PROLOGUE:
Nagmamasid ang isang baguhang obrerong nebiyo sa gawing timog nang lugar ng Aknilan, kasama ang isang-daan pang mga obrero. Isa sila sa libo-libong pangkat ng obrerong pinadala sa kabuoang Aknilan, upang magtala ng mga ordinaryong nebiyo patungo sa kanilang lugar na tinatawag na Dabin.
Pinapanood niyang kumumpas ang daliri ng mga kapwa obrero, sa mga nagdadaang ordinaryong nebiyong tapos ng itala ang pagtatakdang makarating sa ibang mundo. Isang kumpas lang ng hintuturo ng isang obrero, ay mabilis naglalaho ang makikita nitong mga ordinaryong nebiyo na parang isang pulbos na buhangin sa kanyang paningin. Kasabay niyon ang paglitaw ng mga ito sa Dabin, upang makumpirma na ang pagdadala sa kanila sa Gono, at doon ay umpisahan na ang kanilang pagsasanay.
Sa hindi kalayuan, nakakita siya ng isang ordinaryong nebiyo na nilalaro ang ilang mga nabon. Pinapalutang nito ang mga iyon ng mataas at pinapaikot-ikot sa ere. Gumawa pa ito ng ilusyong bahaghari at mga bituin sa gitna ng mga nag-iikutang nabon. Nasaksihan niyang tuwang-tuwa ang nebiyong iyon sa ginagawa, kaya naman lumapit siya ng bahagya rito.
"Hindi ko gustong makielam sa iyong kaligayahan, ngunit sapat na ito sa ngayon." Napangisi siya ng tipid at saka niya itinuro ang hintuturo sa gawi ng nasabing ordinaryong nebiyo na kanina pa niya pinapanood. "Tama nang pagwiwili sa iyong sarili at kailangan mo ng harapin ang buhay sa lupa." Saka niya ikinumpas at pinaikot ang kanyang daliri, kaya naglaho ang ordinaryong nebiyo sa kanyang paningin at sigurado siyang sa mga sandaling ito ay na sa Dabin na ang nebiyong iyon.
Pinagpatuloy niya ang pagkumpas at pagdadala ng mga nakatala ng ordinaryong nebiyo sa Dabin. at matapos ng kanilang gawain sa Aknilan, ay bumalik na sila sa Dabin upang gawin ang iba pa nilang gawain sa sarili nilang lugar na nasasakupan. Sa Isang buwang pamamalagi sa Dabin, bilang obrero ay tila hindi na bago sa kanya ang mga pangyayari sa lugar na ito. Na ang mga kapwa niya obrero ay sobrang mga abala. Ngunit may isang eksena ang pumukaw sa kanyang atensyon at kaagad niyang pinagtaka.
"Anong nangyayari rito? Bakit kayo nagsisipagtakbuhan?" Pigil niyang tanong sa isang kapwa obrerong humahangos sa pagtakbo.
"Bitawan mo ako, kailangan mahabol ang isang ordinaryong nebiyo na hindi pa nakatala at maibalik sa Aknilan."
"Ano!? Hindi pa nakatala pero nakarating ng Dabin? Paanong nangyari iyon?" Gulat na gulat niyang tanong. Dahil alam niyang hindi maaaring makapunta sa kanilang lugar sa Dabin ang mga ordinaryong nebiyo na hindi pa nakatala. Walang kakayanan ang mga itong magpasikot-sikot sa tatlo pang mga lugar sa mundo ng Nebah. Hanggat hindi pa napapahintulutan.
"Hindi pa namin alam, kaya bitiwan mo muna ako o kaya'y tumulong ka rin sa paghahanap sa kanya." Saka nito pinaapoy ang sariling brasong hinahawakan niya. Kaya mabilis niya iyong nabitiwan ng makaramdam siya ng init.
Luminga linga siya sa paligid at mabilis siyang nag-isip ng paraan kung paano makakatulong. Sino ang nebiyong iyon? Paano niya nakayang magpunta ng Dabin? tanong niya sa kanyang sarili. Batid niyang lahat ng uri ng nebiyo ay may sapat na kapangyarihan para magtungo sa apat na lugar na bumubuo sa Nebah. Lahat sila ay patas, pantay-pantay ng talino, kapangyarihan at lakas. Ngunit ang mga Ordinaryong nebiyo na nakatira sa Aknilan at Hanriyong nebiyo nang Hanre ay hindi pinapayagang magpunta sa ibang lugar maliban sa kanilang nasasakupan. Lalo na sa lalawigan ng Dabin at Gono. Wala silang ideya kung paano makapunta sa mga lugar na iyon sa Nebah, bukod sa kanilang lugar hanggat hindi pa sila nakatala. Kaya hindi lubos maisip ng obrero kung paano nito nakayang makapaglaho at makapaglakbay sa Dabin nang hindi nanggagaling sa kapangyarihan ng tulad niyang obrero.
BINABASA MO ANG
Limitless
Science FictionSi Aveleg, ay isang imortal at makapangyarihang tao. Siya ang pinakaunang nebiyo na sa unang pagkakataon ay hindi sinasadyang makalusot sa tagatala at hindi inaasahang makatungtong sa ibang daigdig sa labas ng Nebah. Ang buhay niya ay walang limitas...