Day 05 | 5:00 pm
Dismissal:
Kasalukuyan kaming tumatambay ngayon sa may canopy dahil tinatamad pa kaming umuwi. Friday ngayon at boring sa bahay kung uuwi ako kaagad kasi wala namang pasok bukas.
"HAHAHAHAHAH! wtf parang shunga yung kachat ko!" sigaw ni Wendy.
"F*CK! Yung kachat ko manyakis. Sinakyan ko lang yung trip nun tapos in-end ko. Gigil niya si ako ha!" sabi ni Pam.
"Hanggang ngayon wala paring akong masayang kachat! Lahat boring pwe!" sabi naman ni Karmen.
WHAT IS WRONG WITH THESE PEOPLE?
"Wala kayo sakin. Maganda yung kachat ko bleh! Baby pa yung tawagan namin sa isa't-isa. HAHAHAHAHA!" si Drex naman yung nagsalita
"Group chat is life men! I'm not interested in Blind chats." si Saige naman ngayon. Hahayss.
"More on live stories ako eh." si Gore naman.
"Yung sakin wala talagang lumalabas sa blind chat. Kaya eto pabalik balik ulit sa menu. HAHAHAH nakakaines." pati ba naman tong si Lawrence?!
"TEKA LANG HA?!" sumigaw ako, dahilan para mapatingin silang lahat saakin. "ANO BANG PINAGSASASABI NIYO?!"
"HAHAHAHAHHAHAHHAAHAHHAAHHAHAAHHAHHAAAHAHHAAHHAHHAAHHAHHA!"
tinawanan lang nila ako amp.
"Hindi ba updated tong isang to?!" sabi ni Karmen.
"Ano bang pinaggagagawa mo at hindi ka updated? Langya mo naman bes" sabi naman ni Wends.
" So kasalanan ko? Ano ba kasi yang pinagkakaaabalahan niyo? Kahapon pa kayong lahat na nasa cellphone lang palagi yung mukha, kulang nalang ipasok niyo na yung mukha niyo sa cellphone niyo. Buset." sabi ko sa kanila.
"Eto oh." sabi ni Gore habang pinapakita ang messenger niya sakin. Tinype niya yung NearGroup sa may search box ng messenger. May lumabas at clinick niya iyon.
"So ano naman yan?" tanong ko sa kanila. May blue and red na may mga mata, hindi ko alam kung callouts ba to o balloon na tinali or heart? eh hindi naman to heart. Basta. Wag niyo kong tawanan. Simple at boring akong tao pero may pagka shunga ako pagdating sa ganito.
"This is an app. Kung gusto mo mag- chat anonymously with someone near you using Facebook Messenger app, then try this. HAHAHHA. Masaya to." pag eexplain niya sakin.
"It's an online chat dating app that uses chatbot to connect with people nearby, join group chats, follow live stories and conversations without revealing your identity. Cool isn't it? Pwede kang mag-chat ng kung ano-ano sa kung sino-sino pero hindi niyo alam ang isa't-isa. You're a complete stranger to them and vice versa. Isa pa, hindi mo na to kailangan idownload. Just search it sa facebook messenger and etc. Pero it's your choice kung idodownload mo ito or nah." sabi ni Gore. "Argh fine! Just download it at ikaw na bahala mag-discover, tutal magaling ka naman diyan at gets mo naman na yan kahit hindi ko na i-explain."
"DOWNLOAD IT! PROMISE HINDI KA MABOBORED. As long as masaya yung mga kachat mo hahahaa." sabi ni Saige.
"Whatever, I'll try."
YOU ARE READING
My NearGroup Story
Teen FictionA short chatserye story between a girl and a boy that started chatting using this new viral messaging app called 'NearGroup'. Let's find out what will happen between him and her. This is their story. Her story. His story. On how they met. And on ho...