I

14 0 0
                                    

Sigawan. Hiyawan. Tulakan.

Yan lagi ang ginagawa ng mga kababaihan dito sa academy tuwing darating ang prince charming nila—si Jarreth.

Araw-araw nalang. Dadaan ako sa gilid ng mga babaeng pinagkukumpulan si Jarreth at sabay sabing,

"Tabi! Makikidaan! Mag-aaral ako ng mabuti kaysa kikiri dyan kay Jarreth,"

Tapos dire-diretso lang ako papunta sa room ko. Hindi lang ako sure kung narinig ba nila 'yon dahil sa sobrang ingay nila.

Pagpasok ko sa room ay magulo ang mga kaklase ko. May mga sari-sarili silang company. Yung iba ay nagmamake-up at nag-aayos ng buhok—Kikays. Yung iba ay nagsisikantahan. Nagjajamming. Yung iba ay nagva-vape. Yung iba ay nagbabasa ng libro—Book nerds.

"Katrina!!" sigaw ng isa sa miyembro ng mga book nerds.

Yes, i'm one of them.

Papunta ako sa kanila kaya kailangan kong dumaan sa mga grupo ng nagva-vape. Pagdaan ko doon ay sinabuyan ako ng usok. Masarap ang amoy ng usok nito—it smells mocha. Kailangan kong punasan ang salamin ko dahil lumabo ito dahil sa usok.

"Tapos mo na ba basahin yung libro na binili mo kahapon?" tanong ni Amanda, inayos pa nito ang salamin niyang nahuhulog dahil sa hindi niya katangusan na ilong.

"Oo. Nasa bag ko kase alam ko naman na hihiramin mo eh." umupo ako sa tabi niya. May tatlo pa kami kasama. Pero hindi ganoon kaclose pero sapat na para mikapag-usap.

Tuwang tuwa si Amanda sa nakita niya nang nilabas ko yung librong binili ko kahapon sa BOOKSALE. Kasama ko siya kahapon kaya alam niya. Siya pa nga nakahanap ng libro na 'to eh.

“Ano, maganda ba?” tumango lang ako at umupo saka inayos ang gamit ko.

“Hmm.. Basahin mo muna. Wag ka muna magtanong, masspoil kita.” tumawa ako ng konti at tanging patango lang siya sumagot at umupo na rin.

Ilang minuto nalang at mag uumpisa na ang klase ngunit wala pa yung teacher namin. Luminga linga lang ako sa mga kaklase ko na kung ano ano ang mga ginagawa nila. Bigla sa nagsibalik sa kanilang mga kanya kanyang upuan nang lumuwa sa pintuan ang lalaking may matangos na ilong at makinis na balat na may dalang bag na pambabae. Laging may dala yan na ganyan na bag dahil sinasabayan niya ang mga guro sa pagpasok sa silid aralan. Jarreth Aldana? Gentleman? Aye.

Last week nalang namin ngayon sa 1st semester bilang 4th year college. Last day nalang din namin ngayon sa exam. Dalawang subjects nalang at uuwi na kami. Kung nagtataka kayo kung bat pumasok si Jarreth sa room namin at hindi. Hindi ko siya kaklase. Iba ang course non samantalang ako HRM. Scholar ako dito dahil hindi lang ako ang pinag aaral ng magulang ko.

Nakatuon lang ang pansin ko sa test paper na hawak ko habang ang iba ay tuloy lang sila sa kopyahan kahit na nababawalan na sila sa guro. Madali lang sakin ‘to dahil nagreview kami ni Amanda sakanila last week at talaga pinaghandaan namin ‘to. Hindi ko kayang mawalan ng scholarship lalo na’t malapit na akong magtapos.

“Congratulations class! Sana pumasa lahat kayo. Enjoy niyo nalang ang remaining days niyo bago mag sembreak, okay?”

“Yessss ma’am!!”

Naghiyawan ang mga kaklase ko pagkalabas ng guro namin. Bakas sa mga mukha nila ang saya dahil sa wala na kaming gagawin.

“Hays, ang hirap naman non.” sabay kamot sa batok ni Amanda na nasa tabi ko habang palabas na sa room.

“Halos nandoon naman pinag aralan natin ah?”

“Eh ewan. Naguluhan lang siguro ako dahil sa kakaisip ko kagabi ng kung ano-ano.”

Bumungad samin sa hallway ang mga estudyanteng tulad namin na kinukumpulan si Jarreth. Seriously? What’s wrong with these people? School is for education and learning not for that admiration thing.

“Grabe no? Laging may nakabuntot kay Jarreth.” mahina na sabi ni Amanda habang palapit kami sa lugar kung saan kinukumpulan si Mr. Oh-so-popular.

“Bakit ba kasi dito nag aral yan? Sigurado naman na mapera yan eh.” napalakas yata yung pagkakasabi ko dahil may napatingin sa akin mula sa mga fans niya.

“Inggit ka lang dahil wala kang ganito karami na nakakapansin sayo.” taas kilay pa na sinabi ng babaeng may maikli na palda at sobrang fitted na blouse at may kolorete sa mukha.

“Di ko kailangan ng atensyon kung galing rin naman sa gaya niyo. Kung marami lang akong pera, di naman ako dito mag aaral. Ayoko sa pagmumukha niyo. Lalo na dyan sa lalaking yan.” tumigil lahat ng mga tao na malapit sa amin pati si Jarreth ay nagulat sa sinabi ko dahil nahuli niya akong nakatingin sakanya nang bitawan ko ang mga salita na iyon.

“Gahd, she’s a scholar, right?”

“How dare you to talk like that you filthy dirty hands.”

“What a nobody.”

He's Jarreth Aldana
by thyhime
Plagiarism is a crime.

He's Jarreth AldanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon