Kabanata 2
Mabuti nalang at tapos na yung exam dahil ayoko na makita pa ang ganong eksena tuwing nasa eskwelahan ako. Alam kong hindi dapat ako pumapatol sa ganon. Wag kayong mag alala, hindi ko pinatulan dahil alam ko naman na ako yung nagsimula eh. Hindi maalis alis amg mga tingin ng mga estudyante sakin at lalo na si Jarreth dahil sa sinabi ko. Hinila ako ni Amanda palayo sakanila dahil kahit ako ay gulat sa nasabi ko. Hindi naman ako ganon na mainitin ang ulo kaya nagulat lang din ako.
Hindi ko namalayan na narating na namin yung gate palabas ng school.
"Hay, ano ba nangyari sayo? Mainitin yata ulo mo ngayon?" labis na pagtataka ni Amanda."Baka nastress lang ako sa exam. Di naman mainit ulo ko."
Nakakapanibago lang siguro dahil hindi ako madaling mairita sa ganong eksena. Mahaba kasi pasensya ko.
"Hayaan mo nalang mga yun. Ilang buwan nalang at di na natin makikita yung ganong eksena." tumango lang ako. "Anyway," may kinalkal siya sa bag niya at nilabas ang isang maliit na kahon. "Regalo ko sayo. Inadvance ko na dahil baka makaligtaan ko magdala ng regalo." saka siya ngumiti.
Nawala tuloy ang mata niya dahil sa pag ngiti siya. Halata naman kasi sa istura niya kung ano race niya eh. Half japanese at half filipina dahil sa mama niya. Ayun lang nakuha niya di katangusan na ilong ng kanyang mama.
Inabot ko yung box at binuksan. Tumambad sakin ang silver na kwintas na may paru parong pendant. Napakaganda.
"Uhm, thank you. Di kana sana nag abala, Amanda."
"Parang bago ka naman. Ayos lang. Tsaka matchy kaya tayo. See.." pinakita niya sakin ang suot suot niya kwintas na gaya rin sakin na bigay niya. "Akina, suot ko sayo." tumalikod naman ako para isuot sa akin.
"Bagay sayo." ngumiti muli siya.
"Salamat ulit."
Matapos non ay may bumusina na sa may harap ng gate."Nandito na si papa. Mauna na ako. Kita nalang tayo sa birthday mo!"
Ganon din ang mga ibang estudyante, nagsidatingan na ang mga sundo nila. At ako syempre magco-commute. Wala naman kasi kaming kotse ano. Nakalabas na ako sa gate at nagsimula na akong maglakad papunta sa terminal pauwi. Hindi naman ganon kahaba ang pila dahil hindi pa naman oras ng labas ng mga opisina. Nakaupo na siya sa jeep nang tumunog ang kanyang phone. May isang mensahe mula sa kanyang ate.
"Wag kana muna umuwi agad. May bisita ako."
Mabuti nalang at hindi pa puno ang jeep kaya bumaba na muna siya para makalibot muna. Hindi na siya nagtanong pa sa kanyang ate kung bakit ayaw niya muna ito pauwiin agad dahil lang sa may bisita ito.
Wala siya gaanong makitang estudyante sa daan at marahil ay nasa mga galaan ang mga ito. Pumasok kaagad siya sa bookstore na lagi niya tinatambayan. Nagpalipas ng kalahating oras doon si Katrina na nagbabasa ng kung anong makita niyang gusto niya habang may nakasulpak na earphones sa kanyang tenga.
Tumingala muna siya para ipahinga ang nangalay niyang batok sa pagbabasa at may namataan siyang lalaki na nakahoodie na kulay lavender at nakaface mask. Naka-under cut ito at kulay itim ang buhok. Sa pigura palang ng katawan at ng mukha ay nakilala niya agad iyon. Nagbabasa ito at parang may hinahanap na espesipik na linya mula sa libro. Nag iwas agad siya ng tingin nang lumingon sakanya ang lalaki. Agad na binalik ni Katrina ang libro at nagmadaling maglakad palabas ng bookstore.
"Bakit siya nakaface mask? So Jarreth? Nagtatago? Hindi ba gustong gusto niyang pinagkakaguluhan at nilulupungan siya ng mga fangirls niya? Gusto niya ng privacy? pagkikipag usap niya sa kanyang sarili.
