Jhonsen Michael Joson aka Ivan Martin
*******************
"Hi baby!!!"
"Akin ka na lang Ivan!!!"
"Ivan baby!!! Marry me!!!"Kanina pa ako natutulili sa mga ganyang impit na sigaw sa paligid ko at ang dahilan ng mga tilian? Putcha ito tulog sa tabi ko.
Ang sarap tadyakan nito!!! Parang hindi naririnig ang mga ingay sa paligid at nagawa pang matulog ng gagong ito.
"SHUT UP!!!" napaatras naman sila dahil sa pagsigaw ko, kala mo palaging may emergency at kung makasigaw parang mupuputol na ang mga ugat nila sa leeg.
"Bakit ba ang ingay mo?" nagtagis ang bagang ko sa tanong niya. Loko to saakin naingyan siya? Sa mga fan girls niya wala lang at tulog na tulog pa siya.
"Namo paalisin mo na nga yang mga babae mo" nanlaki ang ngisi niya sa sinabi ko at tumingin sa mga babaeng dumistansya ng konti sa pwesto namin. Akala ko papaalisin na niya yun pala kakawayan pa!!! Pota talaga to!!! Ako ang naririndi sa mga ingay ng babae niya!!!.
"Kaya ka tinakwil ng mga magulang mo dahil dyan" and fuck!!! Bigla na lang nawala ang ngiti sa labi niya sa sinabi ko. Tangina naman kasi bakit nasabi ko yun?. Pero agad bumalik ang ngisi sa labi niya pero hindi katulad kanina na carefree ngayon it was a sad and cruel smile.
"Wala akong pakialam sa yaman nila dahil kahit itakwil nila ako mayaman pa rin ako, besides para saan pa't ako ang nag-iisang apo ng lola ko?" Napakamot na lang ako sa batok ko sa sinabi ng gagong to. Mayabang talaga kahit kelan ang isang to.
"Yabang mo talaga kahit kelan" tumayo na ako at pinagpagan ang pantalon ng uniporme ko at tiningnan siya na nakaupo pa rin sa damuhan.
"Hindi ka ba papasok?" Tinaasan niya lang ako ng kilay at tumayo ng walang sinasabi ni hindi nga pinagpagan ang damit niya. Sa likod namin ay ang dalawa pang estudyante na nakasunod. Tsk sosyal ang gago may bodyguard pero ang alam ng lahat ay mga pinsan niya ang mga to.
"Ate Saku!!! Sandali!!!" Napatingin ako sa boses na yun dahil sa malapit lang ito saamin. Ang mga Auston.
"Damn ang ganda talaga ni Sakura" napataas naman ang kilay ko sa sinabi nitong katabi ko. Palibhasa hindi makaporma kay Sakura dahil sa ilap na ito sa mga tao sa hindi malamang dahilan at wala akong pakialam kung ano yun.
Dahil pareho lang ang pathway na dadaanan namin ay nasa unahan namin ang magkapatid na si Sakura at Krystal. Gulat na tingin ang ibinigay ko ng ang kasama ko ay nasa unahan na ng magkapatid at nakangiti na akala mo ay nanalo. Ang bilis tagala ng pota oh, at saan niya nakuha ang bulaklak na yan?.
Argh!!!! Sakit talaga sa ulo ang lalakeng to oh!!! Kundi lang to ipinagkatiwala saakin ng lola niya ako mismo ang magtatapon sa kanya sa imburnal.
"Ms. Saku flower for you" paglapit ko ay nakatingin lang si Sakura sa bulaklak at ibinalik ang tingin kay gago na ngiting-ngiti sa babae, habang ang kapatid niya naman na si Krystal ay animo hindi maipinta ang mukha.
"Excuse me mga kuya pero hinihintay na kami ni Ate Nice" Ate Nice? Sino nga ba ang nagmamay-ari ng nickname na yun?.
"Sorry but I'm allergic to flowers" nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa sa pagtanggi ni Sakura, halata namang nireject niya ito in a nice way at dinahilan lang ang mga bulaklak.
"Ganun ba? Maybe chocolate?" Aba? Ngayon naman chocolate? Ang tigas din ng apog nito eh no?. At tulad kanina ay tiningnan ito ng babae at ibinalik sa mukha niya.
"I'm sorry but I don't eat chocolate. If you'll excuse us" sa gilid namin sila dumaan at hindi na pinansin ang kasama ko.
"Pftt" shit for the first time may tumanggi sa "charms" niya and I look at him na nasa tabi ko la-. Teka nasan na yun?. I look around, hindi kaya? Tinignan ko ang magkapatid at hindi nga ako nagkamali. Shit naman!!! Agad akong sumunod sa kanya para pigilan ang kalokohan niya.
