II-Hard Headed

12 0 0
                                    

"Ano itong nabalitaan ko?!!" Napaangat ako ng tingin mula sa binabasa kong libro ng biglang pumasok si kuya sa opisina ko dito sa bahay. Napataas ang kilay ko sa pagtaas niya ng boses na alam kong hindi maririnig sa labas dahil sound proof ang kwartong to.

"At anong balita na naman ito kuya?" I remove my eye glass and put it on top of the book I am reading at isinandal ang buong katawan ko sa swivel chair ko.

Namumula ang mukha ni kuya na akala mo ay nakakain ng napakaraming sili pero dahil kilala ko na siya ay alam kong galit yan sa kung ano mang tsismis ang nakarating sa kanya and I know na ang nangyare sa bar ni Kyle ang tinutukoy niya.

"Na basta ka na lang nambugbog ng magkakaibigan at permanente mong sinira ang pagkalalake ng isa sa kanila?" I mentally rolled my eyes sa sinabi, hindi pa ba niya ako kilala? Hindi ako basta gagawa ng mga ganun bagay kung hindi lang nila sinaktan ang pinsan ko and unconsciously I clenched my hands dahil alam kong natrauma si Sakura sa ginawa ng damuhong lalakeng yun.

"You should search more kuya. Kanino mo ba yan nalaman?" Alam ko naman kung kanino niya nalalaman ang mga pambabasag ko ng mukha pero halatang edited palagi ang ikinukwento niya kay kuya. Ang sarap din bangasan ng mukha yun.

"Kay Abegail, nandon siya mismo sa bar ni Kyle ng manggulo ka!!!" Halos kita na ang ugat sa leeg ni kuya dahil sa pagtaas niya ng boses, pero dahil sa tinuruan kami ng tamang asal ng mga magulang namin ay may respeto pa rin ako sa kanya bilang siya ang nakakatandang kapatid ko. And Abegail tsk that woman porke hindi siya pinapansin ni kuya as love interest ay sinisiraan naman ako nito sa sarili kong kapatid.

Napabuga ako ng hangin at ikinuwento ko sa kanya ang tunay na nangyare.

"Now tell me kung hindi dapat ako magalit? Tsk bakit ba kasi nagpapaniwala ka sa babaeng yun eh" napahilot na lang ako sa noo ko at pinagmasdan siya habang nakaupo sa sofa na nasa harapan ko.

"Where can I find that man?" I almost smile to myself ng marinig ko ang nakakatakot niyang boses, dahil siguro kami na lang ang magkasama ay nakuha ko marahil sa kanya ang pagiging marahas.

"His in jail together with his gang and I'll make sure na hindi na niya magagamit ang pagkalalake niya. He hurt an Auston? I made him feel the wrath of an Auston" malaking ngisi na sabi ko sa kapatid ko dahilan para mapangisi rin siya sa sinabi ko. See? I am almost like him, marahas ako I admit but when it only comes to family.

"By the way anong gagawin mo sa loko-lokong nagnanakaw sa hotel and restaurant mo?" Napalaki ang ngisi ko sa tanong niya and I know he can see the dangerous glint in my eyes dahilan para maningkit din ang kanyang mga mata.

"Kung ako lang? Hahayaan ko lang siya pero dahil ikaw ang naghahandle lahat ng business natin at ng saakin ikaw na bahala dun" yumuko ako at muling kinuha ang eye glass ko at sinuot at dinampot ang libro na kanina ko pa binabasa. Lihim akong napangiti ng makita ang malaking ngisi sa bibig ng kapatid ko. Pagdating sa mga decision ay siya ang bahala sa mga yun.

Tumayo na siya at papalabas na ng opisina ko ng bigla siyang humarap ulit saakin.

"Diba may klase ka?" Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ang malaking relo na nakasabit sa dingding.

"Walang kwenta ang subject ngayon" narinig ko ang pag mumble niya ng "ang tigas talaga ng bungo mo" na ikinailing ko lang at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

My brother and I are orphans pero hindi naging sagabal yun para pabayaan namin ang mga pag-aari ng mga magulang namin and even though na napakabata pa namin para patakbuhin ang mga ito ay nandyan ang mga Tiyuhin at tiyahin namin na hindi kami pinabayaan hangga't sa makatayo kami sa sarili naming mga paa.

Naagaw ang atensyon ko ng cellphone kong tumunog and on the screen flash the name Rubs. Napailing na lang ako at dinampot ito.

"Where are you?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya.

"House why?" Nagtaka ako dahil natagalan siya sa pagsagot ng tanong ko at napakuyom ako ng kamo ng marinig ko ang mahinang paghikbi niya.

"What happened? Is it your bastard of a father?" Nakareceive ako ng mahinang yes mula sa kabilang linya and I can't help my eyes to narrowed. Marahas akong tumayo and fumble with my keys.

