Chapter POV: Cheska mae Lauren
Nakahanap na ako ng taxi na pwede kong masakyan papuntang school.
'Na love at first sight ata ako?'
All in my life ngayon lang ako may nasabihang gwapo dahil lahat para sa akin pangit, pati nga papa ko sinasabihan kong pangit ehh, hahanapin ko yung lalaking yun, ang tanong saan ko hahanapin yun?.
Hindi ko nalang inisip yun, at bumaba na ako ng taxi saka binigay ang bayad ko.
Mabuti nalang wala si Mrs. Lucas na naghihintay dun ako lang ata hinihintay nun para may mapahiya siya ehh, sorry siya mas mautak ako sa kanya.
Habang naglalakad ako naririnig kong pinag-uusapan nila yung unang event sa school na intramurals at kung sinong mga participants ang sasali para sa pageant.
"Cheska!" sigaw niya kaya napatingin ako sa sumigaw, hindj ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad " huminto ka nga" inis na sabi niya.
"Ano bang problema mo?, bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya.
"Lumipat na ako" sabi niya.
"Ano nahihibang ka na ba?" Inis na sabi ko sa kanya.
"At bakit hindi naman ikaw ang ipupunta ko dito, bakit hindi na ba pwedeng mag-aral dito sa pagkaka-" tinakpan ko yung bunganga niyang madaldal at halos hindi ko yun maabot dahil sa katangkadan niya.
"Ang daldal mo, oo na may magagawa ba ako" sabi ko at tinaggal yung kamay ko sa bibig niya at pinunas sa damit tiningnan niya lang ako ng masama.
"Seb. Ah hindi mo naman sinasabi na chix pala yung pupuntahan mo dito" sabi ng lalaki sa likod ni seb. Pero mas maganda kung bam-bam nalang itatawag ko sa kanya.
Napatingin pa ako sa iba niyang kasama.
"Hoy bam-bam halika ka nga dito" tawag ko sa kanya at bahagyang tumaas ang isang kilay niya.
"Anong tinawag mo sa akin?" Tanong niya.
"Bam-bam" pang-uulit ko.
"Pwede ba wag mong iniiba pangalan ko" sabi niya.
"Lilipat ka lang magdadala ka pa ng mga aso mo" mahinang sabi ko.
"Anong sabi mo?" Seryosong sabi niya kaya natakot agad ako sa susunod kong sasabihin.
"Ang sabi ko-" napatingin ako sa taong kararating lang at kung hindi ako nagkakamali siya, siya yung lalaking hinahanap ko.
'Tama nga ako itim na itim yung mga mata niya at magkasing tanglad lang kami'
Sobrang kabog ng puso ko na kulang nalang lumabas na yun sa loob ng dibdib ko, hindi man siya nakatingin sa akin pero sobrang gwapo niya kahit side view niya lang, feeling ko kami nalang yung tao dito, at nagslowmo bigla ang paligid.
"Hoy cheska umayos ka nga ang laswa" sabi ni bam-bam at inalog pa ako.
Naalala ko meron pa nga pala siya.
Umalis nalang ako dun at minabuting hindi ko nalang tanungin kung sino ba yun.
Pumunta nalang muna ako ng canteen dahil wala pa namang first class ko.
Kung lumipat na sila dito, it means palagi ko na siyang makikita, maganda yun.
"Mae-mae tinatawag ka ni Mrs. Lisa sa office niya may importante daw sasabihin now na, asap" sabi ni Jeffrey ang bakla na assitant ni Mrs. Lisa.
Tumayo nalang ako dun at nilagpasan siya.
Nang makarating na ako dun binuksan ko kaagad yung pintuan ng office ni Mrs. Lisa.
Nagulat pa akong makita si Seb. Sa loob.
"Goodmorning Ms. Lauren take a sit" nakangiting sabi niya.
Tumingin ako kay Seb. At parang nagulat rin siyang makita ako.
"Here at school our first event for this month is intramurals so we are searching for our candidate for mr. And ms. Intramural, so i decided to take the two of you, i know that mr. Craige is transfery here but we need him here, so be ready, this is final so no complain, understood, you may get out now, thank you for spare of time" paliwanag ni Mrs. Lisa ng head ng mga events, siya lahat nag-mamanage at siya rin ang prefect of disipline. "Jeff, sabihin mo kung ano pa kailangan nilang gawin" baling niya kay jeffrey, tumango lang si jeffrey at lumabas na kami.
"Sa canteen nalang tayo mag-usap" sabi niya at sumunod nalang kami.
-----
Umupo na kami sa upuan duon, nakinig kay Jeffrey."Okay ganito yun, dahil ang intram ay next next week pa, magsisimula ang practice niyo ng bukas, ako ang mag pra-practice kay mae-mae kung paano ang paglalakad, at aayusan namin siya ni jennifer" sabi niya.
"Bakit hindi na ba pwede yung lakad ko, tingnan mo" tumayo ako dun at naglakad pa-straight, narinig ko nang humalakhak ng malakas si Seb. Kaya binato ko sa kanya yung empty bottle na una kong nahawakan.
"Aray, masakit yun ahh!" Sigaw niya.
"Kasalanan mo" kumunot-noo lang siya at bumalik na ako sa upuan ko kanina.
"Alam mo mae-mae okay na yun, pero para sa mga manonood pangit" kailangan talaga prangkahan.
"Tama ka jan, pangit na siya, pangit pa kalalabasan, ano nalang sasabihin nila pangit ang kinuhang representative" sabi ni Seb.
'Hinahamon niya ba ako, maghintay lang siya ako ang magpapanalo'
-----
Itutuloy
Please enjoy, read and vote...
YOU ARE READING
She Change My Life
RomancePinagtagpo ng panahon at pagkakataon Na ang isang katulad mo'y mahulog sa akin at ako'y ibigin, hindi man ako kagandahan o kasing pino ng isang babae kung gumalaw, pero ang gusto ko ikaw, sa bawat oras na ikaw ay lalapit sa akin o ako ay iyong aasar...