Chapter 1: Napapala ng mga Chismosa

5 0 0
                                    

Hello. Ako nga pala so Liadell Jorge, isang etchapuwerang dyosa na naninirahan sa planet Earth para maging reyna ng sangkatauhan. Pero syempre joke lang yun. Ako lang naman and middle child sa aming limang magkakapatid at ang parents ko ay mayaman. They own several clothing branches internationally kaya naman medyo nangangati na ang iba kong kapatid sa ibibigay sakanilang pamana even though binigyan na sila ng maliliit na business para i-manage.

Me, on the other hand didn't take any of those and instead I decided to move out of the house. I got myself an apartment and a job dahil gusto ko buhayin ang sarili ko sa aking sariling pagsisikap!

But anyways this is not about my boring family background. This story is about how my simple life turned upside down on that day. The day na pinairal ko ang pagiging chismosa ko... the day na imbes na matulog na lang ako since sabado nama ay pinili kong makiusyoso sa hindi dapat at ito ang araw na iyon....

*BLLLLAAAGGGGGG!!!!!!*

Napabangon ako kaagad sa pagkakahiga. May magnanakaw ba? May serial killer? May multo? Saan nanggaling yung ingay? Ba't ang OA ko?

*CCRRRRAAAASSHHH*

Huh?

Dahan-dahan akong umalis sa kama at kinuha ang lampshade na nasa ibabaw ng table katabi ng kama ko. Parang nagmumula yung ingay sa katabi kong apartment. Ano naman ang trip nila at nambubulabog ng kapwa kapitbahay? Nasira tuloy ang beauty sleep ko! May away siguro sa kabila, hayaan ko na nga. Akmang babalik ulit ako sa pagtulog nang...
.
.
.
.
.
.
...Haiisst! Napa padyak ako sa inis, sige na nga i-che-check ko lang kung anong nangyayari. Syempre nag aalala lang ako sa kapitbahay ko. Isang matandang babae na may maamong mukha ang palagi kong nakikita na dinidiligan ang mga halaman sa labas. Since bakante yung kaliwang apartment syempre ibig sabihin 'non galing sa apartment ni Lola yung ingay. Kahit naman na hindi kami close may konsenya pa tin ako no.

Dala-dala ko yung lampshade palabas ng apartment. Napansin ko naman kaagad na naka-awang ng onti ang pinto papasok sa apartment nung matanda. Hala! Baka pinasukan na si Lola ng mga magnanakaw! Tatawag na ba ako ng mga pulis o papasukin ko muna para makasiguro? Paano pala kung wala lang naman talagang nangyari? Edi nagmukha akong tanga na nakaamba na ang lampshade, baka magkaroon pa ng heart attack so Lola.

*CLLLAAACCCKKK!*

"Aytipaklongtumalon," muntikan ko nang mabitawan ang lampshade ko. Sayang din. Kahit Made in China ito binili pa rin ito ng sarili kong bulsa, kumbaga mayroon itong emotional value na naka-attach. Huminga ako ng malalim. Well, there is no turning back now masyado akong nginangangat ng curiosity ko at kapag may nangyari ngang masama sa matandang nakatira dito, hindi ako papatahimikin ng konsenya ko.

Naka tip toe ako nang i-approach ko ang pinto papasok. Ano ba yan kinkabahan ako ng bongga. Something is telling me na by the end of the day hindi magiging naganda ang resulta nito. Hinanda ko na ang aking sarili sa possible worst case scenario ngunit ang pagpasok sa apartment ni Lola ang nagtulak saakin para humiling sa kalangitan na lamunin na ako ng lupa.

"O iha, Ano ang ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong ni Lola. Paano ba naman kasi...kabang-kaba na nga ako habang mahigpit ang kapit sa aking naka-ambang lampshade nang makita ko so Lola na buhay na buhay pa at nagwawalis ng mga bubog at mababasagin na nakakalat sa sahig. Napasapo ako sa noo.

"Iha, okay ka lang ba?" tanong ulit ni Lola. Nahihiyang ngumiti ako sa matanda at ibinaba ang hawak na lampshade.

"Hehehehe... a-ano po kasi... akala ko po kung ano na ang nangyari sainyo kasi usually po tahimik lang po ang apartment nyo ang kaso kaninang umaga may narining akong ingay kaya nagtaka ho ako at paglabas ko napansin ko pong nama awang ang pinto ninyo...k-kaya po pumasok na ho ako... sorry po talaga walang po akong intensyong masama! Pasenya na po sa pag-trespassing," mabilis at nauutal kong pagpapaliwanag sa matanda. Halos lumuhod na ako sa sahig sa kahihiyan pero tumawa lamang so Lola.

