Story~

974 25 1
                                    

Ako si Charmaine Monteverde.

Apo ng may-ari ng isang hacienda sa aming probinsya.

Doon kami parating nagbabakasyon ng aking pamilya tuwing wala na akong pasok sa aking eskwelahan.

Tandang tanda ko pa ang isang batang lalaki na naging matalik kong kaibigan noon.

Si JJ.

Anak siya ng isa sa mga nagtatrabaho sa aming hacienda.

Hindi ko na maalala kung ano ang kanyang apelyido.

Basta't ang alam ko, ang tawag ko sa kanya ay JJ at siya lang ang tumatawag sa akin ng Cha Cha.

Parati kaming naglalaro ni JJ mapa umaga man o gabi.

Kadalasan, naglalaro kami sa ilalim ng puno o kung minsan naman ay sa putikan.

Kaya lagi kami noong pinapagalitan ng strikto kong lola.

Pinagsabihan pa nga nila noon si JJ na layuan na ako dahil kung ano ano raw ang itinuturo niya sa akin.

Isang araw, pinagbawalan ako ni lola na lumabas ng bahay.

May paparating daw kasing malakas na bagyo ayon sa balita.

Buong araw akong nakakulong sa kwarto at kalaro ang aming mga kasambahay.

Nagkunwari akong nakatulog ng mga panahon na yon para umalis na sila ng kwarto ko.

Maya maya, tulad ng inaasahan ko, dumating si JJ at nakasilip siya sa bintana ng aking kwarto.

Tinatawag niya ako para raw makapaglaro kami.

Dahil isa akong pasaway na bata ng mga panahon na iyon ay sumama ako kay JJ at sumuway sa aking lola.

Pumunta kami sa may baybaying dagat at naglaro ng buhangin at nagtampisaw sa dagat.

Nang matapos na kaming maglaro ay naupo kami sa dalampasigan para pag masdan ang papalubog na araw.

Hindi ko na lubusang maalala ang mga bagay na pinagkwentuhan namin ng mga sandaling iyon.

Ang tanging malinaw sa aking isipan ay ang sinabi niyang

"Pag lumaki na tayo, papakasalan kita. Pangako..."

at tinalian niya ng isang mahabang dahon ang aking daliri at nagmistulang singsing... na magpasa hanggang ngayon, kahit lanta na ay tinatago tago ko pa rin.

Alam kong napakabata pa namin ng mga panahon na yon. Sabi ng iba, puppy love daw ang tawag dun. Pero kahit ano pa mang tawag nila dun, ang alam ko lang, si JJ ang first love ko.

Habang tinignan namin ang paglubog ng araw ay siya namang biglang pagbuhos ng malakas na ulan.

Tama nga si lola. May bagyong paparating.

Sumilong kami sa parang maliit na kweba sa baybayin at doon na rin nagpalipas ng gabi.

Kina umagahan ay inihatid ako ni JJ sa aming bahay upang maka uwi na.

Sumalubong sa amin ang aking galit na galit na pamilya dahil pinag alala ko raw sila ng lubos.

Ipinagtabuyan nila si JJ at sinabing hindi na ako maaaring makipag kita pang muli sa kanya.

Nang araw ding iyon ay ipinasyal ako ng aking mommy at daddy sa aming hacienda.

Nag mall kami at naglaro sa playground para raw makalimutan ko si JJ.

Pag uwi namin ay nakatulog ako sa sobrang pagod sa lakad namin.

Pag gising ko ay nasa umaandar na sasakyan na kami at pauwi na raw ng Maynila.

Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng aking luha dahil hindi ko man lang nakita si JJ bago umalis.

Tinignan ko ang aking daliri at nakitang nakatali pa rin dun ang dahon na naging panandaliang singsing ko.

Sa mga sumunod pang taon ay umuuwi pa rin kami ng probinsya pero wala na doon ang pamilya ni JJ.

Walang nagsasabi sa akin kung saan sila nagtungo kaya kalimutan ko na lamang daw siya.

5 years old lang ako ng mga panahon na yun at ngayon ay 22 years old na.

Single, at hinahanapan ng jowa ng aking mga kaibigan.

Isang gabi, habang ako ay pauwi na, may nakabangga ako sa daanan.

Pagtingin ko sa kanya "je--JJ?!"

agad niya rin naman akong nakilala "CHA CHA?! IKAW NA BA YAN?!"

tumango ako at niyakap niya ako ng mahigpit. Parang tumigil ang oras ng mga panahong iyon.

Hindi ko na kailangan pang siguraduhin na siya si JJ dahil sinasabi na ng puso ko na siya nga.

Nalaman kong hinanap niya rin pala ako.

Lumipat daw sila ng kanyang pamilya rito sa Maynila para makipagsapalaran.

Ngayon ay nagtatrabaho siya sa real estate at kumikita ng maayos para sa kanyang pamilya.

Simula ng magkita kami ay sinimulan na niya akong ligawan.

Nang maisipan naming magbakasyon ay umuwi kami ng probinsya kasama ang aming mga kaibigan.

Pinatira ko muna sila sa aming bahay.

Isang gabi, habang ako ay nag aayos ng sarili sa aking kwarto ay tinawagan ng kaibigan niya at sinabing nakikipag away daw si JJ sa may dalampasigan.

Dali dali akong pumunta ng baybayin at tanging kadiliman lang ang aking nakita.

Pagbukas ng ilaw ay nakita ko ang aming mga kaibigan na naka harang sa akin.

"ANO?! NASAN SI JJ?!" pag aalalang tanong ko

Isa isa silang tumalikod at may naka sulat sa kanilang mga likod na letra

W-I-L-L U M-A-R-R-Y.... at tumuro sila sa kanilang kaliwa at may lalaking pumasok na nakadamit ng ME. --- si JJ.

Lumuhod siya sa aking harapan at binuksan ang maliit na kahon na naglalaman ng isang napakagandang singsing.

"Naaalala mo pa ba noong bata pa tayo? Nangako ako sayo na kapag lumaki na tayo ay papakasalan kita. Naghintay ako ng labimpitong taon para lang matanong ito sa iyo at mabilhan ka ng tunay na singsing at maipagmalaki ng pamilya mo. Ngayon Charmaine a.k.a. Cha Cha Monteverde, Will You Marry Me?"

Speechless na ako sa mga sinabi niya kaya tumango na lang ako suot ang napakalaking ngiti sa aking mukha.

Sinuot niya ang singsing sa aking daliri at binuhat ako sa sobrang tuwa.

Ipinaalam namin sa aming mga pamilya ang aming napipintong kasal.

Kinausap ni JJ ang aking mga magulang, nagkapatawaran sila at binigyan kami ng blessing.

Pagkatapos ng ilang bwan na preparasyon ay ginanap na ang aming engrandeng kasal.

Naiharap din ako ni JJ sa dambana ng Diyos at natupad ang binitiwan niyang Pangako...

- T H E   E N D - ♥♥♥

Pangako (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon