Halos isang taon akong may gusto saiyo
Kahit natatanga na sila saakin at kahit ako sa sarili ko, ikaw parin ang gusto ko
Kahit napalitan mo na SIYA, at ilang babae na ang pinormahan mo, ikaw parin
Kahit nakaka tanga lang, nakapit lang ako
Ngunit yung pala dahilan mo kung bakit ka ganyan saakin, dahil may problema ka saakin at di mo ako gusto
Pero bakit? Anong dahilan mo?
Masyado na ba akong umasa sa mga maliliit na bagay na dati?
Masyado ko atang pinang hawakan ang mga iyon
Di ko alam ang gagawin ko nung nalaman ko iyon, habang binabasa ko mga sinabi mo.
Dahil ayaw mo lang din naman saakin, pinutol ko ang ilang pwedeng maging komunikasyon natin
At napag tanto ko na, baka ako kabaligtaran ng babaeng gusto mo. Sino nga naman ako kumpara sa mga babaeng gusto mo
Kalahating taon pa ang titiisin ko kasama ka