Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2: First class

Sapphires Pov

“Yes I understand--will be on it Sir." Ibinaba ko ang Cellphone ko at saka inayos ang aking uniform.

Simple pero elegante ang kanilang uniform. May black pleated skirt na above the knee at black coat na may inner white long sleeve na blouse. Isang red necktie at ang crest ng school na inilalagay sa left chest.

They also have this black high heel boots pero di naman masyadong mataas mga 3 inches lang. I was brushing my long black hair when I heard Rianne shouting outside my door.

“Sapphire we should get going its already 12:52 pm at kung sasabihin mong magteteleport tayo pwes wag kang abusado!" sabi ni Rianne.

Kainis naman oh! although gusto ko rin naman maglibot. Lumabas na ako sa aking kwarto at naabutan sila sa sala.

"Okay then, may sasabihin ako sa inyo. Dapat dalawang ability ang gagamitin natin dahil ayokong maka kuha tayo nang atensyon sa iba dahil lang sa tatlo ang ability natin" sabi ko sakanila. And yes tatlo ang ability namin at sa pagkakaalam ko ay may iba dito na tatlo ang ability. Some of them are purebloods and elites.

“By the way tandaan niyo ang disguise name niyo" sabi ko sakanila. Lumabas na kami saka inilock ang dorm room saka umalis. May mga studyante narin kaming nakikita at kung makatingin saamin para kaming alien -.-

"bago yata sila dito"

"bakit ganon? Parang ang lakas ng aura nila"

“Damn they're hot"

Kung ano ano pa ang pinagsasasabi nila. Ganito pala sa school? Never pa akong nakapagaral but of course may pinagaralan naman ako sa army at advance pa!

"Sapphire sa black star tayo papasok" sabi ni zelish at nagpatuloy na naglakad.

Dumating kami sa Black star section daw -,- ewan ko ba at may pangalan pa ang section.
Pinihit ko ang doorknob at sumalubong saamin ang maingay na classroom habang nagbabatohan sila ng kanilang mga ability. May balde na nakaipit sa pintuan at muntik nang mahulog saamin dahil sa mga lintik na mga bampirang yan!

Alam kung may balde na mahuhulog noong hindi pa kami pumasok kaya't nang muntik na tung mahulog ay sinunog ko hanggang sa mga maging abo. Nakakainis ang gumawa nito. Natahimik naman sila lahat at tumigin sa direksyon namin. Kami? Poker face lang kami.

"so? Kayo yung bago?" tanong ng isang matangkad na lalake na may kulay dark brown na buhok.

“Yes kami nga" pormal na sagot ni Zelish. Hindi na namin pinansin ang lalake at dumeritso sa bakanteng upuan sa likod. Dumating naman ang professor dito. Nginitian niya kami na senyas na kilala niya kami.

"Please introduce yourselves vampires" nakangiting sabi ng professor. Pumunta kami sa harapan.

"Im Anne Celine and my ability is Ice element user" nakangiting sabi ni Rianne

"Elish Ariven and I have the ability to manipulate shadows" cold na sabi ni Zelish

"Belle Severino, A fire element user" nakangiting sabi ko. Hindi ko talaga personality ang palangiti but for the sake of the mission I have somehow change my attitude.

"Thank you transferees and by the way I am Ms. Mia Taylor" sabi ng professor. Umupo na ulit kami sa aming upuan at nakinig sa klase. History ang first class namin at pagkatapos non recess.

Natapos na rin ang klase namin.

"Mr. Rodriguez ito-tour mo muna ang mga tranferees natin" sabi ni maam sa isang lalake at iyun yung nakatagpo naming kaninang umaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Vampire Captain Where stories live. Discover now