2. The Start(Part 2)

8.5K 149 2
                                    

ISABELLA'S POV

So, as usual late na naman ang princessa ninyo, dito kasi ako umuwi sa bahay at dahil pinatawag ako ni daddy.

“ISABELLA KATHARINA CRUZ, BUMABA  KA DITO!” Tawag niya sa akin with a high pitch tone.

“High blood ka naman dad? Dapat kailangan mo na magpacheck-up.” Sabi ko sa kanya, sabay ngiti.

“This isn’t a joke Isabel, bakit mo pinatanggal ang lahat ng yaya mo sa condo mo, na hindi ka man lang humingi ng pirmiso sa akin?” Oopsy, serious talaga si daddy.

“Dad, hindi ko sila pinaalis o pinatanggal, sila ang kusang umalis” Paliwanag ko sa kanya.

“Bakit ano na naman ang ginawa mo sa kanila?”

“Wala akong ginawa dad. Promise, Honesto!” I'm raising my right para maniwala siya. Eh, totoo naman talaga, behave naman ako, eh. Sadiyang di lang nila matake ang ugali ko.

“Eh, bakit sila umalis?” Tanong niya tsk! Ayaw niya talagang maniwala sa akin.

“Aba malay ko sa kanila, tanungin mo na lang po sila. By the way dad, late na ako sa klase ko, I think, I should go now, malayo pa 'yung school." Sabi ko sa kanya, nakakunot  pa rin ang nuo niya. Di pa 'rin siya convince sa sinabi ko.

I kissed him on his cheek para good girl ang dating. Tapos kinuha ko ang bag.

“Di pa tayo tapos Isabel, walang kang allowance this week. Condo at school lang ang lugar na dapat mong puntahan, ok?” Sabi niya sa akin, nganga ako. Ano daw?!

“But that dad. Are you serious?!” Reklamo ko sa kanya.

“I'm dead serious Isabella, makukuha mo lang ang allowance mo nextweek kung pupunta sa foundation natin at tutulong ka doon.” Mas nganga ako ngayon sa sinabi niya. Gosh! Seryoso ba siya sa sabi niya.

“But Dad, that’s too much.” Pagmamakaawa ko sa kanya, pero parang wa effect pa din. Aish!

“You heard me Isabella. Sige na alis kana kasi late kana masyado and sent my regards to your mother, ang aga niya kasing pumasok kanina.” Tapos tumalikod na siya.

Umalis na din ako. Tapos sinalubong ako ni Manong Fred.

“Good Morning ma’am Isabel. Ma’am akin na po yang bag mo.” Bati niya sa akin.

“Uhm… Okay lang manong Fred, kaya ko naman po.” Sabi ko sa kanya.

Kung di ko lang ito close si Manong Fred, kanina ko pa ito na sigawan.

Tapos pinagbuksan niya ako ng pinto. Siya ang personal driver ko. Pero gusto ako na lang ang mag-drive para sa sarili ko. Aish! May license naman ako pero ayaw pa din ni papa na mag-drive ako, eh anung silbi ng license ko kung di ko lang gagamitin. Nasayang lang mga driving lessons ko.

Tapos, nag-regalo siya ng condo noong 18th birthday ko, para malapit daw ako sa school, pero para wala ding kwenta kasi parang nasa bahay pa rin ako kasi ang daming yayang nakaaligid sa akin.

Ayoko ko talaga na maraming nagbabantay sa bawat kilos ko and i want to cook for myself. Pero pasalamat na din ako, that I turned 18, kasi wala na akong body guards, dati kasi noong hindi pa ako nag-18, grabe always ko na lang kadikit ang mga body guards ko, kaya 'yun din ang rason kung bakit wala ako masyado akong friends dati.

Nagka-boyfriend ako dati, pero takot sila kay Daddy kaya wala masyadong tumatagal sa akin. Pero, ang iba kung bakit lang sila nanliligaw ay dahil sa physical appearance ko, at sa surname ko, I found out that they just want to be famous, which I don’t like. Ang gusto ko lang naman 'yung mamahalin ako kung ano ako, at yung makakabago sa ugali ko. Pero, wala pa sa kanila ang gusto ko.

Loving An Alien(GL)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon