[2] Yeri x you

139 18 7
                                    

[2] Yeri x you.
Requested by: satankyung

• March 21, 2018.

"I don't like her, okay? She's pretty but she's not my type."


• • •

BORED na bored ka na habang nagiintay ka ng customer sa coffee shop na pinagtatrabahuhan mo. Alam mo na tanghaling tapat kaya naman wala masyadong bibili sa inyo. Malamang, sino ba naman ang magkakape ng tanghaling tapat? Bihira lang naman. Pastries and coffees lang naman ang tinitinda nyo. Ang kinakain ng mga tao tuwing tanghali ay kanin, ulam, malamig na tubig, coke or juice, diba?

Kasama mo ang bestfriend mo na si Seulgi, "Yo!" Sabi nya sabay tabi sa iyo, bored na tumingin ka naman sa kanya at bumuntong hininga pa. "Bakit ganyan mukha mo? Hindi pa naman tayo nalulugi, ah!" Sabi naman nya sa'yo sabay irap pa.

Inirapan mo din sya, "Sino ba naman ang hindi mabobored? Duh, walang customer! Anong gagawin natin?"

"Bakit? May gusto ka bang gawin natin?" Nandoon ang kakaibang ngiti sa labi nya kaya naman agad mo syang binatukan. Bastos talaga ang isip ng bestfriend mo na 'yan. Agad naman syang napapout nung nabatukan mo sya, "Aray naman!" She whined.

Umirap ka, "Paano, iba na naman ang iniisip mo. Magtigil ka nga, dun ka sa Irene mo!" Sabi mo naman sa kanya.

Napapout sya at napasandal, "Hmp. Ewan ko sa kanya? Dun na sya sa Sehun nyang mahaba ang baba!" Sabi naman nya sa'yo na mahahalata mo ang pagkabitter at selos sa boses.

"Gagu, ang sama ng ugali mo. Ang gwapo kaya ni Thethe- I mean, Sese." Sabi mo naman sa kanya. Paano naman, aminin mo nang nagagwapuhan ka talaga kay Sesere.

"Edi dun ka na!" Sabi naman ni Seulgi, "Kampihan mo ang supot na 'yun!"

Napabungisngis ka. Paano naman, ang cute magselos ng kaibigan mo. "Gagu, syempre, sa'yo pa din ako boto para kay Irene, no!" Sabi mo naman sabay hampas sa balikat nya.

She smirked, "Dapat lang."

Magsasalita ka pa sana nang biglang bumukas ang pinto ng coffee shop. Sabay pa kayong napatingin ni Seulgi sa taong pumasok. Halos lumuwa ang mga mata mo dahil para kang nakakita ng anghel.

Nakatingin ka lang sa babaeng pumasok. Hindi mo na nga halos maaalala na may kasama ka pa pala dahil nasa kanya lang ang atensyon mo.

"Hoy, yung eyeballs mo nasa sahig na." Sabi pa ng eksaherada mong kaibigan kaya napatingin ka sa kanya sabay palo sa braso nito.

"Good day! What's your order?" Si Seulgi na ang nagtanong sa babaeng tinititigan mo kanina pa dahil hindi mo namalayan na kanina pa sila nasa harap mo at naghihintay na kunin mo ang order nila. Syempre, dahil alam naman ni Seulgay ang kalagayan mo, sinalo ka na nya. Tao ka lang din naman na natutukso at natutulala lalo na kung sobrang ganda ng babae na nasa harap mo. Bakla ka pa naman.

"Isa ngang chocolate cupcake and coffee." Sagot naman nung babae kaya nagtaka dahil tanghaling tapat tapos ganun ang kakainin nya. Medyo weird pero wala kang pakeelam kasi buhay nya 'yan kaya manahimik ka.

"Coming up!" Sabi naman ni Seulgi at umalis naman ang babae at umupo sa di kalayuan. Iniwas mo ang tingin mo sa kanya kasi alam mo na magmumukha ka ng creepy at tanga kung ipagpapatuloy mo ang kakatitig. Mukha kang asong ulol na naglalaway sa totoo lang.

"Huy natulala ka na dyan. Ikaw na ang magserve sa kanya nito." Sabi ni Seulgi sabay bigay sa kanya nung inorder nung babae. Napalunok ka at sinamaan sya ng tingin. Punyeta naman kasi 'yang kaibigan mo na 'yan. Alam na nga na may epekto sayo yung babae tapos ikaw pa ang palalapitin. Paano kung makagawa ka ng kapalpakan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imagines.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon