ipapakilala pa lang naman ako! Ano ka ba Jillian, dun na rin papunta yun! Waaaaa kinakausap ko na rin sa----

"Jillian baba ka dito" bullshit! Jimin tulungan nyo ko ni Jungkook omaygossh!

Tumingin ako sa salamin at pinunasan ang pawis ko. Inhale. Exhale. Hoo kaya mo yan Jillian! FIGHTING!

"Bakit po pa?" Sabi ko ng normal lang, parang hindi ko kinausap ang sarili ko

"Jillian eto pala ang anak ko si Julius" tumingin ako dun sa pinakilala ni Tito Pat

Gwapo nga infairness, pero dahil pa cool ako tinanguan ko lang sya.

"Pa asan na po yung pambili?" Tanong ko kay papa at binigay nya na sakin yung pera

Once Upon A Summer TimeWhere stories live. Discover now