"Wait for me and just stay in your room" mabibilis na lakad ang ginawa ko palabas ng opisina at hindi pinansin ang mga tawag ng katulong namin. Agad akong sumakay sa asul na motor ko para mapabilis ang pagbiyahe ko.

Madali akong nakapasok sa malaking gate nila dahil sa kilala na nila ako at kahit pa hindi ako papasukin ay makakapasok pa rin ako. Agad kong pinark ang motor ko sa harapan mismo ng pinto nila.

"PUNYETA KANG BABAE KA!!!" Nagtagis ang bagang ko ng marinig ko ang malakas na sigaw na iyun na galing sa ikalawang palapag ng bahay.

"TAMA NA MANOLO!!!" at isang malakas na sampal ang sunod na narinig ko na nakapagpanginig sa katawan ko.

"LUMABAS KA DYAN RUBY O MASASAKTAN ANG NANAY MO!!!" mabibilis na hakbang ang ginawa ko pataas ng hagdan at kitang-kita ko na nakasalampak sa sahig si Tita Jewel at may ilang pasa na rin sa mukha at katawan. Muling tumayo si Tita habang pinipigilan ang gago sa pagkakatok sa pinto. Marahas nitong itinulak si Tita mabuti na lang at nasalo ko siya bago ulit siya matumba.

"Can you stand Tita?" Nanlaki ang mata ni Tita marahil hindi niya inaasahan na makita ako lalo na at sa ganitong sitwasyon pa.

"Y-yes Hija" tumango ako sa kanya at inalalayan siyang makatayong maaayos. Tiningnan ko naman ang asawa niya na patuloy na kinakalabog ang pinto ni Ruby.

"IBIGAY MO SAAKIN ANG PERA!!!" Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Ang lakas ng loob niyang humingi ng pera pagkatapos niyang mangbabae at iwanan ang mag-ina.

"Who do you think you are asking for money you shithead?" Marunong akong rumespeto ng iba pero kung ganitong kabastos-bastos ang kaharap mo why bother?. Napatingin siya saakin na may galit na mga mata.

"Oh the famous Isabella Auston" napasmirk ako sa sinabi niya at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa, wala ang dati niyang image na tinitingala at nirerespeto ng marami. Gusot na damit at pantalon, magulong buhok, at gomang tsinelas, halata rin na nagbawas siya ng timbang. Simula ng malaman ni Tita ang pambabae at pagsusugal nito ay agad niyang nilipat sa pangalan ni Ruby ang kanilang mga ari-arian at pera.

"Umalis ka na rito at wala kang makukuhang pera" lalong nanalim ang mga mata niya at nagtagis ang bagang niya sa sinabi ko. Hinarangan ko din si Tita mula sa paningin niya.

"Kailangan ko ng pera at kailangan ko yun ngayon na!!!" Napangisi ako sa sinabi at nagcross-arms.

"Bakit? Wala na bang pera ang kabit mo? Simula ng mambabae ka, sumugal at iwanan ang pamamahay na ito ay wala ka ng karapatan. Lahat ng ari-arian na nakapangalan sainyo ni Tita ay nasa pangalan na ni Ruby, kaya kahit anong pilit mo ay aalis ka dito na walang dala" ramdam na ramdam ko ang galit niya at kitang-kita yun sa panginginig din ng katawan niya.

"Bibigyan niyo ako o papatayin ko kayo?!!!" Napatawa ako ng pagak sa banta niya at sa hawak-hawak niyang balisong na kung saan niya kinuha. Mula sa likod ay binunot ko ang baril na mabuti ay dinala ko dahilan para mapalaki ang maliit niyang mga mata.

"Mabubulok ka sa kulungan at sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka makakalabas kahit isang segundo man lang" nagdatingan ang mga security guard na tinawagan ko bago ako makapasok ng village nila at binitbit nila ang lalake na patuloy na nagwawala. Ibinalik ko ang baril sa likod ko at nilingon si Tita na patuloy ang pag-iyak.

"It's ok now Tita, wala na kayong poproblemahin" pinunasan ko ang luha niya na patuloy sa pag-iyak at agad naman niya akong niyakap. I just pat her back ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto ni Ruby.

"Belle" sa kaliwang gilid ko siya yumakap habang umiiyak din, hindi ko siya mapat dahil yakap ko si Tita at nasa pagitan namin ang kamay ko.

"Thanks Belle" tumango na lang ako sa kanya at ramdam ko ang mahigpit na yakap nilang mag-ina saakin.
-------------------------
Paano po nagkabaril si Belle? Simple lang mayaman sila whahaha.

Sorry po kung hindi ako masyadong active now a days.

Loving that WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon