Life Sucks. (A Ghost's Diary)

99 4 3
                                    


Life really sucks, andaming nagaganap na problema. Hindi ko nga alam kung ba't kailangang maging parte ng buhay ang problema, napapatanong ako minsan kung bakit pa ako nabuhay sa mundong ibabaw.

Lagi akong nakaharap sa problema araw-araw, pero iba ang ipinapakita ko sa harap ng mga kaibigan ko. Mas gusto ko silang pasayahin dahil dun ko din malilimot ang problema ko. Kapag nakita ko silang tumatawa pakiramdam ko nabawasan na ng isang tinik sa dibdib ko.

My parents are telling me to work, pero ayoko talaga. Nababagot ako magtrabaho, mas gusto kong manatili sa bahay at humawak ng gadget saka matulog. Tamad na kung tamad pero mas gusto kong manatili sa bahay. There is no place like home, ika nga.

Lage akong napapagalitan, konting bagay na magawa kong di kaaya-aya, natatabunan na agad lahat ng effort ko. Para sa kanila isa na akong malaking tamad, ayoko lang magtrabaho sa isanh employer dahil mas gusto kong maging kaaya ayang tingnan ang bahay namin.

Nakapag desisyon ako ilang araw ang makalipas na magtrabaho nalang sa isang mall, nababagot na ako sa bahay dahil lagi nalang pagkakamali ko ang nakikita. Napaisip ako na mas mabuti pang magtrabaho kase kahit na pagalitan ka, atleast sinuswelduhan ako.

Gasto ng parents ko ang mga nagasto ko sa pag aaral. Nag pasa ako ng paunang requirement. At deretso na kaagad sa initial interview.

"What position are you applying for?" Tanong ng interviewer.

"Any positions that are available ma'am" sagot ko.

Tumango lang siya at tiningnan ang mga files sa desk niya. Saka tumingin ulit sa akin at tumingin ulit sa files.

"We have here an available slot, warehouse. Kaya mo ba?"

"Sure ma'am"

"Okay just wait outside"

Tumango ako as saying thank you tsaka lumabas at tinawag ko ang susunod. Nang lumabas na ang kasabay kong nag apply, lumabas din ang nag initial interview sa amin at sinabihan kaming bumalik agad pagkahapon for final interview.

-

After how many minutes of waiting, at ang totoo nababagot na akong mag antay. Lumabas ang interviewer at sinabing pumasok na ako for the final interview. Pumasok ako at naupo sa harap ng desk ng mag iinterview.

Sobrang kinakabahan ako dahil first time ko ding mag apply. Naupo nadin sa harap ko ang mag fa-final interview sa akin.

"Why do I need to hire you?" Tanong niya, bigla akong kinabahan sa tanong niya.

Natahimik ako dahil na mental block ako sa tanong. Biglang may sumagi sa isip ko na dapat kong isagot. Sa tingin ko pwedi naman siguro to.

"Because I'm worth it. I mean I'm too flexible, I can follow you rules without any hesitations. And if and only if you'll hire me, I'll do everything for this company. I'll show you what I'm capable of"

Napangiting tumingin sa akin ang interviewer, Tinanong niya ang isa pang tanong.

"What can you contribute to our company?"

"All I can say is, I'll do everything I could for this company. Again I'm that flexible"

"Nice answer, next. Tell me more about yourself"

Tumahimik muna ako ng ilang saglit. Di ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Kailangan bang sabihin ko sa kanya lahat? O medyo may pagsisinungaling din kahit konti?

"I'm Kianne Greymond, 18 yearsold. I live in Tigbauan, Iloilo City. I have a brother, and is now a Call center agent....."

Sinabi ko sa kanya ang bawat detalye ng buhay ko. Biglang nagbago ang kaninay nakangiti niyang mukha. Ni'scan niya ang mukha ko at bumahid ang lunkot sa mga mukha niya.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon