Usap

8 0 0
                                    




One message received

From: August

Lena, usap naman tayo oh.  Please, hear me out.


To: August

Fine, let's talk.

Sent!

One message received

From: August

After ng birthday party ni MC okay. See you. Iloveyou.

Lena's POV

It's been a year since we broke up. Yes, but we still communicate. Maybe, still hoping that we could make things work out. Or maybe, it's just me hoping that we could get back together. Pero I don't wanna hope anymore, sobrang dami na ang nangyari sa isang taon. Marami ng complications. Siguro yung pag-uusap namin is for closure nalang since hindi kami nagkaroon nang maayos na break-up dahil sa text lang naman siya nakipaghiwalay. Ironic, isn't it? Siya tong aayaw ayaw and yet siya rin tong ngayon nakikipag-ayos. Well, dapat lang naman siguro.

Nag-ayos na ako para sa birthday party ng friend namin, si MC. I just wore a simple black dress and a blacknpair of sandals.

Sa totoo lang kinakabahan ako sa mangyayari sa amin ni August, mahal ko pa sya e. At gustong gusto ko pa rin siya kahit sinaktan niya ako nang sobra-sobra. Hinihiling ko na sana, sana maging maayos na ang lahat.

******************
Nang makarating sa bahay ni MC ay parang umuurong ang sikmura ko. But I have to face this one. Pumasok na ako at agad na hinanap si Celine, ang best friend ko.

"Lena, here!" I saw Celine, sitting together with our other classmates. Naupo na rin ako. Pasimple kong nilibot ang paningin ko trying to find him.

Then when I saw him, he's also looking at me. Agad kong iniwas ang tingin ko. Kinakabahan ako.

At 9PM, unti-unti na ang pag-alis ng mga bisita. Unti-unti ko na ring nararamdaman na papalapit na sya sakin.

"Hi" simpleng bati nya sa gilid ko. Nilingon ko sya at binati rin.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang bigat na dala niya. Kahit nakangiti pa siya, alam kong hindi iyon totoo. Dahil sa tagal na naming magkasama, alam ko na ang mga salita at kilos niyang totoo sa hindi.

"Hi." Pilit kong bati kahit sobrang kabado na ako. Tama pa ba ito? Okay lang ba to? Kahit na alam kong may isang babaeng masasaktan pag pinilit ko pa to.

"Okay lang ba kung sa garden tayo mag-usap?" tanong nya sa akin.

Nararamdaman ko ang mga matang nakatingin saming dalawa. Kahit alam na nila, hindi nila maiwasang maapektuhan dahil parehas nila kaming mga kaibigan ni August.

Tumayo na ako, pumunta kami sa garden. Naupo sa duyan, magkatabi. Medyo lumayo ako sa kanya dahil parang nakakakuryente ang pagkakadikit ng mga balikat namin.

Tahimik ang paligid, payapa ang kalangitan. Napapikit ako nang maramdamang hinawakan niya ang kamay ko. Pinipigilan kong umiyak dahil alam ko na sa pag-iyak ko makikita niya ang kahinaan ko. At ayoko noon. Gusto kong maging matatag sa harapan niya.

Binawi ko ang kamay ko at pilit na tinatagan ang loob. Dahil ito ang tama, ito ang dapat.

"Ikaw pa rin ang mahal ko Lena. Hindi ako nagmahal ng iba. Walang iba." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pilit na iniharap sa kanya. Wala na akong nagawa kung hindi umiyak. Mahal na mahal ko sya at pakiramdam ko wala nang hihigit pa sa kanya.

Pinahid niya ang mga luha ko. At kasabay noon ang muling pag-gana ng utak ko.

Mali.

Mali ito. Ayaw kong may masaktan ng iba kung papayag pa akong makipagbalikan sa kanya.

Hinawi ko ang mga kamay niyang nasa mga pisngi ko.

"Pano sya? Ayokong iwan mo sya para sakin. Wag mo syang saktan."

"Pero hindi ko sya mahal, can't you feel it? Ikaw pa rin hanggang ngayon! Hindi ko lang sya maiwan dahil may sakit sya! Pero hindi ko na kaya. Miss na Miss na kita. Ang lapit lapit mo pero hindi kita maabot."

"Pero bakit ngayon lang? Bakit naging kayo kung hindi mo sya mahal? Mahal mo sya, August. Nakikita kong masaya ka sa kanya. Wag mo nang lituhin ang sarili mo."

"Oo, pinilit kong mahalin sya pero hindi e. Ikaw talaga e! Sising-sisi na ako sa lahat. Please naman Lena. Bigyan mo pa ako ng isa pang chance."

"Just one chance and I'll do everything right this time."

One chance. Sa totoo lang madali yun ibigay pero...

"No, August. You have to move on. I also have to move on. Do not ruin your relationship with her just Because of me. I Love you so much but we won't be happy together. Let's not hurt her. She doesnt deserve it."

Sinulyapan ko sya at kita ko kung gaano rin sya nasasaktan sa nangyayari. I am hurt, too. But I don't wanna be the reason of someone's pain.

"Umaasa sya sayo August. Wag na nating ipilit pa 'to." I said trying not to sound so bitter.

Tumayo siya sa swing, I thought he was gonna leave me and walk away but I was surprised when he kneel in front of me, crying...

Pilit niya pa ring hinwakan ang mga kamay ko. Hindi ko na kaya, kusa na ang pagtulo ng mga luha ko. Napayuko ako dahil ayokong makita syang umiiyak sa harap ko. Some people noticed us pero hinayaan pa rin kami. Alam nila ang kwento kaya piniling hayaan muna kami.

"Lena, tignan mo ako."

Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko pag nagsalita pa ako at tinignan sya ay bibigay na ako. At hindi yun pwede.

"Please, Lena promise I'll do everything para hindi rin sya masaktan." Kalmado nyang sabi habang pumapatak ang mga luha rin niya.

Sa totoo lang hindi ko na alam. Binawi ko ang mga kamay kong hawak nya. Madali nalang bawiin dahil hindi naman ganon kahigpit ang hawak nya.

"August, let's just move on. Consider this as our closure." Inipon ko lahat ng lakas ko para tumayo at iwan sya don. I walked away.

I'm sorry, August. But I cannot choose to be happy with you while the other one is in pain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Di Pwede (One Shot)Where stories live. Discover now