2nd Warning!

14 0 0
                                    

2nd Warning

Life

[Justin Brent]

April 17, 2017

3:14 am

Hindi ko mapigilang mairita sa mga sigawan at murahan na naririnig ko sa ibaba dahilan ng paggising ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat, ay madidisturbo ang mahimbing kong tulog. Napakaaga, tas ito ang bubungad sa'yo?

Inabot ko ang cp ko sa gilid ng aking kama at binuksan ito. Napapikit ako ng kaunti dahil sa liwanag. Madami akong notifications na natanggap galing sa iba't ibang social media accounts. Pero hindi ko na ito pinansin dahil wala naman talaga akong pake.

"Ilang beses na natin 'to pinagusapan! Bakit hindi mo pa rin ako maiintindihan, Jed?" Sigaw ni Mama sa ibaba. Ilang beses mo rin ba siyang paintindihin, Ma? Hindi ka rin ba napapagod? "Bakit kasi kailangan mo pang pumunta sa Cebu? Ano ba meron doon? Ano ba gagawin mo doon? Wala, diba?" Nonsense yung reply mo, Dad. Stop being so possessive. God.

Kinuha ko yung earphones ko sa gilid ng kama ko at isinuot iyon. Tumayo ako at kinuha ang jacket na nakabitay sa cabinet ko. Kinuha ko nalang din ang mask na nakalagay sa mesa at isinuot ito. Nagpasya akong lumabas sa bintana. Dahil halos parati nag-aaway sina Mama simula nung nagtungtong ako ng grade 1, pag nag-aaway sila ay parati rin akong lumalabas ng bahay. Kaya gumawa ako ng maingat na daanan galing sa bintana patungo sa baba. Kung bababa rin naman ako gamit ang hagdan ay mapapansin ito nila.

Pagtungtong ko sa sahig ay agad ako tumakbo patungong gate at umakyat. Pagyapak ko sa labas ay agad kong isinuot ang hoodie ng jacket ko para mas lalong hindi ako mapansin. Ayokong makakita ng mga pamilyar na mga mukha ngayong araw. Baka mas lalo lang ako mababadtrip.

Nagpasya nalang akong pumunta sa Park ng Village namin dahil sigurado akong napakapresko ng hangin doon at sigurado din ako na yun ang pinakaperpektong lugar upang mag-aksaya ng oras.

Pagdating ko sa Park ay agad akong dinala ng aking mga paa sa lake na inilibot ng Park na ito. Tama ang hinala ko. Napakapresko ng hangin lalo na sa ganitong oras. Kitang kita ko pa ang buwan at kung paano kuminang ang liwanag nito sa lake.

Kung posibleng ganito katahimik at presko ang buhay ko, ay wala na akong mairereklamo pa. Pero hindi eh. Kahit anong gawin ko, parating madaya ang tadhana saakin.

Simula noong gumraduate at nagabroad si Ate Jea at Ate Jera at ikinasal si Kuya Jordan ay ako nalang naiwan sa bahay na yun. Gustuhin ko man sumama kanila Ate Jea para doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko ay hindi ko magawa. Baka kung ano pa ang magawa ni Dad kay Mama pag mangyari yun.

Sa aming magkakapatid kay Ate Jea ako napakalapit. Dahil noong bata pa kami apat ay parati rin kaming nag-aaway. At pag nangyayari iyon ay si Ate Jea ang parati kong kakampi. Napakamature na kasing umisip sina Kuya Jordan at Ate Jera. Kaya hindi ko sila masyadong makausap noong bata pa ako. Kaya din siguro hindi kami nagkakasundo ni Kuya Jordan.

Si Kuya Jordan ang pinakamatanda saaming apat. Si Ate Jera naman ay nauna ng 5 minuto kay Ate Jea. Dalawang taon ang agwat nila kay Kuya Jordan. Isang taon lang ang agwat ko kanila Ate Jea kaya tatlong taon ang agwat ko kay Kuya Jordan. Masasabi ng iba na konti lang ang agwat namin apat, pero hindi kami ganoong nagkakasundo. Dahil na rin siguro ito sa impluwensiya nina Dad.

Pero tuwing nag-aaway sina Mama ay iyon lang ang oras na nagkakasundo kami. Kasi noong bata pa ako ay parati akong umiiyak pag naririnig ang mga hikbi ni Mama. Kaya todo effort sina Ate Jea na patahanin ako. Naaalala ko pa noon na napahamak si Kuya Jordan dahil natapunan siya ng bote ng beer ni Dad dahil saakin. Saakin sana matatama yung bote ng beer pero agad niya akong niyakap galing sa harapan at siya ang tuluyang natamaan. Kahit paminsan ay masungit at nakakairita si Kuya Jordan, pag naaalala ko iyon ay mawawala ang pagkakairita ko sakanya.

Hindi man vocal si Kuya Jordan, pero ramdam na ramdam mo yung pagiging alalahanin niya sa mga ginagawa niya.

Napagod na ako kakatayo at naghiga na lamang sa sahig. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko at hindi ko na rin napansin na tuluyan na akong nakatulog.

~•~•~•~•~•~

Naggising ako dahil sa mga nakakiritang mga bata na naglalaro sa park. Pero hindi ko binukas ang aking mga mata dahil nasasarapan ako sa tulog ko. Maya-maya ay nakaramdam ako ng malagkit na tubig sa mukha ko. "The hell?!—" Nang dumilat ako at napatayo ay nakita ko ang isang corgi na nakaupo't nakatingin sa akin.

"Saan ba amo mo?" Sabi ko habang napaupo't hinanap kung may collar ba siya sa leeg niya at wala naman akong nakita. Nakatakas ba 'to? Napakamahal ng ganitong klaseng breed kaya imposibleng stray dog lang ito. Hinanap ko sa bulsa ko ang cellphone ko at binuksan ito para malaman kung anong oras na. 6:02 am. Tatlong oras na pala akong natulog dito.

Naisipan ko nalang na dalhin nalang sa pet clinic ng village namin. Kawawa naman kung hahayaan ko lang dito. Baka mapahamak pa. Kinarga ko siya't hinaplos-haplos ang kanyang ulo upang maging komportable siya saaking mga kamay.

Palabas na sana ako ng park habang may dala-dalang aso nang napahiga ako dahil sa malakas na pagtapon ng sapatos sa ulo ko.

Warning! Love Right AheadWhere stories live. Discover now