"Teka lang Ms. Sakura I just want to ask you something" naku ka naman talaga!!! Bakit ba nagkaroon ako ng alagang makulit!!! At hindi man lang pigilan ng mga guards niya!!!.
"Tama na yan Ivan baka naiistorbo mo na sila" hinawakan ko siya sa balikat niya with force na alam kong alam niya na dapat ay tumigil na siya sa pangungulit. Tumingin siya saakin and I don't like the glint in his eyes. Kaya kami napapahamak sa pambabae niya eh.
"Be my girlfriend Ms. Sakura" nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Sakura and I can also see how frightened she is, the way her body become stiff na parang may narinig siyang nakakatakot na bagay.
"A-ate Saku?" Lumapit sa kanya ang kapatid niya hinimas-himas ang braso na parang pinapakalma ito. May kakaiba talaga sa kanya.
"Mga kuya please iwan niyo na kami" full of concern ang boses ng kapatid niya at may hint din ito ng takot. Takot saan?. Lalapitan sana ulit sila ni Ivan ng lalong maging stiff ang katawan ni Sakura at may mga luha na ring nagbabadyang tumulo sa mga mata niya.
"Sakura" lahat kami napalingon sa malamig na boses na galing sa likod ni Sakura maliban lang sa kanya na stiff pa rin ang katawan. At halata naman ang pagbuntong-hininga ng kapatid niya.
I know she's an Auston pero bakit ngayon ko lang siya nakita sa university? She's with Ruby Red Claveria the university President.
"Ate Nice!!!" Parang gustong yumakap sa kanya ni Krystal kung hindi niya lang inaalalayan ang kapatid niya.
"Sakura" tila naman natauhan ang babae at tumingin sa likod niya. Kitang-kita ko kung paano bumuntong-hininga ang babaeng tumawag kay Sakura. President Ruby move forward and she help her and drag her somewhere together with her sister Krystal.
"Man sasagutin na niya ako eh bakit ka sumabat?" Sabi ng katabi ko na halata ang pag-kainis sa boses na tiningnan lang naman siya ng kaharap namin.
"Stop hitting on my counsin, she's in trauma right now. So please stop bothering her. Can you do it Mr. Ivan Martin? or should I call you Mr. Jhonsen Michael Joson?" Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, How did she know his real name? I know we both look like a fish sa pagbukas-sara ng bibig namin. Iilan lang ang may alam ng tunay na pangalan at pagkatao ni Ivan.
"Who are you?" Napatingin ako sa katabi ko ng mawala ang playfulness sa boses niya at naging seryoso ang mga mata niya na minsan lang makita sa kanya pero lalo akong natulala sa mukha ng nasa unahan ko ng bigla siyang ngumiti.
"I am just an Auston for you so don't bother knowing me besides a secret is a secret" kilala ko ang mga ngiting yun, madalas kong makita yun ng mga bata pa lang kami mali lang ba ako? O namamalikmata lang?.
"How can I make sure that you're not going to tell it to any one?" I saw how her eyes flicker for a moment at hindi ako magkakamali na may lungkot na dumaan sa mga mata niya bago ito nawala.
"I made a promise years ago. I will hide a secret if you'll hide mine" and again that's smile of hers is unnerving na parang kilalang-kilala ko talaga siya.
"Where do I heard that?" Nilingon ko si Ivan dahil sa sinabi niyang yun at ibinalik ang tingin sa kaharap namin. Damn!!! She smile as if she now something that we do not.
"Maybe somewhere? Or to someone? Who knows?" Nag shrug siya at bigla na lang tumalikod pagkatapos ng sinabi niyang yun at naglakad palayo na lang.
"Sandali!! Sino ka ba?" Alam kong nanginginig ang kamay ko at pinagpapawisan din ako sa matagal niyang hindi pagsagot.
"Isabella Eunice Auston, nice to see you again Sky Sandro Gale" Isabella? I don't know someone who carried that name yet why do I have this feeling that I know her?.
"Saan ko ba siya nakilala? Parang pamilyar kasi ang mukha niya" nilingon ko si Ivan na kakamot-kamot ng ulo at parang may malalim na iniisip.
***********************
Supposed to be talaga dapat kay Ivan or Johnsen talaga to kaya lang iba ang pumasok na ideya saakin eh haha
BINABASA MO ANG
Loving that Woman
RandomCan you love a woman who's breaking every mans heart? Can you love a woman who's so cold when you look at her? Can you love a woman who's everyone said so cruel? yet Can you love a woman who's scared of loving and be loved? Can you love a woman w...