"Hahaha, okay lang iyon iha, at least alam ko na ngayon na may nagmamalasakit din sa matanda ng katulad ko," nagagalak na sabi ni Lola. Hoo... I sighed in relief. Ang chismosa ko naman kasi eh, yan tuloy ang napala ko, buti nalang no hard feelings so Lola at mukhang natuwa pa saakin.

"Sige ho, aalis na ho ako Lola---,"

~~GRUUUU~~~

Natahimik kaming dalawa nang marinig namin ang kumulo kong tyan. I flushed in embarrassment. Syempre umagang-umaga hindi pa ko nag-b-breakfast, ni hindi nga ako nakabihis ng maayos eh. Tanging sando at shorts lang ang get up ko ngayon with matching slippers pa na hello kitty ang design.

"Tara iha, sakto at kakahain ko lang ng almusal at naparami din kasi ang luto ko. Sayang naman kung itatapon lang," pagaanyaya ni Lola. Sino ba naman ako para tumanggi? Pag-libre grab the opportunity! Wala ng pa-demure-demure. Sinundan ko si Lola sa kusina kung saan nakahain ang masasarap na pancakes. Yumm!!

"Ako nga pala si Martha, Lola Martha nalang ang itawag mo saakin, ikaw iha ano pangalan mo?" umupo ako sa stool habang kumukuha sya ng pancakes. Ang ganda naman ang kitchen nya! Napaka grandmotherly ng feeling, may mga flower pattern sa wall at may mga nakasabit ding handmade knitted aprons and pot holders na ibat ibang kulay at disenyo. Ang bango pa ng bagong lutong pancakes na nagpadagdag sa homely feel. Napaka mouth watering!

"Ako po si Liadell ... Liadell Jorge," pagpapakilala ko sa sarili. Nginitian ako ni Lola Martha at binigyan ng platong punong-puno ng pancake. Nagkwentuhan kami habang kumakain tungkol sa mga bagay-bagay.

"Malapit na sya," halos pabulong na sabi ni Lola Martha. Natigilan ako sa pagnguya at napatitig kay Lola.

"Sino ho? May bisita ho ba kayong hinihintay?" medyo tumingin ako sa likod kung saan nandoon ang entrance ng kusina, malay ko ba kung may tao na pala doon masyado akong busy sa pagkain at pagkwentuhan. Umiling-iling lang si Lola Martha sabay sinabing 'wala'. May kinuha sya ng kaldero at inilagay ito sa lamesa. Inangat nya ang takip at in instant naman at bumuga into nang usok sa pagmumukha ko. Napubo agad ako, grabe ano ba ang nakalagay sa loob at ang daming kinawalang usok? At sa mismong pagmumukha ko pa!

"At pasensya na! Naku okay ka lang ba iha?"

"O-okay lang po ako," triny kong pigilan ang paubo pero parang mas lumala pa ito. Bakit ganoon? Parang kanina lang ang ganda ng pakiramdam ko ah? Tapos ngayon kung makaubo ako parang wala ng bukas?

"Ito iha, gagaan ang pakiramdam ko dito," Agad ko namang kinuha ang inalok saakin ni Lola Martha. Isa itong maitim na tableta at malamig hawakan. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong gamot. Saang botika naman nabili ni Lola Martha 'to? Nagdalawang isip akong ilagay into sa bibig ko.

"U-umm... anong klaseng *cough* gamot po ito?" tanong ko. Inabutan nya muna ako ng malamig na tubig syaka ngumiti.

"Maniwala ka man o sa hindi panlunas iyan sa maraming sakit. Kunin mo na para iyan sa ubo mong mukhang lumalala na," inilapit nya yung 'gamot' sa bibig ko. Wala naman akong nagawa kundi ang i-take iyon. Hindi ko nga alam kung bakit pero parang nag kusa nalang ang katawan ko na kunin ito at lunukin. Nanlalabo ang paningin ko, ano ba talaga ang ininom ko? Bat parang mas lalong naging worse ang pakiramdam ko?

"Normal lang yan dahil hindi sanay ang katawan mo," inalayan nya ako sa isang kama... Kama? Kelan pa ako nakalabas ng kusina? Ughhh... ang sakit ng ulo ko.

"Magpahinga ka muna, paggising mo Wala na ako. Pakisabi nalang kay Grayson pagnakita mo sya na totoo ang lahat ng nasa librong ibinigay ko sakanya," ngumiti sya saakin habang unti-unti na akong nawawalan ng malay at huling narinig ko nalang at ang kalmadong boses ni Lola Martha.

"Vin napadalaw ka?"

....At tuluyan na akong nawalan ng malay.






####

How do you guys like it so far? Maikli ba ang ending? This is my first story na talagang pinagisipan ko yung plot ng mabuti. Sorry for any typos or wrong Tagalog grammars. I hope you enjoyed the story, I will update soon.

Love, the author KM <3






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wicked MagickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon