Chapter 9: ONE DAY

17 1 4
                                    

Magandang araw sa iyo reader! si miss otor kasi eh, gusto raw mag update. Sana, suportahin niyo po. -P♚

Dan's POV

Hindi ko alam kung bakit tuwing makikita ko siya, my whole world stops. kaya lang, may epal sa buhay ko eh. at tsaka bestfriend ko pa. Sana nga lang ganyan ka dali umamin sa babaeng yun. Pero feel ko, mahal niya yung bestfriend ko kaya, talo na ako.

"Oy Dan, kanina ka pa ah. May problema ka?"

Kasama ko pala si Chirld ngayon, siya lang naman ang taong kilala at close ko dito eh. Aside from Anna.

"Ah..Eh.. wala"

"Dan?"

"Hm?"

"Pwede magtanong?"

"Ano?"

Pa thrilling pa 'tong si Chirld ah =_______=+

"May kilala ako, na napamahal sa isang tao, alam niya na wala siyang chance dahil para sa kanya, mahal nung taong mahal niya ang bestfriend niya. Para sa iyo, anong gawin niya?"

Parang natamaan ako sa mga sinasabi ni Chirld ah, sa totoo lang, ako ba yung ibig niyang sabihin? Ganyan na ba ako ka tanga?

"Dan."

"Ah, hindi pa naman sila ng taong mahal niya diba?"

"Hindi pa."

"Pero obvious ba na mahal nila ang isat isa?

"oo"

"Bigya mo sila ng space, mahal nila ang isat isa eh."

Ang weird, yung mismong advice ko sa ibang tao, hindi ko magawa.

"Chirld, ang sakit pala no?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Ang sakit pala kapag ang mahal mo ay may mahal na iba."

Oo na, inaamin ko, Mahal ko si Anna. sobra.

"Hindi naman sa lahat ng panahon na mahal ka ng mahal mo, minsan may taong karapatdapat sayo at baka yang mahal mo ngayon ay hindi pa para sayo."

"Mahal na mahal ko siya eh."

"Baka may tao na karapatdapat sa iyo, baka nandiyan lang sa tabi tabi."

*Krrrriiinnnggg

"Hatid na kita a."

"Sige. Tara."

CLASSROOM

Wala lang akong magawa, hindi ako maka concentrate eh, si Chirld kasi kung ano ang sinasabi, natamaan tuloy ako.

Wala si Anna ngayon ah, hindi parin gumaling si Chino, nasaan na kaya ang babaeng yun? Haaaay Anna, ba't ba alalang alala ako sayo?

Anna's Pov

(This is what happened last night)

Nandito ako sa apartment ni Chino, hindi naman ganun kaliit at hindi masyadong malaki, sakto lang. Biglang umalis si Dan, hindi ko alam kung bakit, tsk. I tetext ko nalang siya mamaya.

Si Chino lang pala mag isa dito? Kawawa naman si Prince Chino, at least kahit papaano ang linis, kahit lalake siya, parang babae ang nakatira.

Nakita ko siya sa kama, natutulog. Hmm, mag handa nalang ako ng pagkain, kasi kahit papaano, may laman ang tiyan niya pag gising niya.

Grabe, ang puno ng ref! Hahahaha Time to cook! :)

Nagluluto ako ng pagkain para ni Chino at syempre para sakin, nagugutom na akoooo huhuhu.. ng biglang.. nabasag ang plato na dapat lalagyan ng buttered chicken.. patay ! ⊙﹏⊙

It Started With A ShoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon