Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NAKAUPO ka sa upuan mo habang nakatambay sa classroom nyo, medyo nakaawang pa nga ang bibig mo habang nakatingin sa dalawang kaklase mo na kasalukuyang nag-aaway ngayon.
"Ulol! Akin lang si Irene!" Sigaw ni Seulgi na kaklase mo, masama ang tingin nya kay Bogum. Oo, nag-aaway ang mga kaklase mo at wala kang pake. Ano nga ba namang magagawa mo para maawat sila?
Eh di hamak naman na kayang kaya ka nilang patulugin pag sinuntok ka nila. Hindi ka pa mataray o masungit para gumawa ng eksena at pagalitan silang dalawa. Mahiyain ka lang. That's it. Kaya naman, wala kang magawa ngayong nag-aaway sila. Ikaw pa mandin ang Vice President ng klase nyo tapos wala kang magawa. Kasalanan mo ba na binoto ka nila? Hindi naman diba?
"Anong sayo?! Ako na ang pinili nya, diba? Hindi ka kasi lalaki kaya iniwan ka nya! Hindi mo maibibigay lahat ng gusto nya!" Sigaw naman pabalik ni Bogum. Nakatayo na si Seulgi at Bogum habang galit na galit ang awra nilang dalawa. Wala talagang nagtatangkang awatin sila dahil nakakatakot sila pareho. Alam mong responsibilidad mo na awatin sila dahil wala ang President nyo at ikaw ang Vice President nyo. Pero uulitin ko ah, ano nga bang magagawa mo? Eh ni sigawan nga lang sila, hindi mo magawa. Oo, ikaw na ang duwag at mahiyain. Sayo na ang korona.
Pero bakit nga ba nagaaway ang dalawa mong kaklase na 'yan? Paano, pinag-aagawan nila ang cheerleader na si Irene na mas matanda sa kanila ng isang taon.
"Vice President! Awatin mo sila! Hala oh, nagbabaga na ang tingin sa isa't isa. Baka mamaya biglang magsuntukan 'yan!" Nataranta ka lalo ng sabihin ni Jisoo sa'yo yan. Luminga linga ka sa paligid at napansin mong nanonood lang talaga ang mga kaklase mo. Wala talagang gustong umawat. Paano ba naman kasi pag umawat ka at ikaw pa ang masuntok ng dalawang 'yan? Nakakainis naman kasi dahil ngayon pa nawala ang President nyo.