Naglalakad ako sa madilim na eskinita, nagmamadali ako dahil may nakita akong isang grupo ng tao nag sumusunod sa akin. Dahil sa sobrang kaba di ko alam kung sang direksyon ako napunta hanggang sa makarating ako sa dead end ng eskinita.
Bigla akong hinaras ng dalawang tao sa grupo at pilit na hinalikan sa leeg at kung saang parte ng katawan.
"Pakiusap maawa kayo" napapaiyak na pagmamakaawa ko.
Pero imbis na maawa ay pinagtatawanan pa nila ako. Wala akong magawa kundi ang bumigay nalang. Tiniis kong gawin nila sakin ang mga bagay na hindi ko nagugustuhan.
"Jai!" Nagulat ako ng tawagin ako bigla ng isa sa kanila. Tinitigan ko lang siya habang umiiyak sa pagmamakaawa.
"Jairo!" Pag uulit niya. Ilang beses niya akong tinawag pero tulala lang ako. Bigla niya akong hinawakan at hindi ko na napansin sa harap ko ang dalawang taong namamantala sakin kanina.
"Jairo! Ano ba! Gumising ka! Umagang umaga na binabangungot ka pa!"
Natauhan ako ng sabihin niya yun. Bumangon kaagad ako at tinutukan ang mama ko na kana pa ako ginigising. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ko ang pamilya na lugar ang mga librong nakakalat. Nasa sarili ko pala akong kwarto.
Bumaba kami ni mama at humarap na sa mesa para kumain. Napatingin ako sa kapatid kong babae at ngumiti lang siya sa akin. Naupo na at kumuha ako ng kanin at ulam, susubo na sana ako ng biglang i open up ni mama ang nangyare kanina.
"Ano bang nangyari sayo kanina Jai? Umagang umaga na binangungot ka pa?"
Di ko naituloy ang pagsubo sa biglaang tanong ni mama, napalunok na lamang ako at uminom ng tubig.
"Kapag sinabi ko sayo ma, siguradong pagtatawanan mo ako dahil napaka-awkward talaga"
Bigla siyang natawa sa sinabi ko. Tinitigan ko siya ng masama pero tawa pa din siya ng tawa. Masyado kaming close ni mama kung kaya ganun na lamang namin itrato ang isa't isa.
"Hahaha! Alam mo ba ang hitsura mo kanina Jai? Wag po! Hahaha yan ang sinasabi mo kanina habang ginigising kita!"
Natawa ako bigla sa sinabi ni mama. Kaya nag simula na akong mag kwento pero natatawa pa din ako.
"Hahaha! Ano kasi ma, hahaha! Nanaginip ako na ginahasa ako sa may eskinita! Hahahaha!"
Biglang humarurot ng tawa ang kapatid ko na kanina ay grabe ang seryoso sa pagkain, kahit nagtatawanan na kami ni mama, para siyang lutang na kain lang ng kain.
"Hahaha! Grabe Jai! Ginahasa ka? Langyaa! Hahaha! Kalalaki mong tao, bakla ka nga siguro talaga Jai! Hahaha!" Sabi ng kapatid ko.
Nakita ko pang tumalsik ang kanin mula sa ilong niya at dumeretso ito sa ulam namin. Mas lalo kaming nagtawanan sa nangyare. Ipinagpatuloy ko ang pagkwento.
"Langya nga ee! Hahaha! Tapos ang nakakatawa pa dun, mga babae ang gumahasa sa akin, mga model type at artistahin! Hahaha! Ginahasa ako sa may eskinita! Hahaha!"
"Pati panaginip mo nahawa sa kahanginan mo Jairo hahaha!" Dugtong ni mama.
Mas lalo pa kaming tumawa hanggang sa hindi na kami nagpatuloy sa pagkain. Hanggang maya-maya ay naluluha na kami. Hindi sa pagtawa kundi sa pag-alala kay papa.
One week ago nilibing siya, pinatay siya sa isang eskinita malapit sa amin. He's an oustanding employee ng kompanya nila, running for president siya at ang mas malupet pa dun ay ang CEO mismo ng kompanya ang pumili sa kanya para maging representative ng board of members ng kompanya.
Isa sa mga naging suspek nila ang kalaban ni papa sa election of officer ng board of company, pero wala silang makitang matibay na ebidensya.
Kanya-kanya kaming nag sitayuan at bumalik sa kaniya kaniyang kwarto. Nakita ko ang mga frame na nakasabit sa dingding ko at naalala ko nung grumaduate ako bilang isang suma-cum laude ng kursong civil engineering.