Ilang hakbang nalang ay nasa gate na siya sa kanilang bahay nang may niluwa ito ng mga kaibigan ng kanyang ate. Natigil sila sa pagku-kwentuhan at nilingon siya.
Yumuko siya at hinintay na magsalita ang kanyang ate na tulad ng ginagawa nila kapag may nakakakita sakanya sa mga kaklase noon at kaibigan ng kanyang ate."Ahm, kapatid ko pala. Si Katrina."
Nanlaki ang mata ni Katrina sa gulat dahil ito ang unang beses na pinakilala ito sa kaibigan niya bilang kapatid niya."Bum, kapatid mo?" turo niya kay Katrina na may hawak na tatlong libro.
"Hindi, pinsan ko. Binilin lang sakin ng tita ko." sagot ng kanyang ate.
"Akala ko kapatid mo."
"Psh, di naman kami magkamukha para sabihin mong kapatid ko 'no."
"Hindi nga kayo magkamukha, parehas naman kayo ng mata."
Natigil si Bum at tama nga sila. Parehas sila na may kulay kayumanggi at mapungay na mata.
"Osya, sige na. Magkita nalang tayo bukas! Bye!"
Kaya ganito nalang kagulat si Katrina ngayon dahil nag iba ang ihip ng hangin.
"Hello, Katrina. Nice to meet you." bati ng kaibigan ng kanyang ate na may kutis porselana at nakadress na spaghetti strap. Nape length ang haba ng buhok na kulay brown. Makikita mong alagang mayaman talaga siya.
"Hello po." ngumiti ito ng pilit. "Magkita nalang tayo sa trabaho, Bum. Salamat sa oras." nagbeso ang magkaibigan at kumaway sa isa't isa.
"Bye, Katrina."
Tumango lang ito at nagmartsa palapit sa gate nila. Sumunod naman ang ate niya."Kumain kana ba?" pagbukas ng pinto ay naglaro ang amoy ng niluluto ng ate niya.
"Hindi pa po."
Binitawan niya ang bag niya sa upuan mula sa kusina at uminom ng tubig.
"Kat, kulang ba baon mong pera?" umiling naman siya habang nagtatanggal ng sapatos. "Dapat kapag ganito ka oras umuuwi, kumakain ka sa labas." humarap si Bum kay Katrina na nakaupo ngayon at hinihintay ang pagkain na ihahapag ni Bum. "Magagalit sakin si Papa kapag pumayat ka." bakas ang boses nito ang pagkaconcern nito sa kapatid.
"Okay lang ako po ako. Kumakain naman ako ng marami eh."
Inihapag ni Bum ang pagkain sa mesa at nagsimula na sila kumain. Silang dalawa lang ang magkasama sa bahay nila. Ang ama nila ay nagtatrabaho sa ibang probinsya at magkaiba ang ina nilang magkapatid. Namatay ang ina ni Bum nang dahil sa sakit na breast cancer habang ang ina ni Katrina ay iniwan siya noong nasa tatlong gulang palang siya. Kaya ganon nalang ang pinagkaiba ng itsura nila. Iisa lang ang nakuha nila sa kanilang ama. Ang kanilang mata.
"Nagpadala si Papa ng pera. Anong gusto mo sa birthday mo?"
"Hindi makakauwi si papa?"
"Hindi daw. May malaking project daw yung boss niya. Inaasahan daw siya doon."
Tumango lang siya at tinuloy ang pagkain.
"Samahan mo ako bukas, bibili tayo ng sangkap sa lulutuin saka bili ka ng libro na gusto mo."
"Okay."
Nagligpit na sila ng pinagkainan at pumasok na si Katrina sa kanyang silid.
Pinagmasdan niya ang kanyang mukha ng ilang minuto sa salamin. Walang araw o gabi na hindi niya ito ginagawa. Hindi siya ganon kaagaw pansin di tulad ng kanyang ate na alagang alaga ang mukha at katawan.
If she put lots of love with herself, will it change her?
He's Jarreth Aldana
by thyhime
Plagiarism is a crime.
BINABASA MO ANG
He's Jarreth Aldana
Teen Fiction"Do you mind walking with me on the streets while raining?" pag-aya ko sa kanya na halos lumuhod na ako sa harapan niya. Ang dating laging nakangiti na labi, ang dating masayang mukha niya na ngayon ay walang ekspresyon niya akong tinitingnan. "Rain...