Chapter 1: Demientos AcademySapphires Pov
“Captain nandito na po tayo" sabi ng driver. Tinanaw ko ang academiyang papasokan namin para sa mission.
"Captain, sa headmistress office tayo didiretso para kunin ang uniforms at kakausapin tayo ng headmistress" sabi ni Zelish.
"Please drop the Captain thingy, parang ang tanda ko na at isa pa matagal na tayong magkakasama simula pa noong bata tayo" natatawang sabi ko. Kasama ko sila noong bata pa ako noong hindi pa ako pinapapasok sa Vampire Army since malapit na magkakaibigan ang parents ko at parents nila.
Both of them are also officers in the army pero tinatawag nila akong captain kasi mas mataas ang rank ko at nasa ilalim ng pamamahala ko sila.
"okay Sapphire" natatawang sabi ni Rianne
"so lets go" paanyaya ko. Naglakad na kami at tumungo.
Makikitang malaki ang university pero sa mga oras nato ay walang makikitang studyante dahil nasa kanikanilang classroom at nagkaklase. Sa pagkakaalam ko ay merong dorm dito and we're gonna stay there.
Nakarating kami sa office ng headmistress at pumasok. Sumalobong sa amin ang isang Mid 30s na babae but she looks young. Vampire instinct. Ang mga bampira tumatanda rin but we age slower than humans at even though tumatanda sila malakas at mas bata tingnan ang mga bampira.
“So kayo si Capt. Sapphire Belle Sevilla, Zelish Rivera and Rianne Mae Celeste. I am very pleased to meet high ranking officers from the army, please sit down" nakangiting sabi niya. Umupo kami.
“I am Ms. Lena Demiento. So while you are on this mission ibang pangalan ang gagamitin niyo since your Surnames are well known lalo na yung sayo Capt. Sevilla. You came from an pureblood family sabi niya." So siya pala ang kapatid ni Sir. Mark
"so Maam ano ang mga pangalan namin?" tanong ko
"Ms. Sevilla ang magiging pangalan mo ay Belle Severino, Ms. Rivera yung sayo ay Elish Ariven at Ms. Celeste yung sayo ay Anne Celine" sabi ni Ms. Lena habang isa isang binibigay niya ang aming mga I.D
"Yes maam" sabay naming sabing tatlo
"oh by the way kung sakali mang may makaalam sa totoong niyong identity ay pwede niyong maipaalam saakin. Nakakatawa at gumawa ng kakaibang twist si kuya para sa test ng special vampires" natatawang sabi ni Ms. Lena. Totoo naman talaga yun kasi noong nakaraang test ay ginawa sa tatlong round kung saan nasasakop nito ang Mind, Combat at Ability test which is very different from the test that we are going to administer.
"maam? alam ba nang staffs na andito kami para sa test?" tanong ni rianne
"yes all the staffs knew about the new test at well informed naman ang students about sa test but hindi nila alam na isasagawa pala to ng sekreto" pagpapaliwanag niya
"The reason why we renewed the test because we wanted to know the attitudes of each vampires and to avoid happenings like what happened---" napatigil ako at naalala ang bagay nayun. Kinasusuklaman ko ang pangyayaring yun.
"Yes we already know what happened" malungkot na pahayag ni Ms. Lena
"maam? Where's our uniform?" tanong ko para maiba ang usapan
"Oh! Here, at eto narin ang dorm key niyo." Sabi niya at bigay saamin ng bag na may laman na uniform at ang dorm key naming.
"We should be get going maam, aatend pa kami ng klases sa afternoon" sabi ni Zelish
“Thank you maam for your time" sabi ko at sabay kaming lumabas sa opisina.
"Rianne, get HIM" I commanded. Kanina pa namin alam na may nakikinig saamin. Eavesdropping is bad.
Agad namang nag teleport si Rianne at kinuha ang lalakeng nagtatago. Agad niyang iniharap saakin ang lalaki. He has a light brown hair and he wears glasses. Mas matangkad ako sa kanya at parang batang bata pa siya. He might be 15 or 16 years old?
"s-sorry p-pero hindi k-ko po y-yun sinasadya" parang naiiyak niyang sabi
"narinig mo ba ang lahat?!" galit kong sabi at kinuwelohan ko siya.Nagiba ang kulay ng aking mata. From light brown to crimson red.
"a-alam k-ko lang po na m-mga taga a-army kayo" kinakabahang sabi niya
"hindi lang taga army kundi mga high ranking officers kami" sabi ni Zelish
"pasenya na p-po t-talaga" nagmamakaawang sabi niya.
"Zelish alam mo na ang gagawin mo" saka ko binitawan ang lalake.
Itinapat ni Zelish ang kanyang palad sa ulo ng lalake. Ang gagawin ni Zelish ay buburahin ang memorya tungkol sa kanyang narinig at yung kaninang pangyayari.
"tapos na" sabi ni zelish. Aalis na sana kami nang---
"teka! Napatawad niyo na ba ako?" sabi niya na maluluha. Teka! Akala ko ba burado na!
"imposible! Nabura ko ang memorya niya" kunot noong sabi ni Zelish. Kinuwelohan ko ang lalake.
"s-sorry po! Ability ko po talaga ang hindi tinatablan ng kahit anong attacks na pumapasok sa utak" mabilis na mabilis niyang sabi.
Nagkatinginan kami nina Rianne at Zelish. Ang ability niya ay bihira lang at ngayong lang ako nakarinig ng ganoong ability.
"so ano? Hindi pwedeng may makaalam sa identity natin at ngayon mayroong isang lalake ang nakakaalam nito" sabi ni Rianne while glaring at him. Nakakapikon talaga ang pangyayaring ito -.-
“Then wala na akong magagawa, dadaanin ko na sa dahas!" sabi ko at gumawa ng apoy na espada at pinalutang siya sa ere.
"woahhh! Teka! Kalma lang bes! Baka mapatay mo yan" sabi ni Zelish. Hindi naman talaga ko siya papatayin tinatakot ko lang.
"ikaw! Anong pangalan mo!?" tanong ko
"C-Christian Rodriguez p-po" nauutal na sabi niya
"ikaw christian! Ipangako mo saakin na walang sinuman ang makakaalam o pagsasabihan mo tungkol sa lahat ng alam mo saamin at tungkol sa magyayaring test! Kung hindi sisipsipin ko ang lahat ng dugo sa katawan mo! at magliliyab ang katawan mo sa apoy! Maliwanag ba!" galit na sabi ko para matakot siya.
"o-opo hindi ko po ipagsasabi kahit kanino" maluhang sabi niya. Binitawan ko na siya
"Rianne! Pumunta na tayo sa dorm!" sabi ko at nag teleport na kami sa dorm. Pumasok kami at dumeritso ako sa sofa at umupo. Nakakapagod ang araw na to -,-
"10:53 am pa Sapphire at 1:10 pm pa magsisismula ang klase sa hapon" sabi ni Zelish habang nakatingin sa orasan.
Maganda ang dorm room at maluwag. May mini kitchen, living room, Cr, tatlong rooms at may malaking window. Ang color rin nito ay milky white na may kulay yellow at may mini chandelier. Ang ganda ng paligid at pagkakagawa nito. Puro pastel colors ang kulay ng mga interiors dito.
"pagkatapos nating maligo at kumain pag nag 1:10 pm pupunta na tayo" sabi ko sakanila
This is just the beggining... Demientos Academy
*****