Nung una kitang nakita, sinabi ko sa aking arili ko na HINDI KITA MAGUGUSTUHAN.
Taliwas ka sa mga lalaking aking natitipuhan. Seryoso, tahimik, hindi papansin. Ngunit ikaw? Isa kang napaka laking epal, sira-ulo at maingay
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagka-gusto saiyo, hindi nga ba, sinabi ko nang HINDI KITA MAGUGUSTUHAN!
Sadyang hindi mo matuturuan ang puso mo, kung ito'y pipigilan mo, lalo itong magwawala
Noong una, hindi ko matanggap na nagkagusto ako sa isang katulad mo. Hindi ko naman sinasabi na panget ka sa AKING paningin. Sa totoo lang, ang itsura mo ang tipo kong lalaki. Hinihiling ko lang na SANA, bawasan mo ang kahayupan mo
Ngunit sadyang tanga ako, nagustuhan parin kita